Monday, 2 October 2017

Aklat ng mga Awit

Manunulat: Ang maiksing paglalarawan sa pagpapakilala sa Awit ay inilista si David bilang manunulat sa 73 pagkakataon. Ang personalidad at pagkakakilanlan kay David ay malinaw na mababakas sa marami sa mga Awit na ito. Bagama't malinaw na sinulat ni David ang marami sa mga indibidwal na Awit, hindi siya ang manunulat ng buong koleksyon ng mga Awit. Dalawa sa mga Awit, ang (72) at (127) ay ipinangalan kay Solomon, ang kahalili ni David sa trono. Ang Awit 90 ay ipinangalan naman kay Moises. Ang isa pang grupo ng 12 Awit (50) at (73 hangggang 83) ay ipinangalan sa pamilya ni Asaph. Isinulat ng mga anak ni Kora ang 11 Awit (42, 44-49, 84-85, 87-88). Ipinangalan naman kay Heman ang Awit 88 at ang Awit 89 naman ay kay Etan na mula sa lahi ni Ezra. Maliban kay Solomon at Moises, ang lahat ng mga karagdagang Awit ay isinulat ng mga Saserdote at Levita na mga responsable sa pagpapaawit sa pagsamba sa santuaryo sa panahon ng paghahari ni David. Limampu sa mga Awit ang walang ipinakilalang manunulat. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang isang masusing pagaaral kung sino ang manunulat, gayundin ang mga paksa ng bawat Awit mismo at nagpapakita na ang Awit ay nasulat sa loob ng maraning siglo. Ang pinakamatandang Awit ay isang panalangin ni Moises (90), isang pagpapahayag ng karupukan ng tao kumpara sa kawalang hangganan ng Diyos. Ang pinakabagong Awit ay maaaring ang Awit 137, isang Awit ng panaghoy na malinaw na nasulat noong panahon na binihag ng Babilonia ang Israel noong humigit kumulang 586 hanggang 538 B.C.

Malinaw na ang 150 indibidwal na mga Awit ay isinulat ng iba't ibang mga manunulat sa loob ng isanlibong taon sa kasaysayan ng Israel. Maaring inipon sila at pinagsamasama ng ilang hindi kilalang patnugot pagkatapos ng pagkabihag sa Babilonia noong mga 537 B.C. 

Layunin ng Sulat: Ang Aklat ng mga Awit ang pinakamahabang aklat sa buong Bibliya. Naglalaman ito ng 150 indibidwal na mga Awit. Ito rin ay naglalaman ng iba't ibang paksa. Tinalakay sa aklat ang mga paksa gaya ng Diyos at ang Kanyang mga nilikha, digmaan, pagsamba, karunungan, kasalanan, kasamaan, paghuhukom, hustisya at ang pagdating ng Tagapagligtas. 

Mga Susing Talata: Awit 19:1 "Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!"

Awit 22:16-19, "May pangkat ng mga buhong na sa aki'y pumaligid, para akong nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay ko at paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan ko, sa masid ay mabibilang, minamasdan nila ako niyong tinging may pag-uyam. Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran."

Awit 23:1, "Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang."

Awit 29:1-2, - O Panginoon ko at Tagapagtanggol, pagtawag ko'y dinggin, dinggin mo, O Yahweh, ang aking pagdaing, ako ay sagutin; Masasama ako sa mga yumao, kung di mo pansinin. Pag ako'y humingi sa iyo ng tulong, ako ay pakinggan, taas ang kamay ko na dumadalangin sa templo mong banal."

Awit 51:10, "Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin."

Awit 119:1-2, "Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, ayon sa utos ni Yahweh ang gawain araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan, buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay."

Maiksing pagbubuod: Ang aklat ng mga Awit ay isang koleksyon ng mga panalangin, tula, at mga imno na nakasentro sa pagpupuri at pagsamba sa Diyos. Ginamit ang mga bahagi ng aklat na ito bilang mga imno sa pagsamba sa sinaunang Israel. Ang kahalagahan ng aklat ay masasalamin sa titulo nito. Nagmula ito sa wikang Griyego na nangangahulugan ng "isang awit na inawit sa saliw ng mga instrumentong musikal." 

Mga pagtukoy kay Kristo: Ang probisyon ng Diyos sa kanyang bayan ng isang Tagapagligtas ang pangunahing tema ng Aklat ng mga Awit. Makikita ang maraming mga hula tungkol sa Mesiyas sa mga Awit. Sa Awit 2:1-12, inilalarawan ang pagtatagumpay ng kaharian ng Mesiyas. Hinulaan naman sa Awit 16:8-11 ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Ipinakikita naman sa Awit 22 ang pagdurusa ng Tagapagligtas sa krus at ipinahayag ang detalyadong hula tungkol sa pagpapapako sa Kanya sa krus, ang lahat ng hulang ito ay detalyadong natupad. Ang kaluwalhatian ng Mesiyas at ng "babaeng ikakasal" ay makikita sa Awit 45:6-7, habang ang mga Awit 72:6-17, 89:3-37, 110:1-7 at 132:12-18 ay nagpapahayag naman ng Kanyang kaluwalhatian at walang hanggang paghahari. 

Praktikal na Aplikasyon: Ang isa sa mga resulta ng kapuspusan ng Espiritu o ng Salita ni Kristo ay ang pagawit. Ang aklat ng mga Awit ang ginagamit ng unang iglesya sa kanilang mga pagsamba na sumasalamin sa mga bagong katotohanan tungkol kay Kristo. 

Ang Diyos ang iisang Panginoon sa lahat ng mga Awit ngunit tumutugon tayo sa Kanya sa iba't ibang kaparanaan, sang ayon sa mga partikular na pangyayari sa ating mga buhay. Anong kahanga-hangang Diyos ang ating sinasamba, gaya ng idineklara ng manunulat ng Awit, Siya na mataas sa lahat ngunit malapit din sa atin na maaari nating madama at lumalakad na kasama natin sa lahat ng araw ng ating mga buhay. Maaari nating dalhin sa Diyos ang ating mga emosyon - kahit na ang mga negatibo at pagrereklamo. Maaari tayong magtiwala na mauunawaan at didinggin Niya tayo. Itinuturo sa atin ng Aklat ng mga Awit na ang pinakamalalim na panalangin ay ang paghingi ng tulong sa Diyos sa tuwing matatagpuan natin ang ating mga sarili sa gitna ng mahihirap na sitwasyon sa ating buhay. 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...