Sunday 30 April 2017

Ang Diyos ba nakigsulti pa gihapon kanato karon?

Ang Balaang Kasulatan nagtala sa Diyos nga nagpakigsulti nga madungog sa mga tawo sa daghang higayon (Exodo 3:14; Josue 1:1; Maghuhukom 6:18; 1 Samuel 3:18; 2 Samuel 2:1; Job 40:1; Isaias 7:3; Jeremias 1:7; Buhat 8:26, 9 – 15-kini usa lamag ka gamay nga pagpaila). Walay biblikanhon nga rason nganong dili makasulti ang Diyos nga madungog sa matag-usa kanato karon. Sa gatosan ka higayon nga ang Balaang Kasulatan nagtala sa Diyos nga nagpakigsulti, kinahanglan natong mahinumdoman nga kining tanan nahitabo sulod sa gidugayon sa 4,000 ka tuig sa kasaysayan sa tawo. Ang Diyos nga nagpakigsulti nga madungog usa ka talagsaon nga butang ug dili usa ka basehanan. Bisan diha sa Biblikanhon nga natala nga mga panghitabo, dili kanunay tin-aw kon kini usa ka madungog nga tingog, o usa ka tingog sa kinasulorang bahin sa usa ka tawo, o di ba kaha usa ka timaan o patik sa hunahuna o panimati. 

Ang Diyos nagpakigsulti sa katawhan karon. Una, ang Diyos nagpakigsulti kanato pinaagi sa Iyang Pulong (2 Timoteo 3:16 – 17). Ang Isaias 55:11 nagaingon, “Ang akong mga Pulong usab dili mobalik kanako nga kawang lamang; tumanon hinuon niini ang akong tuyo ug molampos gayod kini.” Ang Biblia mao ang Pulong sa Diyos, adunay kalabutan sa tanan nga kinahanglan natong mahibaloan aron maluwas ug magkinabuhi sa Kristohanong kinabuhi. Ang Ikaduhang Pedro 1:3 nagpadayag, “Ang diosnong gahom naghatag kanato sa tanan tang gikinahanglan alang sa pagkinabuhi nga diosnon pinaagi sa atong kahibalo mahitungod Kaniya nga nagtawag kanato aron makaambit kita sa Iyang himaya ug kaayo.”

Aklat ni Josue

Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat ang pangalan ng manunulat. Ngunit walang ibang ipinapalagay na sumulat ng aklat kundi si Josue na anak ni Nun, ang kahalili ni Moises. Ang huling bahagi ng aklat ay maaaring isinulat ng ibang tao pagkatapos ng kamatayan ni Josue. Posible rin na ang ilan sa mga bahagi ng aklat ay ini-edit o inipon pagkatapos na mamatay si Josue. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ni Josue ay isinulat sa pagitan ng 1400 and 1370 B.C.

Layunin ng Sulat: Isinalaysay sa Aklat ni Josue ang mga kampanyang militar ng Israel sa pagsakop sa mga kaharian na nakatira sa lupang ipinangako ng Diyos. Pagkalabas sa Ehipto at pagkatapos ng apatnapung taon ng paglalagalag sa ilang, ang bagong bansa ay handa na upang pasukin ang Lupang Pangako, lupigin ang mga naninirahan doon at okupahan ang teritoryo. Ang pangkalahatang salysay na mababasa sa Aklat ni Josue ay nagbibigay sa atin ng mga pinili at maiiksing detalye ng maraming labanan at pamamaraan hindi lamang kung paano nila sinakop ang lupain kundi kung paano rin hinati ang lupain sa bawat lipi ng Israel. 

Mga Susing Talata: Josue 1:6-9, "Magpakatatag ka, at lakasan mo ang iyong loob. Ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa pananakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno. Ngunit dapat kang magpakatatag at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag mong susuwayin ang anumang itinatagubilin doon, at magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin. Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon. Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay. Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa. Ako, si Yahweh, ang iyong Diyos, ay sasaiyo saan ka man pumunta." 

Thursday 27 April 2017

An tamang relihiyon para sako. (Bicol)

Sa mga kakanan ngunyan, pwede na kitang mag-order nin kakanon sa paagi kan pakalutong gusto ta. An ibang tindahan nin kape inoorgolyo an dakol na klase asin namit kan saindang kape. Maski pa mabakal nin harong asin sakayan, makakakua kita nin saro na igwa kan klase na gusto ta. Bako na lang nagkakapira an pagpipilian ta sa kun ano man na bagay. Makakahanap ka nin gabos na gusto mo base sa saimong personal na gusto asin kaipuhan.

Pano man an relihiyon na para saimo? Sarong relihiyon na dae ka makokonsensiya, mayong istriktong ipinapagibo, asin kun ano man na ipinagbabawal? Igwa kayan, arog kan sinabi ko. Pero ano daw an relihiyon, sarong bagay na pwede tang pilion arog kan pagpili kan namit kan sorbetes?

Kadakol na relihiyon an nakakakua kan satuyang atensyon ngunyan na panahon, kaya ano ta pipilion ta si Hesus kesa ki Muhammad o Confucius, Buddha, Joseph Smith, Quiboloy asin Felix Manalo? Bakong gabos na mga relihiyon na ini dadarahon kita sa langit? Bakong pare-pareho man sana an mga ini? Pero an totoo, bako man gabos na relihiyon dalan paduman sa langit, arog na bako man gabos na agihan paduman sa Manila.

Si Hesus sana an igwang awtoridad hali sa Dios huli ta si Hesus sana an nabuhay liwat hali sa kagadanan. Si Muhammad, Confucius, asin an iba pa yaon pa sa saindang mga lolobngan hanggang sa aldaw na ini. Pero si Hesus, sa paagi kan Saiyang kapangyarihan, nabuhay liwat matapos an tolong aldaw matapos Siyang nagadan sa krus. Siisay man na igwang kapangyarihan tumang sa kagadanan angay kan satong atensyon. Siisay man na may kapangyarihan tumang sa kagadanan maninigo na satong dangugon.

Wednesday 26 April 2017

Ang pagka-Diyos ni Kristo ayon sa nakasulat sa Bibliya.

Hindi lamang inangkin ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos. Kinilala rin naman ng Kanyang mga alagad ang Kanyang pagka-Diyos. Sinabi nilang si Hesus ay may karapatang magpatawad ng kasalanan, isang bagay na tanging ang Diyos lang ang makagagawa, ito'y dahil ang Diyos rin naman ang nasasaktan kung nakakagawa tayo ng kasalanan (Mga Gawa 5:31; Colosas 3:13; Awit 130:4; Jeremias 31: 34). Si Hesus rin ang siyang hahatol sa mga nabubuhay at mga namatay na (2 Timoteo 4:1). Sinabi ni Tomas kay Hesus, “Aking Panginoon at aking Diyos!” (Juan 20: 28). Tinawag din Pablo si Hesus na “Dakilang Diyos at Tagapagligtas” (Tito 2:13), at binigyang-diin na bago pa man isinilang si Hesus sa mundo Siya ay nabubuhay na Siya bilang Diyos (Filipos 2:5-8). Ito ang sinabi ng manunulat ng aklat ng Hebreo tungkol kay Hesus: “Ang Iyong kaharian, O Diyos, ay mananatili magpakailan pa man” (Hebreo 1:8). Sinabi rin ni Juan “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos” (Juan 1: 1). 

Marami pang mga halimbawa sa Bibliya na nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Kristo (Tingnan ang aklat ng Pahayag 1: 17; 2: 8; 22: 13; 1 Corinto 10: 4; 1 Pedro 2: 6-8; Awit 18: 2; 95: 1; 1 Pedro 5: 4; Hebreo 13: 20), at kahit alin man sa mga ito ay sapat na upang ipakitang si Hesus ay itinuturing na Diyos ng Kanyang mga alagad.

Binigyan rin si Hesus ng titulo na para lamang kay Yahweh (pormal na pangalan ng Diyos) sa Lumang Tipan. Ang titulo sa Lumang Tipan para kay Yahweh na “Ang Manunubos” (Awit 130: 7; Hosea 13: 14) ay ginamit din para kay Hesus sa Bagong Tipan (Titus 2:13; Pahayag 5:9). Tinawag din si Hesus na Immanuel (“Ang Diyos ay nasa atin” sa Mateo 1). Sa Aklat ng Zacarias 12:10, si Yahweh ang nagsabing, “Titingnan nila Ako, ang kanilang sinibat at sinaksak.” Subalit sa Bagong Tipan tumutukoy ito sa pagpako kay Hesus sa krus (Juan 19: 37; Pahayag 1:7). Kung ang Diyos ang nagsabi na Siya ay sinibat at sinaksak at tiningnan at si Hesus ay sinibat at sinaksak at tiningnan, samakatuwid si Hesus ay Diyos. Ipinaliwanag ni Pablo ang aklat ng Isaias 45:22-23 na tumutukoy kay Hesus sa Filipos 2:10-11. Gayon din naman, ang pangalan ni Hesus ay ginagamit kasabay ng pangalan ng Diyos sa mga panalangin, “biyaya at kapayapaan ang sumasainyo mula sa ating Diyos at Panginoong Hesu Kristo” (Galacia 1:3; Efeso 1:2). Ito ay maituturing na pamumusong sa Diyos kung si Hesus ay hindi totoong Diyos. 

Aklat ng Deuteronomio

Manunulat: Si Moises ang sumulat sa aklat ng Deuteronomio, na sa katotohanan ay koleksyon ng kanyang mga sermon sa Israel bago sila tumawid sa ilog ng Jordan. "Ito ang mga salita na sinabi ni Moises" (1:1). Maaaring ibang tao ang sumulat (si Josue) ng huling kabanata ng Deuteronomio.

Panahon ng Pagkasulat: Ang mga sermong ito ay ibinigay ni Moises sa loob ng 40 araw bago pumasok ang mga Israelita sa lupang pangako. Binigkas ang unang sermon sa unang araw ng ika 11 buwan (1:3), bago tumawid ang mga Israelita sa ilog Jordan pagkaraan ng 70 araw, sa ika 10 araw ng unang buwan (Josue 4:19). Kung babawasin ang 30 araw ng pagdadalamhati pagkatapos ng kamatayan ni Moises (Deuteronomio 34:8), ang matitira ay 40 araw. Ang taon ay 1410 B.C. 

Layunin ng Sulat: Isang bagong henerasyon ng mga Israelita ang papasok sa Lupang Pangako. Ang mga Israelitang ito ay hindi nakaranas ng himala sa Dagat na Pula o narinig ang kautusan sa Bundok ng Sinai. Papasok sila sa isang bagong lupain na kakaharapin ang maraming panganib at pagsubok. Ang aklat ng Deuteronomio ay ibinigay upang ipaalala ang Kautusan at ang kapangyarihan ng Diyos. 

Mga Susing Talata: "Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang" (Deuteronomio 4:2)

"Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos. Ibigin ninyo siya nang buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon" (Deuteronomio 6:4-7).

"sinabi ni Moises, "Itanim ninyo sa isip ang mga salitang narinig ninyo sa akin, ituro ninyo sa inyong mga anak, at ipasunod sa kanila. Ito'y mahalaga pagkat dito nakasalalay ang inyong buhay. Kung susundin ninyong mabuti, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing pupuntahan ninyo sa kabila ng Jordan" (Deuteronomio 32:46-47).

Monday 24 April 2017

Bakit namamatay ang lahat ng tao?

Namamatay ang tao dahil sa tinatawag na “orihinal na kasalanan”- ang pagsuway sa Diyos nina Adan at Eba sa hardin ng Eden. Binalaan ng Diyos ang unang magasawa na ang pagsuway sa Kanyang utos ay magreresulta sa kanilang kamatayan (Genesis 2:17), at iyon nga ang nangyari. “Sapagkat ang ng kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23a).

Dapat sana’y mananahang kasama ng Diyos sina Adan at Eba sa Eden magpakailanman, kaya maaaring ni hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang “kamatayan.” Sa kasawiang palad, may nauna ng pagkakasala sa walang hanggang nakalipas sa langit sa pamamagitan ni Satanas at tinukso nito si Eba, at bumagsak si Eba sa kasalanan. Binigyan ni Eba ng prutas ang kanyang asawa, at sumunod si Adan sa kanyang pagkakasala. Ang kasalanang iyon ang nagdala ng kamatayan sa mundo dahil inihiwalay ng sangkatauhan ang kanilang sarili mula sa pinanggagalingan ng Buhay. 

Mula noon, namunga ng makasalanang lahi sina Adan at Eba at ang bawat taong isinisilang ng isang babae sa tulong ng isang lalaki ay makasalanan na buhat ng iluwal. Kasamang dinala ng makasalanang kalikasan ng tao ang kamatayan. “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Roma 5:12).

Sunday 23 April 2017

Aklat ng mga Bilang

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng mga Bilang. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng mga Bilang ay nasulat sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang mensahe ng aklat ng mga Bilang ay para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ipinapaalala nito ang espiritwal na pakikibaka na mayroon ang mga mananampalataya dahil ang aklat ng mga Bilang ay ang aklat ng paglilingkod at paglakad ng mga anak ng Diyos. Ang aklat ng mga Bilang ang tulay sa pagitan ng aklat ng Exodo at Levitico kung saan tinanggap ng mga Israelita ang Kautusan at sa paghahanda sa kanila ng Diyos sa pagpasok sa Lupang Pangako (Deuteronomio at Josue. 

Mga Susing Talata: Mga Bilang 6:24-26, - Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;Nawa'y kahabagan ka niya at subaybayan; Lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan."

Mga Bilang 12:6-8, "Sinabi niya, "Pakinggan ninyo ito: Kung ang sinuma'y nais kong hiranging propeta, napakikita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises pagkat siya lamang ang lubos kong mapagtitiwalaan sa aking sambahayan. Kinausap ko siya nang harapan at sinabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinghaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit kayo nag-uusap laban sa kanya?"

Mga Bilang 14:30-34, - Isa man ay walang makararating sa lupaing ipinangako ko, maliban kina Caleb at Josue. Ang makararating lamang doon ay ang inyong mga anak na sinasabi ninyong mabibihag ng kaaway. Sila ang maninirahan doon. Ngunit mamamatay kayo dito sa ilang. Ang mga anak ninyo'y magpapalabuy-laboy rito sa loob ng apatnapung taon, hanggang hindi kayo namamatay na lahat. Ito ang kabayaran ng inyong kasamaan. Ang apatnapung araw na paniniktik ninyo sa lupaing yaon ay tutumbasan ko ng apatnapung taon ng pagpapahirap upang madama ninyo ang aking poot sa loob ng panahong yaon.' Akong si Yahweh ang may sabi nito at gagawin ko ito sa masamang bayang ito. Mamamatay sila rito sa ilang."

Saturday 22 April 2017

Aklat ng Levitico

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng Levitico.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng Levitico ay nasulat sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Dahil naging alipin ng mga Israelita sa Ehipto sa loob ng 400 taon, nabaluktot ng mga paganong Ehipsyo na sumasamba sa maraming mga diyus diyusan ang konsepto ng mga Israelita tungkol sa Diyos. Ang layunin ng Levitico ay bigyan ng direksyon at mga batas ang isang makasalanan ngunit piniling bayan sa kanilang pakikipagrelasyon sa isang banal na Diyos. Ang diin sa Levitico ay ang pangangailangan ng personal na kabanalan sa kanilang pagtugon sa isang banal na Diyos. Kailangang tubusin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hayop na susunugin (kabanata 8-10). Kasama sa mga paksa na tinalakay sa Levitico ay ang mga batas sa pagkain (malinis at maruming pagkain), pagsisilang ng sanggol, at mga iba't ibang uri ng karamdaman na maingat na pinangangalagaan (kabanata 11-15). Inilalarawan ng kabanata 16 ang Araw ng Katubusan kung kailan ginaganap ang taunang paghahandog para sa kasalanan ng mga tao. Bilang karagdagan, kailangan ng mga tao na magingat sa kanilang pamumuhay, sa kanilang moralidad, at sa kanilang pakikipagkapwa tao na hindi gaya ng pamumuhay ng mga pagano sa kanilang paligid (kabanata 17-22).

The God Who Provides




It is not difficult to find examples of people who have allowed the love of money to ruin their spirituality and to nullify the effect of their witness. History is full of such examples, and they come from our time also. In the book of Joshua we are told of the sin of Achan that caused the defeat of the armies of Israel at Ai. Israel had just been victorious at Jericho and had dedicated the spoil of the battle to God, as God had indicated. But there was a scar on the victory. During the battle a soldier called Achan had come upon a beautiful Babylonian garment, two hundred pieces of silver and an ingot of gold. Because he coveted them, he took them and hid them in his tent. It was a small thing, but it was disobedience to God. Thus Israel was defeated in their next engagement, and judgment came upon Achan and his household.

Solomon allowed the love of money and women to ruin his spiritual life. Ananias and Sapphira lied to the Lord about money, pretending that they had given the full price of a sale to the church while actually keeping back a portion. They were struck dead. Paul wrote in one of his letters about a young man named Demas, who, he said, "hath forsaken me having loved this present world." We see the same problem today when people put their home and the care of it above the need for biblical teaching and mow the grass on Sunday when they should be at church, or when they direct all their efforts toward amassing a fortune (or part of one) while neglecting their families and the essential spiritual life of their home. No wonder that Paul wrote to Timothy to remind him that "the love of money is the root of all evil" (1 Timothy 6:10).

Friday 21 April 2017

Aklat ng Exodo

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng Exodo (Exodo17:14; 24:4-7; 34:27).

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ay isinulat sa pagitan ng 1440 and 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang kahulugan ng salitang "exodo" ay paglabas. Sa perpektong panahon ng Diyos, ang paglabas ng mga Israelita sa Egipto ang marka ng pagtatapos ng pangaalipin sa lahi ni Abraham (Genesis 15:13), at pasimula ng katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham na hindi lamang sila titira sa Lupang Pangako, kundi darami din sila at magiging isang dakilang bansa (Genesis 12:1-3, 7). Ang layunin ng aklat na ito ay upang ipakita ang mabilis na pagdami ng lahi ni Jacob sa Egipto at ang pagtatatag ng isang bansa sa Lupang Pangako sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. 

Mga Susing Talata: Exodo 1:8, - Lumipas ang panahon at ang Egipto'y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose."

Exodo 2:24-25, - Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalaala niya ang kanyang Tipan kina Abraham, Isaac at Jacob. Nakita niya ang kalagayan ng mga Israelita at siya'y nahabag sa kanila."

Exodo 12:27, - Sabihin ninyong ito'y pag-aalaala sa Paskuwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay ng mga Israelita at patayin niya ang mga Egipcio." masabi ito ni Moises, nanikluhod ang buong bayan at sumamba sa Diyos."

Exodo 20:2-3, "Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. sa kanya ni Yahweh, "Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel."

Wednesday 19 April 2017

Aklat ng Genesis

Manunulat: Hindi nagpakilala ang manunulat ng aklat ng Genesis. Sa tradisyon, laging ipinapalagay na si Moises ang manunulat ng aklat. Walang kapani-paniwalang dahilan upang hindi paniwalaan na si Moises ang manunulat ng Genesis.

Panahon ng Pagkasulat: Hindi rin sinabi sa Genesis ang panahon ng pagkasulat ng aklat. Ang panahon ng pagkasulat ayon sa palagay ng mga iskolar ng Bibliya ay sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C., sa pagitan ng pangunguna ni Moises sa paglabas ng Israelita sa Ehipto at ng kanyang kamatayan. 


Layunin ng Sulat: Tinatawag din minsan ang Aklat ng Genesis na "punlaan" ng buong Bibliya. Karamihan ng mga pangunahing doktrina ng Bibliya ay ipinakilala sa anyo ng "punla" o "binhi" sa Aklat ng Genesis. Kasama sa pagbagsak ng tao sa kasalanan, itinala din ang pangako ng Diyos ng kaligtasan o katubusan (Genesis 3:15). Ang doktrina sa paglikha, pagpasa ng kasalanan ni Adan sa lahat ng tao, poot at biyaya ng Diyos, at ang kanyang walang hanggang kaalaman, responsibilidad ng tao, at marami pang mga doktrina ay tinalakay din sa aklat ng mga pasimula na tinatawag na Genesis. 


Marami sa mga napakahalagang katanungan ng tao sa buhay ay binigyang kasagutan sa Genesis. Gaya ng, (1) Saan ako nanggaling? (nilikha tayo ng Diyos - Genesis 1:1) (2) Bakit ako naririto? (Narito tayo upang magkaroon ng relasyon sa Diyos - Genesis 15:6) (3) Saan ako patutungo? (mayroon tayong patutunguhan pagkatapos ng kamatayan - Genesis 25:8). Ang Genesis ay namamanhik sa tao tulad sa isang siyentipiko, mananalaysay, teologo, maybahay, magsasaka, manlalakbay, lalaki o babae ng Diyos. Ito ay angkop na pasimula para sa kasaysayan ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan, ang Bibliya. 

Tuesday 18 April 2017

Sinamba si Hesus ayon sa Bibliya.


Ang pagsamba ay nangangahulugan ng “pagpugugay sa isang itinuturing na Diyos.” Kung sinamba si Hesus at tinanggap Niya ang pagsambang iniukol sa Kanya, nangangahulugan ito na Siya ay tunay na Diyos. Mahalaga ito dahil may mga tinatanggihan at hindi pinaniniwalaan ang pagka-Diyos ni Hesus at sa halip, inilalagay Siya sa isang posisyon na mas mababa sa Diyos. Oo, tinanggap ni Hesus ang pagsamba ng mga tao. Bilang ikalawang persona sa Trinidad, sinamba Siya at dapat Siyang sambahin magpakailanman. 

Mula sa umpisa ng buhay ni Hesus sa lupa, makikita natin ang mga halimbawa ng pagsamba sa Kanya ng mga tao. Pagkakita pa lamang ng mga pantas sa sanggol na si Hesus, “nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya” (Mateo 2:11). Itinala sa Bibliya ang inisyal na tugon ng mga tao ng pumasok Siya sa Jerusalem: At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan! Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel’” (Mateo 21:9; Juan 12:13). Ang salitang hosanna ay isang pakiusap sa pagliligtas at pagpapahayag ng pagsamba. Ang salitang ito na ginamit ng mga taong sumalubong kay Hesus ay isang uri ng pagsamba. 

Pagkatapos na mamangha ang mga alagad kay Hesus dahil sa paglakad Niya sa ibabaw ng tubig, “At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, ‘Tunay na ikaw ang Anak ng Dios’” (Mateo 14:33). May dalawang hindi malilimutang halimbawa ng pagtanggap ni Hesus sa pagsamba pagkatapos Niyang mabuhay na mag-uli. Ilang babae (Mateo 18:1; Markos 16:1; Lukas 24:10) ang papunta sa mga alagad upang sabihin sa kanila ang tungkol sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli ang sinalubong ni Hesus habang daan, “At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba” (Mateo 28:9).

Pagkatapos, nagpakita si Hesus kay Tomas na hindi naniniwala na nabuhay na Siyang mag-uli kahit na pinatunayan ng ibang mga alagad ang tungkol dito. Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, ngunit nagdududa pa rin si Tomas. Alam ni Hesus na nagdududa si Tomas kaya’t nagpakita Siya sa kanya at ipinakita ang marka ng pako sa Kanyang mga kamay at paa. Ano ang reaksyon ni Tomas? “Sinabi ni Tomas kay Hesus, ‘Panginoon ko at Diyos ko!’” (Juan 20:28). Wala isa man sa mga pangyayaring ito na ipinagbawal ni Hesus ang pagsamba sa Kanya, gaya ng pagbabawal ng mga tao at ng mga anghel sa pagsamba sa kanila (Gawa 10:25–26; Pahayag 19:9–10).

Patuloy tayong nagaalay ng pagsamba kay Hesus ngayon sa pamamagitan ng pagaalay sa Diyos ng ating buhay bilang buhay na handog anumang oras natin nasain, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya (Roma 12:1–2). Sinabi ni Hesus, “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Sinasamba natin ang Diyos sa espiritu at katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. Ang pagsamba ay hindi lamang pagyukod at pagluhod kay Hesus o paglalatag ng mga sanga ng palma sa Kanyang daraanan, o pag-awit at pagsigaw ng ating pagpupuri. Ang pagsamba ay pagkilala kay Hesus, pakikipagrelasyon, paglilingkod at pagtitiwala sa Kanya.



Sunday 16 April 2017

Ang Linggo ng Pagkabuhay.

Napakaraming kalituhan tungkol sa kung ano ba ang Linggo ng Pagkabuhay. Para sa iba, ang Linggo ng Pagkabuhay ay tungkol sa isang kuneho, mga makukulay na itlog na may mga dibuho, at paghahanap ng mga nakatagong itlog. Maraming tao naman na alam na ang Linggo ng Pagkabuhay ay tungkol sa pagkabuhay ni Hesus, ngunit nalilito kung ano ang kinalaman ng kuneho at ng mga itlog sa okasyong ito. 

Kung paguusapan ang Bibliya, talagang walang kinalaman ang mga pangkaraniwang tradisyon ng tao sa kasalukuyan sa pagkabuhay ni Hesus. Upang malaman ang dahilan sa likod ng mga tradisyon sa Linggo ng Pagkabuhay, basahin ang aming artikulo tungkol sa paksang ito. Sa esensya, para mas maging kaakit-akit ang Kristiyanismo sa mga hindi Kristiyano, inihalo ng Simbahang Katoliko ang mga selebrasyong pagano sa selebrasyon ng pagkabuhay na muli ni Hesus. Ang mga itlog at kuneho ay bahagi ng "fertility rituals" ng mga pagano noong unang panahon. Ang mga ritwal na ito na ginaganap ng mga pagano tuwing tag-sibol ay ang dahilan sa likod ng mga kinulayang itlog at kuneho tuwing Linggo ng Pagkabuhay.

Malinaw ang tala ng Bibliya na nabuhay na mag-uli si Hesus sa unang araw ng sanlinggo, na araw ng Linggo (Mateo 28:1; Markos 16:2,9; Lukas 24:1; Juan 20:1,19). Sadyang nararapat na ipagdiwang ng mga Kristiyano ang pagkabuhay na muli ni Hesus (tingnan ang 1 Corinto 15). Habang nararapat na alalahanin ang pagkabuhay na muli ni Hesus sa araw ng Linggo, hindi dapat tawagin ang araw na ito na Easter Sunday. Walang kinalaman ang salitang "Easter" sa pagkabuhay na muli ni Hesus. 

Dahil sa kalituhang ito, nadarama ng marami na hindi dapat tawagin na Easter ang pagalaala sa pagkabuhay na muli ni Hesus kundi dapat na "Linggo ng muling Pagkabuhay." Higit itong nararapat at naaayon sa Bibliya. Para sa isang tunay na Kristiyano, hindi niya kayang ihalo ang walang kabuluhang karakter ng isang kuneho at mga kinulayang itlog sa pagdiriwang ng pagkabuhay na muli ni Hesus na siyang pinakasentro ng selebrasyon. 

Dapat nating gunitain sa tuwina ang pagkabuhay na muli ni Hesus araw araw hindi lamang isang beses sa isang taon. Gayundin naman, kung ipagdiriwang natin ito sa isang araw ng Linggo, hindi natin dapat hayaan na maagaw ng mga makalupang kasiyahan at palaro ang ating atensyon, sa halip ay gunitain natin ang tunay na dahilan ng okasyong ito - ang katotohanan na nabuhay na mag-uli si Hesus mula sa mga patay na siyang katibayan ng Kanyang pangako sa atin, na isang walang hanggang tahanan sa Langit na nakakamit sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo.



Saturday 15 April 2017

THE NAME ABOVE EVERY NAME

Acts 4:1-12

The Sadducees are particularly mentioned, because they were the agnostics of the age, and had no belief in the unseen and eternal. The fact of our Lord’s resurrection was, therefore, especially obnoxious to them. The captain of the Temple, who was head of the Levitical guard, was probably their nominee. How weak man shows himself when he sets himself against God! All that they could do was to shut the Apostles up; but they could not bind nor imprison the Living Spirit or the speech of one saved soul to another, and so the numbers of disciples kept mounting up.
Peter must have contrasted this with his former appearance in that hall. Then he trusted his own power; now he was specially filled with the Holy Spirit for a great and noble confession. The name of Jesus stands for His glorious being. It was because the man had come into vital union with the ever-living Christ, that disease was stayed and health restored. The name of Jesus rings through these chapters like a sweet refrain. Evidently He was living and at hand, or the streams of power and grace could not have poured forth to make desert lives begin to blossom as the garden of the Lord.

F.B. Meyer

Ang Sabado de Gloria.

Ang Sabado de Gloria ay ang pangalang ibinigay sa pagitan ng Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay. May mga Kristiyano na kinikilala na ang Sabado de Gloria, ang ikapitong Araw ng Semana Santa, ang araw kung kailan nagpahinga si Hesus mula sa Kanyang gawain ng pagliligtas. Bago malagutan ng hininga si Hesus, sumigaw Siya "Naganap na!" Wala ng kailangang bayaran pa ang tao; binayaran na ang kasalanan ng tao doon sa Krus. 

Pagkatapos ng pagpapako kay Hesus sa krus, inilibing siya sa isang libingan sa di kalayuan at nanatili doon ang Kanyang katawan sa loob ng isang buong Sabado (Mateo 27:59-60; Markos 15:46; Lukas 23:53-54; Juan 19:39-42). Inaalala ng mga iglesya ang Sabado de Gloria sa pamamagitan ng pagninilay-nilay na tunay na walang pag-asa sa madilim na mundong ito kung walang pagkabuhay na muli ni Hesus. 

Tunay na kung walang pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, wala tayong anumang pag-asa sa mundong ito. Kung hindi muling binuhay si Hesus, "walang kabuluhan ang inyong pananampalataya at kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa" (1 Corinto 15:17). Nangalat ang mga alagad ng hulihin si Hesus (Markos 14:50), at ginugol nila ang unang Sabado de Gloria sa pagtatago dahil sa takot na baka sila rin ay hulihin (Juan 20:19). Ang araw sa pagitan ng pagpapako at pagkabuhay na muli ni Hesus ay maaaring panahon ng pagluluksa at lubhang pagkabigla habang ang mga alagad ay pinipilit na unawain ang nangyaring pagpatay kay Hesus, ang pagkakanulo ni Hudas at ang pagkawasak ng kanilang pag-asa. 

Ang kaisa-isang banggit sa kung ano ang nangyari sa unang Sabado de Gloria ay makikita sa Mateo 27:62-66. Nang magdadapit hapon ng Biyernes - ang araw ng paghahanda sa Paskuwa, dinalaw ng mga pangulong saserdote at ng mga Pariseo si Pilato. Ang pagdalaw na ito ay nangyari sa Araw ng Sabbath dahil itinuturing ng mga Hudyo na ang Araw ng Sabbath ay nagsisimula sa paglubog ng araw sa araw ng Biyernes. Hiniling nila kay Pilato na pabantayan sa mga sundalong Romano ang libingan ni Hesus. Naalala nila na sinabi ni Hesus na babangon Siyang muli sa mga patay pagkatapos ng tatlong araw (Juan 2:19-21) at nais nilang gawin ang lahat upang pigilan iyon. Gaya ng ating nalalaman, hindi sapat ang mga Romanong sundalo upang pigilan ang pagkabuhay na muli ni Hesus. Ang mga babaeng nagbalik sa libingan madaling araw ng Linggo ay natagpuang wala ng laman ang libingan ni Hesus. Tunay na nabuhay na mag-uli ang ating Panginoon. 



Friday 14 April 2017

SIN SHALL NOT HAVE DOMINION.

Romans 6:12-23

Standing with Christ on the resurrection side of death, we must present our whole being to God for His use. We have left forever behind, nailed to the Cross, the body of sin, Col 2:14 "Blotting out the handwriting of ordinances that was against us, which was contrary to us, and took it out of the way, nailing it to his cross." And henceforth must see to it that every faculty shall become a weapon in God’s great warfare against evil. Let your powers be monopolized by God, so that there shall be no room left for the devil, Eph 4:27 "Neither give place to the devil." 

All serve some higher power, but which? Our real owner and master, whatever we may say to the contrary, is indicated by our life. We belong to the one whom, in a crisis, we obey. Service to sin leads to uncleanness, iniquity, and death. Service to God leads to righteousness, and that to sanctification, and that to eternal life. Run your life into the mold of holy precept, as the obedient metal into the sand-cast, Rom 6:17 "But God be thanked, that ye were the servants of sin, but ye have obeyed from the heart that form of doctrine which was delivered you." We have our reward in the present consciousness of the life which is life indeed.

F.B. Meyer

Ang kahulugan ng pitong huling wika ni Kristo sa krus.

Ito ang pitong huling wika ni Hesu Kristo na Kanyang sinambit sa krus (hindi ayon sa pagkakasunod sunod). 

(1) Sinasabi sa atin sa Mateo 27:46 na ng magiikatlo ng hapon sumigaw ng malakas si Hesus at sinabi, “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” na ngangahulugang, “Diyos ko Diyos ko, bakit mo Ako pinabayaan?” Ipinahahayag dito ni Hesus ang kanyang nararamdaman ng pabayaan Siya ng Ama dahil ipinataw sa Kanya ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan at dahil dito, kinailangan ng Diyos Ama na “lumayo” kay Hesus. Habang pinagdurusahan ni Hesus ang bigat ng ating mga kasalanan, nakaranas Siya ng pagkahiwalay sa Diyos sa unang pagkakataon sa walang hanggan. Ito rin ang katuparan ng hula sa Awit 22:1.

(2) “Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34). Hindi alam ng mga nagpako kay Hesus sa krus ang bigat ng kanilang ginawa dahil hindi nila Siya kinikilala bilang Mesiyas. Ang kawalan nila ng kaalaman sa mga katotohanan ng Diyos ay hindi nangangahulugan na hindi nila kailangan ang kapatawaran. Ang panalangin ni Hesus sa gitna ng pagtuya sa Kanya ng Kanyang mga kaaway ay kapahayagan ng walang hanggang kahabagan at biyaya ng Diyos. 

(3) “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lukas 23:43). Sa pangungusap na ito, binigyang katiyakan ni Hesus ang kriminal na kumilala sa Kanya na sa oras ng kanyang kamatayan, kakasamahin Niya ito sa langit. Ipinagkaloob ito sa kanya dahil sa harap ng kanyang napipintong kamatayan, nagpahayag ang kriminal ng pananampalataya kay Hesus at kinilala niya kung sino Siya (Lukas 23:42).

Thursday 13 April 2017

Bakit ipinagkanulo ni Hudas si Hesus?


Habang hindi natin kaya na perpektong matiyak ang dahilan ng pagkakanulo ni Hudas kay Hesus, ilang bagay ang ating natitiyak: Una, Kahit na pinili ni Hesus si Hudas upang makasama sa labindalawang alagad (Juan 6:64), ang lahat ng reperensya sa Bibliya ay nagtuturo ng katotohanan na hindi siya kailanman naniwala na si Hesus ay Diyos. Hindi rin siya nakumbinsi na si Hesus ang Tagapagligtas. Hindi gaya ng ibang mga alagad, na tinatawag si Hesus na “Panginoon,” hindi kailanman ginamit ni Hudas ang titulong ito sa kanyang pakikipagusap kay Hesus. Sa halip, ginamit niya ang salitang "Rabbi," na nagpapakita na isang guro lamang ang pagkakilala niya kay Hesus. Habang may mga panahon na nagpapahayag ng kanilang pananampalataya at katapatan kay Hesus ang ibang mga alagad (Juan 6:68; 11:16), hindi ito kailanman ginawa ni Hudas sa halip pinili niyang manahimik. Ang kakulangan ng pananampalataya kay Hesus ang dahilan ng nangyari kay Hudas. Totoo rin ito sa atin. Kung mabibigo tayong kilalanin si Hesus bilang Diyos na nagkatawang tao, at at sa pamamagitan lamang Niya ang kapatawaran ng ating mga kasalanan - at ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan lamang ng kanyang ginawa sa krus - mapapasailalim tayo sa napakaraming problema na nagugat sa maling pagkakilala sa Diyos.

Ikalawa, hindi lamang nagkulang ng pananampalataya si Hudas kay Hesus kundi mayroon lamang siyang kaunti kung hindi man ay talagang wala siyang personal na relasyon kay Hesus. Nang ilista ng sinoptikong Ebanghelyo ang labindalawa, mapapansin na inilista sila sa parehong pagkakasunod sunod ng may kakaunti lamang pagkakaiba (Mateo 10:2-4; Markos 3:16-19; Lukas 6:14-16). Ang pagkakasunod sunod ay pinaniniwalaang isang indikasyon ng kanilang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan kay Hesus. Sa kabila ng pagkakaiba-iba, laging nangunguna sa listahan ang mga pangalan ni Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan at ito ay sang-ayon sa kanilang relasyon kay Hesus. Si Hudas ay laging huli sa listahan, na indikasyon ng kanyang kawalan ng malapit na personal na relasyon kay Hesus. Dagdag pa rito, ang tanging naitalang mga paguusap sa pagitan ni Hesus at Hudas ay noong sawayin ni Hesus si Hudas dahilan sa pagpigil ni Hudas kay Maria bunsod ng kanyang masamang motibo, na huwag sayangin ang pabango kay Hesus (Juan 12:1-8), gayundin ang pagtanggi ni Hudas sa kanyang pagkakanulo (Mateo 26:25), at sa mismong oras ng pagkakanulo (Lukas 22:48). 

Wednesday 12 April 2017

Ang mga paglilitis na hinarap ni Hesus bago sya ipinako sa krus.


Noong gabing hulihin si Hesus, dinala Siya sa harapan ni Annas, ni Caiphas at sa harap ng grupo ng mga lider pangrelihiyon ng mga Hudyo na tinatawag na Sanedrin (Juan 18:19-24; Mateo 26:57). Pagkatapos nito dinala Siya kay Pilato, ang gobernador Romano noon (Juan 18:23). Iniharap din Siya kay Herodes (Lukas 23:7), at sa huli ay ibinalik kay Pilato (Lukas 23:11-12), na Siyang nagpataw sa Kanya ng parusang kamatayan.

May anim na bahagi ang paglilitis kay Hesus: Ang tatlong bahagi ay sa isang hukumang panrelihiyon at ang tatlo ay sa hukumang Romano. Nilitis Siya sa harap ni Annas, ang dating punong saserdote; sa harap ni Caifas, ang kasalukuyang punong saserdote; at sa harap ng Sanedrin. Pinaratangan Siya ng mga panrelihiyong hukumang ito ng salang pamumusong dahil sa Kanyang pagaangkin na Siya ang Anak ng Diyos, ang Mesiyas o Tagapagligtas.

Ang mga paglilitis sa harap ng pamahalaang Hudyo at ang mga paglilitis na panrelihiyon ay nagpapakita ng lalim ng pagkamuhi sa Kanya ng mga Pariseo dahil sa pagsalansang Niya sa kanilang sariling kautusan. Maraming mga ilegal na proseso ang naganap sa mga paglilitis na ito ayon sa pamantayan ng batas ng mga Hudyo: (1) Walang paglilitis ang dapat na isagawa sa pagdiriwang ng anumang kapistahan. Si Hesus ay nilitis sa araw ng Pista ng Paskuwa. (2) Ang bawat miyembro ng korte ay dapat na bomoto ng indibidwal upang pagpasyahan kung ang nasasakdal ay nagkasala o hindi. Ngunit si Hesus ay nilitis sa pamamagitan ng sigaw ng karamihan. (3) Kung naipataw na ang parusang kamatayan, kailangang magparaan muna ng isang gabi upang isakatuparan ang parusa, gayunman ilang oras lamang ang nakalilipas, ipinako na agad si Hesus sa krus. (4). Walang karapatan ang mga Hudyo na magpataw ng parusang kamatayan kahit kanino, ngunit minanipula nila ang hatol na kamatayan para kay Hesus (5). Walang paglilitis na ginagawa kung gabi, ngunit ang paglilitis kay Hesus ay nagumpisa ng hatinggabi at tinapos ng madaling araw. (6). Ang akusado ay dapat na binibigyan ng abogado o tagapagtanggol, ngunit walang ganoon si Hesus. (7) Hindi tinatanong ang akusado ng mga tanong na magdidiin sa kanyang sarili, ngunit si Hesus ay tinanong kung Siya nga ba ang Kristo.

Tuesday 11 April 2017

Ang Semana Santa.

Ang Semana Santa ay ang panahon sa pagitan ng Linggo ng Palaspas at Linggo ng Pagkabuhay. Nakapaloob sa Semana Santa ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria. Tinawag itong Semana Santa dahil sa paghihirap na kusang loob na pinagdaanan ni Hesus hanggang sa ipako Siya sa krus upang bayaran ang kasalanan ng Kanyang mga hinirang. Ang Semana Santa ay inilarawan sa Mateo kabanata 21 hanggang kabanata 27; Markos kabanata 11 hanggang 15; Lukas kabanata 19 hanggang 23; at Juan kabanata 12 hanggang 19. Nagumpisa ang Semana Santa sa matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sa Linggo ng Palaspas sakay ng isang asno ayon sa inihula sa Zacarias 9:9.

Monday 10 April 2017

Aduna bay Kinabuhing Walay Katapusan?

Ang Bibliya nagahatag ug klarong dalan ngadto sa kinabuhing walay katapusan. Una, kinahanglan natong ilhon nga nakasala kita sa Dios, "Kay ang tanan nga mga tawo nagpakasala ug dili takos atubangan sa Dios" (Roma 3:23). Kitang tanan nakahimo ug mga butang nga wala makapahimuot sa Dios, mao nga kinahanglan gayod kita nga silotan. Tungod kay ang tanan natong mga sala batok man sa Dios, silot nga walay katapusan ang angayan nga bayad. "Kay ang silot sa sala mao ang kamatayon, apan ang kinabuhi nga walay katapusan mao ang gasa sa Dios sa mga anaa kang Cristo Jesus nga atong Ginoo" (Roma 6:23).

Si Jesu-Cristo, ang walay sala (1 Pedro 2:22), ang walay sinugdan ug walay katapusang Anak sa Dios, nagpakatawo (Juan 1:1,14) ug namatay aron bayaran ang atong mga sala. “Si Cristo nagpakamatay alang kanato bisan pa ug makasasala kita. Sa ingon niini nga paagi, gipakita sa Dios ang Iyang paghigugma kanato" (Roma 5:8). Si Jesu-Cristo namatay sa krus (Juan 19:31-42); giangkon ang silot nga angay kanato (2 Corinto 5:21). Nabanhaw Siya sa ikatulo ka adlaw (1 Corinto 15:1-4), aron pamatud-an ang Iyang kadaugan batok sa sala ug kamatayon. "Tungod sa Iyang dakong kaluoy kanato, natawo kita pag-usab pinaagi sa pagbanhaw ni Jesu-Cristo. Mao kini ang nagahatag kanato ug dakong paglaum” (1 Pedro 1:3).

Igwang Buhay Na Daeng Kasagkudan?

An Biblia nag papahiling nin malinaw na dalan kan buhay na daeng kasagkudan. Enot, dapat tang bistuhon na kita nagkasala tumang sa Dios: “Ta an gabos nagkasala asin dae nakaabot kan kamurawayan nin Dios” (Roma 3:23). Kita gabos nag giribo nin mga bagay na dae nakakapaogma sa Dios, kaya kita dapat sanang padusahan. Mantang an gabos tang mga kasalan ginibo ta laban sa Dios na daeng kasagkudan, tama sana man na kita mag danas nin daeng kasagkudan na kapadusahan. “Huli ta an bayad nin kasalan iyo an kagadanan; alagad an ugay nin Dios iyo an buhay na dae nin kasagkudan ki Kristo na satong Kagurangnan” (Roma 6:23).

Pero ang mayong kasalan na si Hesukristo (1 Pedro 2:22), daeng kasagkudan na Aki nin Dios nagin tawo (Juan 1:1,14) asin nagadan nganing bayadan an satuyang mga kasalan. “Alagad ipinamidbid nin Dios an saiyang sadiring pagkamoot sa sato, huli ta kan kita mga parakasala pa, si Kristo nagadan para sato” (Roma 5:8) Si Hesu-Kristo nagadan sa krus (Juan 19:31-42) dara an kapadusahan na dapat para satuya (2 Korinto 5:21). Tolong aldaw an naka agi siya buminangon hale sa mga gadan (1 Korinto 15:1-4), pinatotoohan niya an saiyang kapangganahan laban sa kasalan asin sa kagadanan. “Pagomawon an Diyos asin Ama nin satong Kagurangnan na si Hesu-Kristo, na sono sa saiyang dakulang pagkaherak ipinangaki niya kita liwat manongod sa buhay na paglaom huli kan pagkabuhay liwat ni Hesu-Kristo sa mga gadan” (1 Pedro 1:3).

Sunday 9 April 2017

Ang Linggo ng Palaspas.


Ang Linggo ng Palaspas ay araw kung kailan ginugunita ang "matagumpay na pagpasok" ni Hesus sa Jerusalem eksaktong isang linggo bago ang Kanyang pagkabuhay na muli (Mateo 21:1-11). May 400 hanggang 500 taon bago maganap ang pangyayaring ito,na hinulaan ni Propeta Zacarias, "Sion, magalak ka at magdiwang! Umawit ka nang malakas, O Jerusalem! Pagkat ang hari mo ay dumarating na, mapagwagi at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba siya at nakasakay sa isang bisirong asno" (Zacarias 9:9). Itinala sa Mateo 21:7-9 ang katuparan ng hulang ito: "Dinala nila ang inahing asno at ang bisiro. Isinapin nila sa likod ng mga ito ang kanilang balabal, at sumakay si Jesus. Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; ang iba nama'y pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya: "Mabuhay ang Anak ni David! Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!"Ang pangyayaring ito ay naganap sa araw ng Linggo bago ipako si Hesus sa Krus.


Sa pagalaala sa pangyayaring ito, ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Palaspas. Tinawag itong Linggo ng Palaspas dahil sa mga sanga at dahon ng palma na inilatag ng mga tao sa daraanan ni Hesus habang nakasakay sa isang asno papasok sa Jerusalem. Ang Linggo ng Palaspas ang katuparan ng hula ni Propeta Daniel tungkol sa "pitumpung pito: "Unawain mo ito: mula sa pagkabigay ng utos na muling itindig ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng prinsipeng hinirang ng Diyos ay lilipas ang apatnapu't siyam na taon. Muling itatayo na ang Jerusalem. Aayusin ang mga lansangan at muog at mananatiling gayon sa loob ng 434 taon. Ngunit ang panahong iyon ay paghaharian ng kaguluhan" (Daniel 9:25). Sinasabi sa atin sa Juan 1:11, "Naparito siya (Hesus) sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.." Ang parehong grupo ng mga taong iyon na sumigaw ng "Hosanna" ang siya ring sumigaw ng "ipako Siya sa krus" limang araw pagkatapos pumasok ni Hesus sa Jerusalem (Mateo 27:22-23).



Saturday 8 April 2017

Pageviewer Monhtly Report.

Pageviews by Browsers
EntryPageviews
Chrome
106 (85%)
Safari
7 (5%)
Firefox
5 (4%)
Mobile Safari
4 (3%)
Internet Explorer
1 (<1 div="">
Mobile
1 (<1 div="">
Image displaying most popular browsers

Pageviews by Operating Systems

EntryPageviews
Windows
43 (38%)
Android
39 (34%)
Macintosh
15 (13%)
Linux
11 (9%)
iPhone
5 (4%)
Image displaying most popular platforms

Pageviews by Countries

Graph of most popular countries among blog viewers
EntryPageviews
Philippines
1906
United States
310
Saudi Arabia
74
France
36
Oman
36
Germany
32
Canada
11
Macau
10
Hong Kong
7
Italy
5

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...