Sunday, 23 April 2017

Aklat ng mga Bilang

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng mga Bilang. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng mga Bilang ay nasulat sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang mensahe ng aklat ng mga Bilang ay para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ipinapaalala nito ang espiritwal na pakikibaka na mayroon ang mga mananampalataya dahil ang aklat ng mga Bilang ay ang aklat ng paglilingkod at paglakad ng mga anak ng Diyos. Ang aklat ng mga Bilang ang tulay sa pagitan ng aklat ng Exodo at Levitico kung saan tinanggap ng mga Israelita ang Kautusan at sa paghahanda sa kanila ng Diyos sa pagpasok sa Lupang Pangako (Deuteronomio at Josue. 

Mga Susing Talata: Mga Bilang 6:24-26, - Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;Nawa'y kahabagan ka niya at subaybayan; Lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan."

Mga Bilang 12:6-8, "Sinabi niya, "Pakinggan ninyo ito: Kung ang sinuma'y nais kong hiranging propeta, napakikita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises pagkat siya lamang ang lubos kong mapagtitiwalaan sa aking sambahayan. Kinausap ko siya nang harapan at sinabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinghaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit kayo nag-uusap laban sa kanya?"

Mga Bilang 14:30-34, - Isa man ay walang makararating sa lupaing ipinangako ko, maliban kina Caleb at Josue. Ang makararating lamang doon ay ang inyong mga anak na sinasabi ninyong mabibihag ng kaaway. Sila ang maninirahan doon. Ngunit mamamatay kayo dito sa ilang. Ang mga anak ninyo'y magpapalabuy-laboy rito sa loob ng apatnapung taon, hanggang hindi kayo namamatay na lahat. Ito ang kabayaran ng inyong kasamaan. Ang apatnapung araw na paniniktik ninyo sa lupaing yaon ay tutumbasan ko ng apatnapung taon ng pagpapahirap upang madama ninyo ang aking poot sa loob ng panahong yaon.' Akong si Yahweh ang may sabi nito at gagawin ko ito sa masamang bayang ito. Mamamatay sila rito sa ilang."
Maiksing pagbubuod: Karamihan sa mga pangyayari sa aklat ng mga Bilang ay naganap sa ilang, sa pagitan ng ikalawa at ika-apatnapung taon ng paglalagalag ng mga Israelita. Isinalaysay sa unang 25 kabanata ng aklat ang mga karanasan ng unang henerasyon ng mga Israelita sa ilang, habang inilarawan sa nalabing mga kabanata ng aklat ang karanasan ng ikalawang henerasyon. Ang tema ng aklat ay pagsunod at paglaban sa Diyos na sinusundan ng pagsisisi at pagpapala na parehong tema rin na makikita sa buong Lumang Tipan. 

Ang tema ng kabanalan ng Diyos ay nagpatuloy mula sa aklat ng Levitico hanggang sa aklat ng mga Bilang, bilang instruksyon at preparasyon ng Diyos sa kanyang bayan sa pagpasok sa ipinangakong lupa ng Canaan. Ang kahalagahan ng aklat ng mga Bilang ay ipinahihiwatig sa pagbanggit ng maraming beses sa aklat na ito sa Bagong Tipan. Binigyang pansin ng Banal na Espiritu ang aklat na ito sa 1 Corinto 10:1-12. Ang mga salitang - ang mga nangyaring ito'y babala sa atin" ay tumutukoy sa kasalanan ng mga Israelita at ang pagkagalit sa kanila ng Diyos. 

Sa Roma 11:22, binanggit ni Pablo ang tungkol sa "kabutihan at kabagsikan ng Diyos." Sa isang maiksing salita, ito ang mensahe ng buong aklat ng mga Bilang. Ang kabagsikan ng Diyos ay nakita sa kamatayan ng mga rebeldeng henerasyon sa ilang, ang mga hindi nakapasok sa Lupang Pangako. Ang kabutihan ng Diyos ay naranasan naman ng bagong henerasyon. Iningatan, pinangalagaan at binigyan Niya ng pangangailangan ang Kanyang bayan hanggang masakop nila ang Lupang Pangako. Ipinapalala nito sa atin ang hustisya at pag-ibig ng Diyos, na laging tumutugma sa Kanyang walang hanggang kapamahalaan. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Ang hinihinging kabanalan ng Diyos sa kanyang bayan ay nabigyang kasaiyahan at kasapatan ni Hesu Kristo na dumating upang ganapin ang Kautausan (Mateo 5:17). Ang konsepto ng ipinangakong Mesiyas ay makikita sa buong aklat. Ang salaysay sa kabanata 19 tungkol sa pagsasakripisyo ng pulang dumalagang baka "na walang dungis at kapintasan" ay naglalarawan kay Kristo, ang Kordero ng Diyos na walng dungis o kapintasan na inihandog para sa ating mga kasalanan. Ang hinulmang tansong ahas na na itinaas sa dulo ng isang poste na nagkaloob ng pisikal na kagalingan mula sa kagat ng ahas (kabanata 21) ay naglalarawan din sa pagtataas kay Kristo, kung hindi man sa krus ay sa pamamagitan ng ministeryo ng Salita ng Diyos, na ang sinumang titingin sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya ay magtatamo ng kagalingang espiritwal. 

Sa kabanata 24, binabanggit sa ikaapat na hula ni Balaam ang isang tala at isang setro na manggagaling kay Jacob. Ito ay isang hula tungkol kay Kristo na tinatawag ding "tala sa umaga" sa Pahayag 22:16 dahil sa Kanyang kaluwalhatian, kaningningan at kagandahan. Siya rin ang may hawak ng setro Bilang isang Haring walang hanggan. Hindi lamang Siya nagtataglay ng pangalan ng isang hari kundi mayroon din siyang sariling kaharian, at maghahari Siya na may setro ng biyaya, kahabagan, at katuwiran. 

Praktikal na Aplikasyon: Ang isang pangunahing teolohiya na nabuo sa Bagong Tipan na nagmula sa mga aklat ng mga Bilang ay ang doktrina ng kasalanan at kawalan ng pananampalataya, lalo na ang paglaban sa Diyos, na nagaani ng hatol ng Diyos. Ipinahihiwatig ng 1 Corinto at Hebreo 3:7-4:13 na ang mga pangyayari sa aklat ng mga bilang ay nasulat upang maging halimbawa sa mga mananampalataya upang mabantayan at maiwasan nila ang kasalanan. Hindi natin dapat "ibaling ang ating mga puso sa mga masasamang bagay" - (t. 6), sa mga kasalanang sekswal (t. 8), o subukin ang Diyos (t. 9) o magreklamo at magdamdam sa Diyos (t. 10).

Gaya ng mga Israelita na naglagalag sa ilang sa loob ng 40 taon dahil sa kanilang paglaban sa Diyos, gayundin naman, hinahayaan tayo minsan ng Diyos na mapalayo sa Kanya at magdanas ng kalungkutan at magkulang ng mga pagpapala sa tuwing lumalaban tayo sa Kanya. Ngunit ang Diyos ay tapat at makatarungan, at gaya ng pagpapanumbalik Niya sa mga Israelita sa kanilang lugar sa Kanyang puso, lagi din Niyang ibinabalik ang mga Kristiyano sa lugar ng pagpapala at malapit na kaugnayan sa Kanya kung tayo'y magsisisi at manunumbalik sa Kanya (1 Juan 1:9). 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...