Friday, 21 April 2017

Aklat ng Exodo

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng Exodo (Exodo17:14; 24:4-7; 34:27).

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ay isinulat sa pagitan ng 1440 and 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang kahulugan ng salitang "exodo" ay paglabas. Sa perpektong panahon ng Diyos, ang paglabas ng mga Israelita sa Egipto ang marka ng pagtatapos ng pangaalipin sa lahi ni Abraham (Genesis 15:13), at pasimula ng katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham na hindi lamang sila titira sa Lupang Pangako, kundi darami din sila at magiging isang dakilang bansa (Genesis 12:1-3, 7). Ang layunin ng aklat na ito ay upang ipakita ang mabilis na pagdami ng lahi ni Jacob sa Egipto at ang pagtatatag ng isang bansa sa Lupang Pangako sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. 

Mga Susing Talata: Exodo 1:8, - Lumipas ang panahon at ang Egipto'y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose."

Exodo 2:24-25, - Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalaala niya ang kanyang Tipan kina Abraham, Isaac at Jacob. Nakita niya ang kalagayan ng mga Israelita at siya'y nahabag sa kanila."

Exodo 12:27, - Sabihin ninyong ito'y pag-aalaala sa Paskuwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay ng mga Israelita at patayin niya ang mga Egipcio." masabi ito ni Moises, nanikluhod ang buong bayan at sumamba sa Diyos."

Exodo 20:2-3, "Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. sa kanya ni Yahweh, "Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel."
Maiksing pagbubuod: Nagsimula ang Exodo kung saan nagtapos ang Genesis habang nakikipagugnayan ang Diyos sa kanyang lahing hinirang, ang mga Hudyo. Binabalikan nito ang mga pangyayari mula ng pumasok ang Israel sa Egipto bilang bisita ni Jose, na noon ay makapangyarihan sa Egipto, hanggang sa sila ay palayain ng Diyos mula sa malupit na pangaalipin ng mga Ehipsyo dahil sa utos ng "ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose" (Exodo 1:8).

Inilalarawan ng kabanata 1-14 ang mga kundisyon ng pangaapi sa mga Hudyo sa ilalim ng pamamahala ng Faraon, ang pagtawag kay Moises bilang kanilang tagapagligtas, ang mga salot na ipinadala ng Diyos sa Egipto dahil sa pagtanggi ng Faraon na sumunod sa Kanya, at ang pagalis ng mga Israelita sa Egipto. Ang walang hanggang kapamahalaan at makapangyarihang kamay ng Diyos ay nasaksihan sa mga himala ng salot - hangang sa kahuli-hulihang salot - ang salot na pumatay sa lahat ng mga panganay ng Egipto at sa pagtatatag ng Unang Paskuwa, ang pagliligtas sa mga Israelita, ang paghati ng Dagat na Pula, at ang pagwasak sa buong hukbo ng Egipto. 

Ang gitnang bahagi ng Exodo ay inilaan sa paglalakbay ng mga Israelita sa ilang at ang mahimalang probisyon ng Diyos para sa Kanyang bayan. Ngunit kahit na binigyan Niya sila ng tinapay na galing sa langit, pinatamis ang mapait na tubig, pinalabas ang tubig mula sa bato, pinagtagumpay laban sa mga kaaway na pupuksa sa kanila, isinulat ang Kautusan sa mga tapyas ng bato sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay at ibinigay ang Kanyang presensya sa kanilang kalagitnaan sa pamamagitan ng haliging ulap sa araw at haliging apoy sa gabi, patuloy na nagreklamo at naghimagsik ang mga Israelita laban sa Diyos. 

Inilarawan ng huling ikatlong bahagi ng Aklat ng Exodo ang konstruksyon ng Kaban ng Tipan at ang plano para sa tabernakulo at ang iba't ibang mga handog, altar, mga kagamitan, seremonya, at paraan ng pagsamba. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Ang maraming handog na hinihingi ng Diyos sa mga Israelita ay larawan ng pinakahuling handog, ang Korderong pampaskuwa ng Diyos, si Hesu Kristo. Noong gabi bago ang huling salot sa Egipto, ang bawat pamilya ay inutusang magpatay ng korderong walang kapintasan at pagkatapos ay ipahid ang dugo nito sa mga poste ng pintuan ng kanilang mga tahanan upang protektahan sila sa anghel na mamumuksa. Ito ay tumutukoy kay Hesus, ang Kordero ng Diyos na walang dungis at kapintasan (1 Pedro 1:19), na ang dugong "ipinahid" sa atin ay nagbigay sa atin ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. Kasama sa mga simbolo na tumutukoy kay Hesus ay ang salaysay tungkol sa tubig na dumaloy mula sa bato sa Exodo 17:6. Kung paanong hinampas ni Moises ang bato upang magbigay ng tubig na iinumin ng mga Israelita, gayundin naman hinampas ng Diyos ang "Bato ng ating kaligtasan" ipinako Siya para sa ating kasalanan, at mula sa Bato ay dumaloy ang kaloob ng tubig na nagbibigay buhay (Juan 4:10). Ang probisyon ng manna sa ilang ay perpektong paglalarawan kay Hesu Kristo, ang Tinapay ng Buhay (Juan 6:48), na ipinagkaloob ng Diyos upang bigyan tayo ng buhay na walang hanggan. 

Praktikal na Aplikasyon: Ang Kautusan ni Moises ay ibinigay upang ipakita sa sangkatauhan na hindi natin kayang sundin ang Kautusan ng Diyos. Hindi natin kayang bigyang kasiyahan ang Diyos sa pamamamagitan ng pagsunod sa Kautusan; kaya nga ipinangangaral ni Pablo, "alam naming ang tao'y pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nanalig din kami kay Cristo Jesus upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao'y di mapawawalang-sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan" (Galatia 2:16).

Ang probisyon ng Diyos para sa mga Israelita, mula sa kanilang paglaya mula sa pagkaalipin hanggang sa pagbibigay sa kanila ng manna at pugo upang makain sa ilang ay malinaw na indikasyon ng mabiyayang pagkakaloob ng Diyos sa kanyang mga anak. Ipinangako ng Diyos na ipagkakaloob Niya ang lahat ng ating mga pangangailangan. "Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo'y makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristong ating Panginoon." (1 Corinto 1:9). 

Kailangan nating magtiwala sa Panginoon, dahil kaya Niya tayong iligtas sa lahat ng mga bagay. Ngunit hindi hinahayaan ng Diyos na hindi maparusahan ang kasalanan magpakailanman. Dahil dito, mapagkakatiwalaan natin ang Kanyang paghihiganti at hustisya. Sa tuwing inililigtas tayo ng Diyos sa mga mahihirap na sitwasyon, huwag nating naisin na bumalik pa doon. Sa tuwing may hinihingi sa atin ang Diyos, inaasahan Niya na susunod tayo, ngunit Siya rin ang magbibigay sa atin ng Kanyang biyaya at habag dahil nalalaman Niya, na sa ating sariling lakas, hindi natin kayang sumunod ng lubusan sa Kanyang mga utos. 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...