Saturday, 22 April 2017

Aklat ng Levitico

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng Levitico.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng Levitico ay nasulat sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Dahil naging alipin ng mga Israelita sa Ehipto sa loob ng 400 taon, nabaluktot ng mga paganong Ehipsyo na sumasamba sa maraming mga diyus diyusan ang konsepto ng mga Israelita tungkol sa Diyos. Ang layunin ng Levitico ay bigyan ng direksyon at mga batas ang isang makasalanan ngunit piniling bayan sa kanilang pakikipagrelasyon sa isang banal na Diyos. Ang diin sa Levitico ay ang pangangailangan ng personal na kabanalan sa kanilang pagtugon sa isang banal na Diyos. Kailangang tubusin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hayop na susunugin (kabanata 8-10). Kasama sa mga paksa na tinalakay sa Levitico ay ang mga batas sa pagkain (malinis at maruming pagkain), pagsisilang ng sanggol, at mga iba't ibang uri ng karamdaman na maingat na pinangangalagaan (kabanata 11-15). Inilalarawan ng kabanata 16 ang Araw ng Katubusan kung kailan ginaganap ang taunang paghahandog para sa kasalanan ng mga tao. Bilang karagdagan, kailangan ng mga tao na magingat sa kanilang pamumuhay, sa kanilang moralidad, at sa kanilang pakikipagkapwa tao na hindi gaya ng pamumuhay ng mga pagano sa kanilang paligid (kabanata 17-22).

Mga Susing Talata: Levitico 1:4, "At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya."

Levitico 17:11, - Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay."

Levitico 19:18, "At huwag kang makikisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid, na magiging kaagaw niya, na iyong ililitaw ang kahubaran nito, bukod sa kahubaran niyaon, sa buong buhay niya."

Maiksing pagbubuod: Itinala sa kabanata 1-7 ang mga handog na hinihingi ng Diyos para mga Levita at mga Saserdote. Inilalarawan sa kabanata 8-10 ang pagtatalaga ni Aaron at ng kanyang mga anak. Ang kabanata 11-16 ay tagubilin para sa iba't ibang uri ng karumihan. Ang huling sampung kabanata ay pamantayan ng Diyos sa Kanyang bayan para sa pratikal na kabanalan. Itinatag ang iba't ibang mga kapistahan para sa pagsamba kay Jehovah na ipinagdiriwang ayon sa Kautusan. Ang pagpapala ay kalakip ng pagsunod at ang sumpa naman ay kalakip ng pagsuway sa Kautusan ng Diyos (Kabanata 26). Tinalakay din ang mga panata sa Kabanata 27.

Ang pangunahing tema ng Levitico ay kabanalan. Hinihingi ng Diyos ang kabanalan sa Kanyang bayan dahil Siya ay Banal. Ang kaalinsabay na tema nito ay katubusan. Dapat na panatilihin ang kabanalan sa harapan ng Diyos at ang kabanalan ay makakamtan sa pamamagitan lamang ng katubusan.

Mga pagtukoy kay Kristo: Ang marami sa mga ritwal sa pagsamba sa Levitico ay naglalarawan ng persona at gawain ng ating Tagapagligtas na si Hesu Kristo. Sinasabi sa atin ng Hebreo 10 na ang Kautusan ni Moises ay "anino lamang ng mga mabubuting bagay na darating." Ang mga hayop na inihahandog ng mga sasersote araw araw para sa kasalanan ng mga tao ay representasyon lamang ng pinakahuling handog - si Hesu Kristo, na ang handog ay minsan at magpakailanman para sa mga mananampalataya sa Kanya. Hindi ganap ang kabanalan na makakamit sa pamamagitan ng Kautusan ngunit isang araw ang kabanalan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay pinalitan ng kabanalan na nanggagaling kay Kristo (2 Corinto 5:21).

Praktikal na Aplikasyon: Ang perpektong kabanalan ng Diyos ang dahilan kung bakit dapat din tayong magpakabanal. Ang kalakaran sa ngayon sa mga iglesya ay ang paggawa ng sariling diyos ayon sa wangis ng tao at bibinigyan ang diyos na iyon ng mga katangian na nais natin na kanyang taglayin sa halip na ang mga katangian na inilarawan ng Kasulatan. Ang walang bahid na kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan, at ang Kanyang liwanag na hindi kayang tingnan (1 Timoteo 6:16) ay mga konsepto na halos hindi na itinuturo ngayon ng mga iglesya sa mga Kristiyano. Tinawag tayo upang mamuhay sa liwanag at itakwil ang kadiliman sa ating buhay upang maging marapat tayo sa kanyang paningin. Hindi maaaring palampasin ng isang banal na Diyos ang kasalanan ng tao. Kailangan silang parusahan dahil iyon ang hinihingi ng Kanyang kabanalan. Hindi natin dapat maliitin ang kasalanan o pagaanin man ito sa kahit anong paraan.

Purihin ang Diyos. Dahil sa kamatayan ni Hesus para sa atin, hindi na natin kailangan pa na mag-alay ng mga hayop upang ihandog sa Diyos para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ang Levitico ay tungkol sa paghalili. Ang kamatayan ng mga hayop ay kahalili ng mga nagkasala. Sa ganito ring paraan, ngunit higit na mabuti, inihandog ni Hesus sa krus ang Kanyang sarili upang maging kahalili natin para matubos tayo sa ating mga kasalanan. Ngayon ay maaari na tayong tumayo sa harapan ng Diyos na banal ng walang pagkatakot dahil nakikita Niya sa atin ang kabanalan ni Kristo.

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...