Wednesday, 27 December 2017

Ang itsura ng langit.


Ang langit ay isang literal na lugar na inilarawan sa Bibliya. Ang salitang "langit" ay binanggit ng 276 beses sa Bagong Tipan. Binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa tatlong langit. Dinala si Apostol Pablo sa "ikatlong langit," ngunit pinagbawalan siyang sabihin ang kanyang nakita, narinig at naranasan doon (2 Corinto 12:1-9). 

Kung may "ikatlong langit," tiyak na mayroon ding dalawa pang langit. Ang unang langit ay karaniwang tinutukoy sa Lumang Tipan na "himpapawid". Ito ang langit kung saan naroroon ang mga ulap o ang lugar kung saan lumilipad ang mga ibon. Ang ikalawang langit ay ang "sangkalawakan" na kinaroroonan ng mga tala, bituin, planeta at lahat ng mga nilikha sa kalawakan (Genesis 1:14-18).

Ang ikatlong langit, na hindi binanggit kung saan naroroon, ay ang kinaroroonan ng presensya ng Diyos. Ipinangako ni Hesus na maghahanda Siya ng isang lugar para sa mga Kristiyano sa langit (Juan 14:2). Ang langit ang lugar ng mga hinirang sa Lumang Tipan na namatay na nagtitiwala sa pangako ng Diyos para sa isang Manunubos (Efeso 4:8) at lahat ng mga hinirang sa lahat ng panahon. Ang sinumang nananampalataya kay Kristo ay hindi na mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay ng walang hanggan (Juan 3:16).

Binigyan ng Diyos ng pribilehiyo si Apostol Juan na makita at iulat ang itsura ng isang makalangit na siyudad (Pahayag 21:10-27). Nasaksihan niya mismo ang anyo ng langit (ang Bagong Lupa) na kinaroroonan ng "kaluwalhatian ng Diyos" (Pahayag 21:11), ang mismong presensya ng Diyos. Dahil walang gabi sa langit at ang Panginoon mismo ang liwanag, hindi na doon kailangan ang araw o ang buwan (Pahayag 22:5). 

Ang siyudad ay puno ng kaningningan ng mga mamahaling bato at tulad sa haspe na kumikinang na parang Kristal. Ang langit ay may labindalawang pinto (Pahayag 21:12) at may labindalawang pundasyon (Pahayag 21:14). Ibinalik na muli ang paraiso, ang Hardin ng Eden, kung saan ang tubig ng buhay ay malayang dumadaloy at muling makakain ang bunga ng punongkahoy na nagbibigay buhay na iba iba ang bunga buwan buwan at ang mga dahon ay "nakalulunas sa lahat ng sakit ng mga bansa" (Pahayag 22:1-2). Gayunman, gaano man kahusay maglarawan ni Juan, bilang isang taong may hangganan, gaya ni Pablo, kapos ang kanyang kakayahan upang ganap na mailarawan ang kagandahan ng langit (1 Corinto 2:9).

Ang langit ay lugar ng mga "wala na". Doon ay wala ng luha, wala ng sakit, at wala ng kalungkutan (Pahayag 21:4). Doon ay wala ng paghihiwalay, dahil nagapi na ang kamatayan (Pahayag 20:6). Ang pinakamagandang bagay sa langit ay ang presensya ng ating Panginoon at Tagapagligtas (1 Juan 3:2). Makikita natin ng mukhaan ang Kordero ng Diyos na umibig sa atin ng gayon na lamang na nagbigay ng Kanyang sariling buhay upang ating maranasan ang kasiyahan na makasama Siya sa langit magpasawalang hanggan.


1 comment:

George Sharon said...

Hi everyone, I am Sharon. from Poland I want to use this medium to appreciate Dr Ogbeifun the great black magic death spells caster for the successful death spells he cast on someone for me. I contacted him when my husband left me for another woman who uses witchcraft power to take my husband. I was desperately in need of help when I found his contacts online about his genuine powers. I told him my situation and how I wanted the bitch who took my husband gone. He told me not to worry. He cast the death spells ritual on her and the bitch died in her sleep within 24hours. Now my husband is back home and we are living happily. Thank you so much Dr Ogbeifun, You are so real and true. Below is his contacts in case you want to contacts him
Call/WhatsApp: +2348102574680 Email: ogbefunhearlingtemple@gmail.com 

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...