Tuesday 12 December 2017

Anak... nang isilang ka sa mundong ito...

Noong dekada 70 pinasikat ni Freddie Aguilar ang kantang “Anak” sa buong mundo. Naisalin ito sa iba’t ibang lengwahe. Hindi kayang lumain ang klasikong awiting ito dahil sa lawak at lalim na hatid ng mensahe. Sa simula ng awitin labis ang nadaramang kaligayan para sa mga magulang ang pagdating ng kanilang supling. Inilarawan dito kung papaano pumupuno sa puso nila ang kaligayahang dulot ng pagiging isang magulang sa kanilang anak. Dumating ang panahon ng kanyang paglaki… nasadlak ang anak sa masamang bisyo. Sa puso ng mga magulang ito ang pinakamabigat nilang nararamdaman ang makitang napapariwara ang kanilang anak. Sa huling bahagi ng awitin napagtanto ng anak ang kanyang mga pagkakamali. Nagsisi siya sa kanyang mga pagkukulang at  mga nagawang kasalanan.

Isang mapait nga lang na katotohanan na kung kaylan gusto mo nang magbago  para sa mga taong nagmamahal sa’yo huli na ang lahat. Nakaka-guilty ng konsensya. Kaya naman marami talaga ang nakaka-relate sa awiting ito hanggang sa ngayon dahil ito ang realidad ng buhay ng marami sa ating mga kabataan. Lalo na’t mas marami ang nasisira ang buhay ng mga kabataan ngayon dahil sa droga.

Kahit hindi pa gaanong talamak ang droga noong panahong sumisikat ang kantang ito. Sadyang nakakabahala na talaga ang ipinagbabawal na gamot. Noong nasa elementarya pa lamang ako nagkaroon ng film showing sa mga kumunidad namin ang pamahalaan tungkol sa masamang epektong dulot nito.

Dapat maisama sa programa ng gobyerno ang dissemination of information campaign na akmang-akma sana, dahil ang bawa’t tao ngayon ay may hawak ng gadget dahilan na mas madaling maihatid ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng internet.

Noong panahong gumawa ng sampung utos ang Dios para sa mga Israelita tumalima sa kautusan ng Dios ang mga nais ng pagpapala. Samantala, yaon namang mga suwail, sumpa at kamatayan naman ang parusa sa kanila. Totoong likas na matigas ang ulo ng mga tao. Walang pinagbago ang ugaling ito hanggang sa panahon natin ngayon. Rebellious spirit ang bumubuo sa sangkap ng isang karnal na tao.

Isang simpleng  utos lang ang ipinagawa ng Dios kay Joshua para sa mga tao upang di nila makalimutan ang kanyang mga kautusan. Josue 1:8  Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. 

Kung araw at gabi nga naman na sa tuwing magbubukas tayo ng ating mga cellphone o gadget agad may paalala tungkol sa masamang bisyong ito ng droga. Hanggang sa kanilang pagtanda mananatili na ito sa kanilang isipan. Kumbaga naka imbed na sa isipan ng lahat ng tao ang mensahe tungkol sa ipinagbabawal na gamut.

Kawikaan 22:6  “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Tama ang sinasabi dito ng Bibliya. Napakahalaga ang gabay at pagtututro ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi sapat na basta na lamang iaasa sa ibang tao o sa gobyerno at iba pang institusyon ang pagtuturo sa kanila lalo na sa kabutihang asal. Minsan hindi natin ito magawa dahil tayo mismo na mga magulang ay pasaway din.

Colossas 3:20  Mga anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.

Kaya bilang mga magulang umayos din tayo sa harap ng ating mga anak. At kung magpatuloy pa rin sila sa pagtahak sa likong landas ng kanilang buhay. Sa tingin ko hindi na nila tayo masisisi kung sapitin man nila ang sumpa at kamatayan.

Kawikaan 19:20  Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas. Amen!

Akda ni: Jovit D. Tilo
    
   


No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...