Sunday, 17 December 2017

Ang talumpati ng Hari.

Sa bawat kwento ng tagumpay ng isang tao, sa likod nito, may mga taong ginamit para sa kanyang tagumpay. Maaaring masabi nating nagkataon lamang ang mga pangyayari o tinadhana pala ito ng Dios para sa kanya.

Tulad sa kwento ng buhay ni King George VI na si Bertie na syang ama ni Queen Elizabeth II ng Dakilang Britanya sa pilikulang “The King’s Speech”. Sino bang mag-aakala na ang isang may problema sa pagsasalita ang tatanghaling maging hari at emperor ng buong British Empire? Sadya nga yatang nakatalaga sa kanya ang maging hari matapos magbitiw ang kanyang kuya David na oordenahan na sana para sa pagiging hari subalit higit niyang pinili ang kanyang kalaguyo kaysa sa trono ng kanilang mga angkan.

Sa kabila ng mga kahinaan ni Bertie sa likod nito, may isang taong tumulong sa kanya, sya si Lionel Logue. At pumailanlang ang kanyang tinig BBC live sa buong mundo at narinig nila ang pinakamahusay na talumpati bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Na ang talumpating iyon ay naghatid ng tapang, pagkakaisa, determinasyon at inspirasyong harapin ang madilim na yugto ng kanilang bansa at lahat ng mga kasapi ng Commonwealth of Nations na nasasakupan ng buong British Empire laban sa mananakop na Nazi Germans. 

Isang hilot ng boses o speech therapist si Lionel Logue buong akala ng hari ay isa syang doctor subalit ng ipasiyasat ang profile ng taong ito hindi pala siya totoong Doctor sa madaling sabi isang peke. Subalit hindi maitatanggi ng hari ang husay niya sa kanyang skilled bilang isang voice o speech therapist. Si King George VI mismo ang nagpatunay na mahusay nga siya sa kanyang trabaho.

Kahit sinabi pa ng hari na may parusa ang pamemeke ng propesyon hindi man lang natakot o natinag si Lionel Logue lalo pa nga niyang ginalit ang hari ng sumalampak ng upo ang hilot sa pinakasagradong upuan o trono ng mga naging hari ng Britanya na mahigpit na ipinagbabawal ang uupo dito ng kahit na sino liban kung sya ay isang hari.

Nagpupuyos sa galit  si Bertie sa ginawang iyon ni Lionel dahilan na sadya palang ito ang ibig ng therapist upang lumabas ang matigas at matapang na boses ng hari. Mula noon nagsimulang umusbong ang kompyansa sa sarili ni Bertie.

Sa bawat tagumpay na nakakamit ng hari sa kanyang mga talumpati utang na loob niya sa kanyang pekeng doctor ang lahat. Nanatili silang matalik na magkaibigan sa buong buhay nila. Binigyan pa siya ng hari ng isang pinakamataas na parangal bilang Commander of the Royal Victorian Order noong 1944 dahil sa matapat niyang paglilingkod sa Monarkiya.

Sa panahong ipinapangaral ang salita ng Dios ng mga alagad ng Panginoong Hesus marami ang mga namamangha. Kilala sila na mga ordinaryong tao lamang ng kanilang lugar tulad din ni Lionel. Subalit  nakakagawa sila ng mga bagay na nakakagulat kagaya ng mga himala ng pagpapagaling at husay ng pagtatalumpati o pangangaral.

Minsan hinahanapan sila ng katibayan kung mula ba talaga sa Dios ang kanilang mga sinasabi. 2Co 13:3  Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin; na siya sa inyo'y hindi mahina, kundi sa inyo'y makapangyarihan. 

Isang katotohanan na mahihina ang tinatawag ng ating Panginoon upang mahayag ang kapangyarihan Niya. Nang sa gayun ay walang sinoma’y magmapuri sa kanyang sarili. Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa 2Co 12:10  Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas. 

Sa bawat tagumpay ni King George VI merong nagpapalakas ng kanyang mga kahinaan ang kanyang kaibigan, si Lionel Logue. Hindi rin makapagmapuri sa kanyang sarili itong si Lionel dahil ang kanyang propesyon ay hindi sapat upang maipagmalaki dahil hindi naman talaga sya isang Doctor. Kanino ba sila lubos na dapat magpasalamat at magbigay ng papuri? 1Tim 1:17  Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. 

At igagawad sa atin ang pinakamataas na parangal mula sa Dios sa araw ng pagharap natin sa Kanyang Banal na Trono dahil sa ating mga pagtitiis, mga pagtityaga at walang hanggang katapatang ipinakita natin sa ating Panginoon sa kabila ng ating mga kahinaan. 1Peter_5:4  At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. (a never-fading crown of glory). Amen!


Akda ni: Jovit D. Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...