Saturday, 9 December 2017

Jerusalem panahon na nga ba na gawing kapitolyo ng bansang Israel?

Kamakailan ipinahayag ni US President Donald Trump na diumano ililipat na ng US ang kanilang embahada sa Jerusalem dahil sa plano nitong gawing kapitolyo ito ng bansang Israel. Sa kasalukuyan ang Tel-Aviv ang capital ng Israel. Mabilis na kumalat ang reaksyon, protesta at pagkondena sa iba’t-ibang panig ng mundo lalo na sa mga bansang Muslim sa naging pahayag ni President Donald Trump. Bakit nga ba?

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig itinatag ng Russia, Great Britain at USA ang Israel bilang isang bansa. Nang maitatag ang relihiyong Islam noong ikapitong siglo walang nage-exist na bansang Israel. Dahil ang Israel ay isang Tribo at hindi literal na bansa. Hindi matanggap ng Palestine at ng buong Arab nations ang pagkakatatag ng Israel na isang bansa. Subalit hindi ito mapipigilan ng sinoman sapagkat ito ang pangako ng Dios kay Jacob na pinangalanang Israel ng Dios mismo. Genesis 35:10 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.

Walang magawa ang mga Palestino kasama nang kanyang mga kaalyadong bansang Arabo sa Gitnang Silangan  sa pagkakatatag ng bansang Israel dahil pumasa ito sa isang mahigpit na botohan sa UN na kung saan ang isang boto ng Pilipinas ang syang nagpanalo para maging bansa ang Israel. Noong 1967, hinamon ng digmaan ang musmos na bansang Israel ng mga bansang nakapaligid sa kanya. Naipanalo ng Israel ang digmaan makalipas ang anim na araw na labanan. Nagkaroon ng peace agreement hanggang sa nahati ang bansang Palestine sa dalawang estado ang State of Israel at ang State of Palestine. Samantala ang naging kalagayan ng lungsod Jerusalem ay nasa alanganin. Napunta ito sa Palestine na syang pinakahinahangad ng Israel na makuha nila upang maitayo ang Templo na nawasak noong 70 AD matapos magpropesiya ang Panginoong Jesus sa darating na pagkawasak nito. Mat 24:1-2 At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.

Sa tinatawag na “The Wailing Wall” (mga labi ng pader ng matandang Templo) sa Jerusalem dito na lamang pinagkakasya ng mga Hudyong Israelita ang kanilang pagsamba at pananalangin sa Dios. Ito ang kanilang ultimate goal ang mabawi nila ang Jerusalem upang maitatag na ang ikatlong Templo.

Ang unang Templo ay itinayo ni Haring Solomon winasak ito ng Babylonian Empire. Muling naitayo ang ikalawang Templo sa pamumuno ni Herod the Great. Winasak naman ito ng Roman Impire sa pamumuno ni Gen. Titus noong 70 AD at hanggang sa ngayon 2017 AD na wasak pa rin ito. Bagama’t planado na ang lahat hindi parin maisakatuparan dahil sa mga mahiwagang kadahilanan at ito’y malalaman mo lamang sa pamamagitan ng Bibliya.

Parang apoy na kumalat sa buong daigdig ang balita sa pahayag ni US President Trump na gagawing kapitolyo ng Israel ang Jerusalem. Pangamba ng marami ito na naman ang pagsisimulan ng mas malaking kaguluhan di lamang sa Middle East kundi pati na sa buong mundo. Agad na nag-iba ng tuno ang US President. Sa huling balita mula sa White House hindi pa naman daw ito isasagawa sa ngayon. Mukhang tinesting lang ng Washington ang esyu tungkol sa Jerusalem.

Ano nga ba ang dapat na mangyayari na hindi natin maiiwasan na dapat nating paghandaan? May relevant ba ito sa buhay mo at sa kalagayan ng mundo ang pagiging capital ng Jerusalem ng bansang Israel?

2Thessa 2:3-4  Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, (huling panahon) at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,” (ang anti-kristo)…  “Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba (pananampalataya at relehiyon); ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, (ang ikatlong templo na kasalukyang pinaplano na maitatag oras na maging kapitolyo ang Jerusalem ng Israel) na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.” 

Hinihintay na lamang ng anti-kristo na maitatag ang ikatlong Templo pagkatapos nito iluluklok nya ang kanyang sarili na sya ang Kristo na magiging taliwas sa lahat  ng ating pinaniniwalaan bilang mananampalataya kay Hesus. Kaya nga ang babala sa atin ng Banal na Kasulatan “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan….”

2Thessa 2:6-7 “ At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan. Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.” Ibig sabihin may pumipigil pa sa anti-kristo pero gumagawa na ang kasamaan para mangyari ang lahat na siya ay mahayag. Subalit kapag naalis ang pumipigil ng hadlang ganito ang mangyayari.

1Thessa 4:14-17  Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog (namatay) kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog (namatay). Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit (ikalawang pagparito), na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak (trompeta) ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap (rapture), upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.”

Ito ang tinutukoy sa 2Thessa. 2:7  …may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.” Ang mga tunay na mananampalataya kay Kristo ang totoong dahilan na pumipigil kung bakit hindi maitatag ang ikatlong Templo ng Jerusalem na syang magiging set of power ng anti-kristo (the Satan agent). Ibig ipahayag sa atin ngayon na malapit na ang RAPTURE (ang pagkuha sa atin ni Kristo) Mateo 24:36-41 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

Ang Jerusalem, Israel ay tulad ng punong igos (Fig Tree) ng isang talinghagang kwento ni Hesus na umuusbong na, ibig sabihin lumilitaw na ito at nakikita na. Mateo 24:32  Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;  Mateo 24:35  Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. 

Mahal na mga mambabasa ng blog na ito… nais iparating ng ating Panginoong Hesus na ikaw ay kanyang iniibig. Inalay Niya ang Kanyang buhay para sa iyo, upang makamtan mo ang buhay na walang hanggan.  Kumakatok Siya sa pintuan ng iyong puso, Nais mo ba Siyang pagbuksan at papasukin tanggapin si Hesus bilang Panginoon at sarili mong tagapagligtas? Pahayag 3:20  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.” Amen!


Akda ni Jovit D. Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...