Manunulat: Ang propetang si Hosea ang ipinakilalang sumulat ng aklat sa Hosea 1:1. Ito ang sariling salaysay ni Hosea sa kanyang mga propesiya para sa mga anak ng Diyos at sanlibutan. Si Hosea ang tanging propeta ng Israel na nag-iwan ng nasusulat na propesiya na naitala sa mga huling taon ng kanyang buhay.
Panahon ng Pagkasulat: Si Hosea, anak ni Beeri, ay nagpropesiya mula 785 to 725 B.C. Ang Aklat ni Hosea ay malamang na naisulat sa pagitan ng 755 and 725 B.C.
Layunin ng Sulat: Isinulat ni Hosea ang aklat na ito upang ipaalala sa mga Israelita- at sa atin- na tayo ay mayroong mapagmahal na Diyos na ang Kanyang katapatan sa mga taong saklaw ng Kanyang pangako ay di mabibigo. Sa kabila nang patuloy na pagbaling sa mga diyos-diyosan ng mga Israelita, ang pag-ibig ng Diyos ay nananatiling matatag tulad ng mahabang pagdurusa ng isang asawa sa kanyang taksil na asawa. Ang mensahe ni Hosea ay isa ring babala sa mga tumalikod sa pagmamahal ng Diyos. Sa pamamagitan ng makahulugang pagpapakasal ni Hosea at Gomer, ang pagmamahal ng Diyos sa suwail na bayan ng Israel ay ipinakita sa isang mayamang talinghaga na pumapaksa sa kasalanan, paghuhukom, at mapagpatawad na pag-ibig.
Mga Susing Talata: Hosea 1:2, "Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Hosea, sinabi ng Panginoon kay Hosea, Yumaon ka, mag-asawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon."
Hosea 2:23, "At aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at ako'y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Diyos."
Hosea 6:6, "Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Diyos higit kay sa mga handog na susunugin."
Hosea 14:2-4, "Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi; Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, kayo'y aming mga diyos; sapagka't dahil sa Iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila; Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya."
Maiksing pagbubuod: Ang Aklat ni Hosea ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi: (1) Hosea 1:1-3:5 ay paglalarawan sa nakikiapid na asawang babae at isang tapat na asawang lalaki, na sumisimbolo sa pagtataksil ng israel sa Diyos sa paggawa ng sariling mga diyos-diyosan, at (2) Hosea 3:6-14:9 na naglalaman ng pagsumpa sa Israel, partikular ang Samaria, dahil sa pagsamba sa mga idolo at kalaunan ay pagpapanumbalik nito.
Ang unang bahagi ng aklat ay naglalaman ng tatlong magkakaibang tula na naglalarawan kung paano ang mga anak ng Diyos ay paulit-ulit na sumasamba sa mga diyos-diyosan. Iniutos ng Diyos kay Hosea na pakasalan si Gomer, ngunit pagkatapos ng pagkakaroon sa kanya ng tatlong anak ay iniwan siya at pumunta sa kanyang mga kalaguyo. Ang makahulugang pagdiin ay malinaw na makikita sa unang kabanata sa paghahalintulad ni Hosea ang pagsuway na ginagawa ng Israel sa pagpapakasal sa isang patutot. Ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga pagbatikos sa mga Israelita ngunit sinusundan ng mga pangako at kaawaan ng Diyos.
Ang Aklat ni Hosea ay propesiyang nagsasalaysay ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak. Simula pa ng panahon ang mga walang utang na loob at hindi karapat-dapat na mga nilikha ng Diyos ay patuloy na nakakatanggap ng pag-ibig, biyaya, at awa ng Diyos gayunman ay hindi mapigilan ang patuloy na pagkakasala.
Sa huling bahagi ipinakita ni Hosea kung paano ang pag-ibig ng Diyos ay nagpapanumbalik sa Kanyang mga anak sa paglimot Niya sa kanilang mga masasamang gawa kung sila ay magbabalik-loob sa Kaniya na may nagsisising puso. Ang propesiyang mensahe ni Hosea ay ang hula ng pagdating ng Mesiyas ng Israel 700 taon sa hinaharap. Malimit na nabanggit sa Bagong Tipan si Hosea.
Mga pagtukoy kay Kristo: Sa Hosea 2:23, kamangha-mangha ang mensahe mula sa Diyos sa pagsama ng mga Hentil bilang Kanyang mga anak na makikita rin sa Mga Taga-Roma 9:25 and 1 Pedro 2:10. Ang mga Hentil ay hindi orihinal na "tao ng Diyos", ngunit sa pamamagitan ng Kanyang awa at biyaya, Kanyang ibinigay si HesuKristo, at sa pananampalataya sa Kanya tayo ay mapapabilang sa puno ng Kanyang mga tao (Mga Taga-Roma 11:11-18). Ito ay isang nakamamanghang katotohanan ukol sa Iglesya, isang tinatawag na "misteryo" dahil bago dumating ang Panginoong Hesus, ang mga Hudyo lamang ang mga kinikilalang tao ng Diyos. Nang dumating si Kristo, ang mga Hudyo ay pansamantalang nabulagan hanggang "sa pumasok ang kapunuan ng mga Hentil" (Mga Taga-Roma 11:25).
Praktikal na Aplikasyon: Tinitiyak sa Aklat ni Hosea ang ganap na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga tao. Subalit ito rin ay larawan kung paano nasusuklam at kinapopootan ng Diyos ang masasamang gawa ng Kaniyang mga anak. Paanong ang isang anak na nabigyan ng kasaganaan ng pag-ibig, awa, at biyaya tratuhin ang isang Ama ng labis na kalapastanganan? Gayon pa man, ganito ang ating ginagawa sa loob ng mahabang panahon. Habang ating iniisip kung paano ang mga Israelita tumalikod sa Diyos, nararapat lamang na tayosa ating mga sarili ay manalamin upang makita na tayo ay tulad nila.
Tanging sa pag-alaala lamang kung gaano ang ginawa ng Diyos sa bawat isa sa atin natin maiiwasan ang pagtakwil sa Diyos na Siyang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan sa Kaluwalhatian sa halip na impyernong nararapat sa atin. Mahalagang matutunan natin ang paggalang sa Dakilang Lumikha. Ipinakita sa atin ni Hosea na sa ating pagkakamali, kung tayo ay may nagdadalamhating puso at pangako na nagsisisi ang Diyos ay muling magpapamalas ng Kaniyang walang hanggang pag-ibig sa atin (1 Juan 1:9
No comments:
Post a Comment