Wednesday, 6 December 2017

Pagkakaisa sa pananampalataya.

Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo; Efeso 4:13. 

Madalas nating marinig sa mensahe ang pagkakaisa. Malamang naiisip natin na mayroong  problema sa loob ng kawan ng Diyos. Isang pagkaraniwan na ang ganitong sitwasyon sa loob ng Iglesia. Kung may salungatan man na nangyayari normal lamang ito sapagkat ang bawat kasapi dito ay may kalayaang magbahagi ng kanyang saloobin, pananaw at pang-unawa lalo na sa mga mahalagang  usapin patungkol sa pangangasiwa ng Iglesia.

Hindi monopolyo ang pagpapatakbo ng mga gawain o ministry ng isang Ebanghelikal na simbahan. Maging ang ilang sekta hindi ito sinasang-ayunan. Maliban na lamang kung siya ang absolutong nangmamay-ari ng simbahan–kulto na ang tawag dito. Ibig sabihin hindi na si Kristo ang pinaka-ulo ng Iglesia kundi sya na!

Sa Efeso 4:13 sinasabi rito na dapat abutin natin ang pagkakaisa ng pananampalataya. Ang totoong hindi pagkakaisa ng isang Iglesia ay ang pananampalataya. Isipin na lamang natin halimbawa: Sabi ni Pastor, “Abutin natin para sa kanilang kaligtasan ang mga naliligaw na kaluluwa sa pugad ng mga adik ng ating pamayanan para kay Kristo.” “Naku! Pastor! Baka tayo ay mapatay doon! Mga halang ang kanilang kaluluwa!” ang salungat ng isang kunwari’y nagmamalasakit sa kanilang Pastor. Kung isa ka ring hilaw ang pananampalataya malamang makikisang-ayon ka na baka nga mapatay ang kanilang Pastor kung itutuloy ang planong ebanghelisasyon sa pugad ng mga adik na iyon! Samantalang ito ang tunay na layunin ni Kristo ang iligtas ang mga naliligaw ng landas at hindi ang kanilang Pastor.
Ang pagkakaisa ng pananampalataya mangyayari lamang ito kung makikilala mo ng lubos ang Anak ng Dios – si Kristo. Ang malungkot na balita sa likod ng mabuting balita maraming Kristyano ang talagang hindi pa lubos na kilala ang Panginoong Hesu-Kristo. (Christian immaturity). Kailangang lumago at lumaki ang ating espiritwal na pangangatawan tulad ng binanggit dito sa Efeso 4:13  "….hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo”. 

Ang pinag-uugatan ng hindi pagkakaisa sa loob ng Iglesia ng ating Panginoon ay kapag hindi umaabot sa  kapuspusan ang ating buhay espiritwal. (fullness in Christ).

Solusyon? Back to basic Christian doctrine (Sino ba si Hesus sa buhay mo?)

Sa inyong tingin magagawa ba ninyong matanggal ang malaking bato na humahadlang sa inyong harapan kung ang isa sa kasama nyo ang syang pumipigil sa kabila?

Tingnan po natin ang bahaghari (rainbow) kahit magkakaiba ang kanilang kulay pero nagkakaisa sila at ang gandang tingnan sa kalangitan. Bagama’t nangingibabaw ang mga primary colors nagko-compliments naman ang mga secondary and tertiary colors at hindi masakit tingnan sa mata habang tinititigan mo ito. Ganito inilalarawan ang pagkakaisa na may pag-ibig.

Efeso 4:14-16. Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;  Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig. . 

Mga awit 133:1  Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa! 


Akda ni: Jovit D. Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...