Sunday, 10 December 2017

Napolitika si Hesus

Habang sinusuri kong mabuti ang Bibliya tungkol sa kaso ni Hesus napagtanto ko na sadya nga palang napolitika Siya. Mateo 26:3-5  Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas;  At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Hesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin. Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.

Nagmeeting ang mga saserdote sa pamumuno ni Caifas at mga matatanda ng bayan, sila iyang mga religious leaders and elders  na mga Hudyo ka-relihiyon at kababayan pa mismo ni Hesus at napakalinaw ng kanilang plano huhulihin si Hesus ng patrahidor pagkatapos Siya ay papatayin.

Alam ng mga politikong ito na pwedeng magkagulo kung sa araw ng fiesta isasagawa ang pag-aresto tiyak daw na magkakagulo ang mga tao. Alam kasi nila na sikat ang Taong si Hesus. Biruin mo nga naman ang dami Niyang pinagaling na mga may sakit. Bulag nakakita, pilay nakalakad, mga napoposes nakalaya.  Isang babaing labindalawang taong dinudugo gumaling nahawakan lang ang laylayan ng damit ni Hesus himalang gumaling agad ang ale!

Ito pa ang matindi! Lumusob ang mga tao sa libingan para manood sa gagawing himala ni Hesus.! Parang may isang magic na palabas. Si Lazaro apat na araw na sa loob ng libingan binuhay sya ni Hesus Meron pa nga isang kontrabidang alagad doon na walang kafaith-faith sa Lord at nang-aasar pa, sya si Didimo alyas Tomas. Juan 11:16  Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, “Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.”

Intindihin ninyong mabuti ang lumabas sa bibig nitong si Didimo. Aywan ko nga ba kung bakit tinanggap sya ni Hesus na maging alagad. Pero noong nagmature na ang aking pananampalataya sa Panginoon ang mga palinghado ang buhay iyon pala ang mga hinahanap ng Lord para maging alagad Niya. Mateo 9:13  ….sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. Ayun! Mga palinghado ang buhay… ang hinahanap ni Hesus. Ikaw? Maayos na ba ang iyong buhay? Kung hindi pa… eh, humanda ka baka isang araw may tatawag sa pangalan mo.

Tulad ni Didimo tinawag sya ni Hesus bilang alagad at kahit kulang pa ang kanyang pananalig pinagtiisan lang siya ng Panginoon dahil isang araw gagamitin sya ng may kamangha-manghang kapangyarihan. Alam nyo ba na si Tomas (Didimo) ang ginamit ng Panginoon para ma-evangelize ang napakalaking bansa ng India at sya’y namatay na isang martyr.

Balik tayo doon sa sementeryo.

Sinabi ni Hesus sa mga taong nakikimeron doon sa pinaglibingan kay Lazaro. Juan 11:26  At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Juan 11:43-48  At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Hesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon. Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya. Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus. Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. 

Sa Merriam Webster dictionary the meaning of Politics is an affairs or business; especially: competition between competing interest groups or individuals for power and leadership (as in a government).

Tunggalian ito ng dalawang kapangyarihan at pamahalaan nang para sa Dios at nang para sa tao ito ang ibig sabihin nang politikang tema natin ngayon. Kahit si Lazaro na alam nilang apat na araw ng nangangamoy sa loob ng libingan na binuhay ni Hesus ibig pa nila itong ipapatay Juan 12:10  Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro.” Dahil isang matibay na patotoo si Lazaro na si Hesus at ang kanyang kapangyarihan ay galing sa Dios. Sa madaling sabi nanganganib ang kanilang reputasyon, position sa lipunan, integridad bilang mga spiritual leader ng bansa dahil sa taglay na kapangyarihan ni Hesus dahil hindi nila kayang gumawa ng mga dakilang himala liban na lamang kung mula ito sa Dios. Inakusahan pa nila si Hesus na diumano galing daw sa demonyo ang kanyang kapangyarihan. Kaya wala na silang ibang napiling gawin kundi hulihin at ipapatay si Hesus.

Hindi napigilan ng kahit na sino ang takbo ng kasaysayan. Kailangang may isang Banal na Dugo ang tutubos sa kasalanan ng sanlibutan. Ang Kordero ng Dios. Juan 1:29  Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” Ilang ulit ding binanggit ni Hesus sa kanyang mga alagad na Siya ay papatayin at muling mabubuhay pagkalipas ng ikatlong araw. Lahat ng iyon ay naganap. Hanggang Siya'y ipinako sa krus doon sa bundok ng kalbaryo. 

Napolitika si Hesus dahil ganito ang takbo ng mundo noon at hanggang sa ngayon. Ginamit ng Dios ang bulok na sestema ng tao upang maisakatuparan ang Kanyang plano na maialay ang Kanyang bugtong na anak bilang isang haing handog sa ikaliligtas ng sanglibutan. Roma 6:23  Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na Panginoon natin. Mga Gawa 4:12  At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. Kundi ang pangalang Hesukristo lamang.

Nais mo bang tumanggap ng himala ng kagalingan mula sa Dios? Nang kaligtasan upang makamtan mo ang buhay na walang hanggan? Wala kang ibang gagawin sa iyong buhay kundi ang magpasyang tanggapin si Hesus bilang Panginoon at sariling mong tagapagligtas. Amen!

Akda ni: Jovit D. Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...