Thursday 13 April 2017

Bakit ipinagkanulo ni Hudas si Hesus?


Habang hindi natin kaya na perpektong matiyak ang dahilan ng pagkakanulo ni Hudas kay Hesus, ilang bagay ang ating natitiyak: Una, Kahit na pinili ni Hesus si Hudas upang makasama sa labindalawang alagad (Juan 6:64), ang lahat ng reperensya sa Bibliya ay nagtuturo ng katotohanan na hindi siya kailanman naniwala na si Hesus ay Diyos. Hindi rin siya nakumbinsi na si Hesus ang Tagapagligtas. Hindi gaya ng ibang mga alagad, na tinatawag si Hesus na “Panginoon,” hindi kailanman ginamit ni Hudas ang titulong ito sa kanyang pakikipagusap kay Hesus. Sa halip, ginamit niya ang salitang "Rabbi," na nagpapakita na isang guro lamang ang pagkakilala niya kay Hesus. Habang may mga panahon na nagpapahayag ng kanilang pananampalataya at katapatan kay Hesus ang ibang mga alagad (Juan 6:68; 11:16), hindi ito kailanman ginawa ni Hudas sa halip pinili niyang manahimik. Ang kakulangan ng pananampalataya kay Hesus ang dahilan ng nangyari kay Hudas. Totoo rin ito sa atin. Kung mabibigo tayong kilalanin si Hesus bilang Diyos na nagkatawang tao, at at sa pamamagitan lamang Niya ang kapatawaran ng ating mga kasalanan - at ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan lamang ng kanyang ginawa sa krus - mapapasailalim tayo sa napakaraming problema na nagugat sa maling pagkakilala sa Diyos.

Ikalawa, hindi lamang nagkulang ng pananampalataya si Hudas kay Hesus kundi mayroon lamang siyang kaunti kung hindi man ay talagang wala siyang personal na relasyon kay Hesus. Nang ilista ng sinoptikong Ebanghelyo ang labindalawa, mapapansin na inilista sila sa parehong pagkakasunod sunod ng may kakaunti lamang pagkakaiba (Mateo 10:2-4; Markos 3:16-19; Lukas 6:14-16). Ang pagkakasunod sunod ay pinaniniwalaang isang indikasyon ng kanilang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan kay Hesus. Sa kabila ng pagkakaiba-iba, laging nangunguna sa listahan ang mga pangalan ni Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan at ito ay sang-ayon sa kanilang relasyon kay Hesus. Si Hudas ay laging huli sa listahan, na indikasyon ng kanyang kawalan ng malapit na personal na relasyon kay Hesus. Dagdag pa rito, ang tanging naitalang mga paguusap sa pagitan ni Hesus at Hudas ay noong sawayin ni Hesus si Hudas dahilan sa pagpigil ni Hudas kay Maria bunsod ng kanyang masamang motibo, na huwag sayangin ang pabango kay Hesus (Juan 12:1-8), gayundin ang pagtanggi ni Hudas sa kanyang pagkakanulo (Mateo 26:25), at sa mismong oras ng pagkakanulo (Lukas 22:48). 
Ikatlo, nilamon ng pagiging gahaman sa salapi si Hudas hanggang sa punto na pagtaksilan niya si Hesus at maging ang kanyang mga kapwa alagad gaya ng mababasa natin sa Juan 12:5-6. Maaaring nagkagusto si Hudas na sumunod kay Hesus dahil nakita niya ang napakaraming tagasunod ni Hesus at nasilaw siya sa malaking halaga na maaaring makolekta ng kanyang sinalihang grupo. Ang katotohanan na si Hudas ang tagahawak ng supot ng salapi ng grupo ay nagpapakita ng kanyang interes sa salapi (Juan 13:29).

Sa karagdagan, si Hudas, gaya ng karamihan ng tao ng panahong iyon ay naniniwala na tatapusin ng Mesiyas ang pananakop ng mga Romano at magiging makapangyarihan Siya sa bansang Israel. Maaaring sumunod si Hudas kay Hesus dahilan sa nakikita niyang pakinabang ng pakikisama sa Kanya at sa bagong itatatag na kapangyarihang pampulitika. Walang duda na inaasahan ni Hudas na makakabilang siya sa mga mamumuno pagkatapos ng rebolusyon ni Hesus. Sa panahon ng pagkakanulo kay Hudas, nilinaw na Hesus na kailangan Niyang mamatay at hindi Siya magpapasimula ng rebelyon laban sa bansang Roma. Maaaring inakala ni Hudas, gaya ng pagaakala ng mga Pariseo, na dahil hindi Niya patatalsikin ang mga Romano, hindi Siya ang Mesiyas na kanilang inaasahan. 

May ilang mga talata sa Lumang Tipan na tumutukoy sa pagkakanulo ni Hudas, ang ilan ay mas tiyak kaysa sa iba. Narito ang dalawa: 

"Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigang kasalo ko sa tuwina't sa anuman ay karamay; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kaaway" (Awit 41:9, tingnan ang katuparan sa Mateo 26:14, 48-49). Gayundin, Sinabi ko sa kanila, "Kung ibig ninyong ibigay ang sahod ko, salamat; kung ayaw ninyo, huwag." At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod v. Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng templo." At gayon nga ang ginawa ko." (Zacarias11:12-13; tingnan ang katuparan ng hulang ito sa Mateo 27:3-5). Ang mga hulang ito sa Lumang Tipan ang indikasyon na itinakda ng Diyos ang gagawing pagkakanulo ni Hudas at ang kanyang ginawa ay matagal ng nakaplano bago pa man niya gawin upang maging kasangkapan sa kamatayan ni Hesus. 

Ngunit kung alam ng Diyos ang gagawing pagkakanulo ni Hudas, mayroon bang kalayaang mamili ni Hudas at responsable ba siya sa kanyang ginawa? Mahirap para sa marami na pagkasunduin ang konsepto ng "free will" o malayang pagpapasya (gaya ng pagkaunawa ng marami) sa pagkaalam ng Diyos sa mga pangyayari sa hinaharap at ito ay dahilan sa ating limitadong kaalaman. Kung mauunawaan natin na ang Diyos ay hindi sakop ng panahon dahil nilikha lamang Niya ang lahat ng bagay bago magsimula ang panahon, mauunawaan natin na nalalaman ng Diyos ang bawat sandali sa ating panahon na tulad sa walang hanggang kasalukuyan. Nararanasan natin ang panahon na gaya ng isang tuwid na linya na dumaraan tayo ng dahan dahan mula sa isang yugto patungo sa isang yugto, na natatandaan ang nakaraan habang naglalakbay tayo sa linyang ito ngunit wala tayong kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap. Gayunman, ang Diyos, bilang walang hanggang manlilikha ang siyang gumawa ng panahon, at dahil dito hindi Siya sakop ng panahon. Makatutulong sa atin na isipin ang panahon (sa relasyon nito sa Diyos) na gaya sa isang bilog na ang Diyos ang nasa sentro at malapit Siya sa lahat na bahagi ng bilog.

Anu’t anuman, may buong kakayahan si Hudas na magpasya sa kanyang sarili - hanggang sa punto kung saan "pumasok sa kanya si Satanas" (Juan 13:27) at hindi siya hinadlangan sa anumang paraan (Juan 13:10, 18, 21), maging ang kanyang gagawing desisyon. Sa halip, nakita ng Diyos ang gagawin ni Hudas na isang desisyon sa kasalukuyan kaya nga sinabi ni Hesus na responsable siya at mananagot sa kanyang ginawa. "Nang sila'y kumakain na, sinabi ni Jesus: "Tandaan ninyo ito: isa sa inyo na kasalo ko'y magkakanulo sa akin" (Markos 14:18). Tungkol sa pananagutan ni Hudas dahil sa kanyang ginawa, sinabi ni Hesus, "Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong yaon ang hindi na ipinanganak" (Markos 14:21). May partisipasyon din si satanas sa ginawang ito ni Hudas gaya ng mababasa natin sa Juan 13:26-27, at mananagot din siya dahil doon. Ang Diyos sa Kanyang karunungan ay laging kayang manipulahin ang rebelyon ni Satanas para sa pakinabang ng buong sangkatauhan. Tinulungan ni satanas na dalhin si Hesus sa krus at doon sa krus, natalo na ang kasalanan at kamatayan at ngayon ang probisyon ng kaligtasan ay nakalaan para sa mga kikilalanin si Hesus bilang kanilang Tagapagligtas. 



The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...