Saturday, 15 April 2017

Ang Sabado de Gloria.

Ang Sabado de Gloria ay ang pangalang ibinigay sa pagitan ng Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay. May mga Kristiyano na kinikilala na ang Sabado de Gloria, ang ikapitong Araw ng Semana Santa, ang araw kung kailan nagpahinga si Hesus mula sa Kanyang gawain ng pagliligtas. Bago malagutan ng hininga si Hesus, sumigaw Siya "Naganap na!" Wala ng kailangang bayaran pa ang tao; binayaran na ang kasalanan ng tao doon sa Krus. 

Pagkatapos ng pagpapako kay Hesus sa krus, inilibing siya sa isang libingan sa di kalayuan at nanatili doon ang Kanyang katawan sa loob ng isang buong Sabado (Mateo 27:59-60; Markos 15:46; Lukas 23:53-54; Juan 19:39-42). Inaalala ng mga iglesya ang Sabado de Gloria sa pamamagitan ng pagninilay-nilay na tunay na walang pag-asa sa madilim na mundong ito kung walang pagkabuhay na muli ni Hesus. 

Tunay na kung walang pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, wala tayong anumang pag-asa sa mundong ito. Kung hindi muling binuhay si Hesus, "walang kabuluhan ang inyong pananampalataya at kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa" (1 Corinto 15:17). Nangalat ang mga alagad ng hulihin si Hesus (Markos 14:50), at ginugol nila ang unang Sabado de Gloria sa pagtatago dahil sa takot na baka sila rin ay hulihin (Juan 20:19). Ang araw sa pagitan ng pagpapako at pagkabuhay na muli ni Hesus ay maaaring panahon ng pagluluksa at lubhang pagkabigla habang ang mga alagad ay pinipilit na unawain ang nangyaring pagpatay kay Hesus, ang pagkakanulo ni Hudas at ang pagkawasak ng kanilang pag-asa. 

Ang kaisa-isang banggit sa kung ano ang nangyari sa unang Sabado de Gloria ay makikita sa Mateo 27:62-66. Nang magdadapit hapon ng Biyernes - ang araw ng paghahanda sa Paskuwa, dinalaw ng mga pangulong saserdote at ng mga Pariseo si Pilato. Ang pagdalaw na ito ay nangyari sa Araw ng Sabbath dahil itinuturing ng mga Hudyo na ang Araw ng Sabbath ay nagsisimula sa paglubog ng araw sa araw ng Biyernes. Hiniling nila kay Pilato na pabantayan sa mga sundalong Romano ang libingan ni Hesus. Naalala nila na sinabi ni Hesus na babangon Siyang muli sa mga patay pagkatapos ng tatlong araw (Juan 2:19-21) at nais nilang gawin ang lahat upang pigilan iyon. Gaya ng ating nalalaman, hindi sapat ang mga Romanong sundalo upang pigilan ang pagkabuhay na muli ni Hesus. Ang mga babaeng nagbalik sa libingan madaling araw ng Linggo ay natagpuang wala ng laman ang libingan ni Hesus. Tunay na nabuhay na mag-uli ang ating Panginoon. 



The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...