Friday, 27 October 2017

Awit ni Solomon

Manunulat: Ayon sa unang talata, isinulat ni Solomon ang Awit ni Solomon. Ang awit na ito ay isa sa isanlibo at limang awit na isinulat ni Solomon. Ang titulong "Awit ni Solomon" ay nasa ayos ng pananalita na nagsasaad na ito ang pinakamagandang awit ni Solomon.

Panahon ng Pagkasulat: Maaaring isinulat ni Solomon ang awit na ito sa mga unang taon ng kanyang paghahari noong mga 965 B.C. 

Layunin ng Sulat: Ang Awit ni Solomon ay isang tula na nilagyan ng liriko upang itanghal ang magandang pagsasamahan at wagas na pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa. Ipinakikilala ng tula na ang pagaasawa ay disenyo ng Diyos. Dapat na mamuhay na magkasama ang babae at lalaki sa konteksto ng pagaasawa at dapat na magmahalan sa espiritwal, emosyonal at pisikal. 

Binabantayan ng aklat ang dalawang maling paninwala: ang asetismo (pagtanggi sa lahat ng kasiyahan) at hedonismo, (ang paghahanap sa kasiyahan lamang). Ang pag-ibig na inilarawan sa Awit ni Solomon ay isang modelo sa pamamalasakit, pagtatalaga at kaligayahan.

Mga Susing Talata: Awit ni Solomon 2:7; 3:5; 8:4 - "Ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain."

Awit ni Solomon 5:1 - "Nasa hardin ako ngayon, aking mahal, aking sinta, at ako ay nangunguha ng balsamo at ng mira, Nilalasap ko ang tamis nitong pulot ng pukyutan, Iniinom ko ang gatas at alak na malinamnam."

Awit ni Solomon 8:6-7 - "Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon. Sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kaya na pigilin ang paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daaninbaka pa nga ang mangyari ay ikaw pa ang tuyain."

Maiksing pagbubuod: Ang tula ay tungkol usapan sa pagitan ng mag-asawa (ang hari) at ang kanyang asawa (ang babaeng Sunamita). Maaaring hatiin ang aklat sa tatlong bahagi: ang pagliligawan (1:1 - 3:5); ang kasalan (3:6 - 5:1); at ang pagsasama bilang magasawa (5:2 - 8:14).

Nagsimula ang awit bago ang kasal habang ang babaeng ikakasal ay naghihintay na makasama ng kanyang kasintahan at nananabik sa kanyang paglalambing. Gayunman, hinayaan niya na likas na mahubog ang kanyang damdamin para sa kasintahan sa tamang panahon. Pinuri ng hari ang angking kagandahan ng Sunamita upang hindi panghinaan ng loob ang babae tungkol sa kanyang hitsura. Nanaginip ang babaeng Sunamita na naghiwalay sila ni Solomon at hinanap niya ito sa buong siyudad. Sa tulong ng mga bantay, natagpuan niya ang kasintahan at kinapitan niya ito at dinala sa isang ligtas na lugar. Pagkagising, nagpasya siya na huwag ng ipilit ang kanyang pag-ibig. 

Sa gabi ng kasal, muling pinuri ng lalaki ang kagandahan ng kanyang asawa at gamit ang mga simbolikong pananalita, niyaya ng babae ang kanyang asawa na angkinin ang lahat ng mayroon siya. Nagniig sila at pinagpala ng Diyos ang kanilang pagiging isang laman. 

Habang lumalago ang kanilang pagsasama, dumaan ang mag-asawa sa isang mahirap na pagsubok na inilarawan sa isa pang panaginip. Sa ikalawang panaginip na ito, pinagsabihan ng babae ang kanyang asawa at umalis ang lalaki. Inusig siya ng kanyang budhi at muling hinanap ang kanyang asawa; ngunit sa pagkakataong ito, sa halip na tulungan siya ng mga bantay, sinaktan siya ng mga ito - na sumisimbolo sa kanyang nasaktang konsensya. Pagkatapos nagbalik ang lahat sa kasiyahan ng muli silang nagkita at nagkasundo.

Sa pagtatapos ng awit, ang magasawa ay nagtiwala sa pag-ibig ng bawat isa, inawit nila ang kalikasan ng tunay na pag-ibig at patuloy silang nanabik sa presensya ng bawat isa. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Nakikita ng ilang tagapagpaliwanag ng Bibliya sa Awit ni Solomon ang simbolo ng relasyon sa pagitan ni Kristo at ng iglesya. Si Krisfo ang representasyon ng hari, habang ang Sunamita naman ang simbolo ng iglesya. Habang naniniwala kami na dapat intindihin ang Aklat sa literal na paraan bilang paglalarawan sa pagaasawa, may ilang elemento na naglalarawan sa relasyon ng iglesya sa kanyang hari, ang Panginoong Hesu Kristo. Inilalarawan ng Awit ni Solomon 2:4 ang karanasan ng bawat mananampalataya na hinanap at binili ng dugo ng Panginoong Hesus. Nagtataglay tayo ng espiritwal na kayamanan at inibig Niya tayo ng gayon na lamang. Sinabi sa 2:16 ng aklat: "Talisuyo ko ay akin at ako nama'y kanya." Narito ang larawan hindi lamang ng katiyakan ng mananampalataya kay Kristo (Juan 10:28-29), kundi sa isang mabuting Pastol na nakikilala ang sa Kanya at nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin (Juan 10:11). Dahil sa kanya, hindi na tayo marumi dahilan sa ating kasalanan dahil nilinis na tayo ng kanyang dugo (Awit ni Solomon 4:7; Efeso 5:27).

Praktikal na Aplikasyon: litong lito ang ating mundo tungkol sa tunay na esensya ng pagaasawa. Ang popularidad ng diborsyo at mga pagtatangka ng modernong panahon na baguhin ang kahulugan ng pagaasawa ay salungat sa mensahe ng Aklat ni Solomon. Sinabi ni Solomon na ang pagaasawa ay dapat ipagdiwang, igalang at pagmulan ng kasiyahan. Ang aklat na ito ay kapupulutan ng mga praktikal na tuntunin para sa pagpapanibagong sigla ng ating pagsasama bilang magasawa.

1) Ibigay mo sa iyong asawa ang atensyon na kanyang kinakailangan. Maglaan ng panahon upang tunay na makilala ang iyong asawa. 

2) Ang pagpapalakas ng loob at papuri hindi ang kritisismo ang pangunahing sangkap ng isang matagumpay na pagsasama. 

3) Masiyahan sa isa't isa. Magplano ng pagbibiyahe na magkasama. Maging malikhain. Masiyahan sa kaloob ng Diyos, ang kaloob ng pagaasawa. 

4) Gawin ang lahat ng nararapat upang muling mabigyan ng katiyakan ang iyong asawa sa iyong pagtatalaga ng sarili sa kanya. Muling sumumpa sa isa't isa; pagusapan ng maayos ang anumang problema at huwag ikunsidera ang diborsyo bilang solusyon sa mga problema. Nais ng Diyos para sa bawat isa sa atin na mamuhay ng mapayapa at nakatitiyak sa pag-ibig ng bawat isa. 

https://www.gotquestions.org

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...