Thursday, 23 August 2018

Ang ibig sabihin ng teolohiya (Theology)

Ang salitang ‘teolohiya’ o ‘theology’ ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na pinagsama na ang ibig sabihin ay ‘pagaaral tungkol sa Diyos.’ Ang Kristiyanong teolohiya ay isang simpleng pagtatangka na unawain ang Diyos kung paano Siya ipinakilala sa Bibliya. Walang teolohiya ang kumpletong makapagpapaliwanag sa Diyos at sa Kanyang mga kaparaanan dahil ang Diyos ay walang hanggan at sobrang mataas ang karunungan ng higit sa atin. Kaya nga anumang pagtatangka na ilarawan Siya ay magiging kapos pa rin (Roma 11:33-36). Gayunman, nais ng Diyos na makilala natin Siya hanggang sa abot ng ating makakaya, at ang teolohiya ang sining at siyensya ng pagaaral sa lahat ng ating kayang maunawaan tungkol sa Diyos sa isang organisadong kaparaanan. May mga tao na iniiwasan ang pagaaral ng teolohiya dahil naniniwala sila na ito diumano ang nagiging sanhi ng pagkakabahabahagi sa halip ng pagkakaisa. Ngunit kung mauunawaan ng tama, ang teolohiya ay nagiging daan sa tunay na pagkakaisa. Ang isang tama at Biblikal na teolohiya ay mabuting bagay; ito ang pagtuturo ng Salita ng Diyos (2 Timoteo 3:16-17). 

Kaya nga ang pagaaral ng teolohiya ay walang iba kundi ang paghuhukay sa Salita ng Diyos upang matuklasan ang kanyang pagpapakilala sa Kanyang sarili. Kung gagawin natin ito, makikilala natin Siya bilang manlilikha ng lahat ng mga bagay, ang umaalalay sa lahat ng mga bagay at ang hukom ng lahat ng mga bagay. Siya ang Aplha at Omega, ang pasimula at wakas ng lahat ng mga bagay. Nang tanungin ni Moises kung sino ang nagsusugo sa Kanya sa Faraon, sinabi ng Diyos "AKO AY AKO NGA" (Exodo 3:14). Ang salitang AKO NGA ay nagpapahiwatig ng Kanyang personalidad. May pangalan ang Diyos gaya ng pagbibigay Niya ng pangalan sa iba. Ang pangalang AKO NGA ay sumisimbolo sa isang personalidad na malaya, puno ng layunin at sapat sa Kanyang sarili. Ang Diyos ay hindi isang makalangit na pwersa o isang pangkalawakang enerhiya. Siya ang makapangyarihan sa lahat, ang nabubuhay sa sarili, ang nagtatakda sa lahat ng bagay na may karunungan at kalooban - ang personal na Diyos na ipinakilala ang Kanyang sarili sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Salita at sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo.

Ang pagaaral ng teolohiya ay ang pagkilala sa Diyos upang maluwalhati at maparangalan Siya sa pamamagitan ng ating pag-ibig at pagsunod. Pansinin ang progreso: kailangan natin muna Siyang makilala bago natin siya maibig at kailangan natin Siyang ibigin muna bago tayo magkaroon ng pagnanasang sumunod. Bilang resulta, ang ating buhay ay mapagyayaman sa paraang hindi kayang sukatin sa pamamagitan ng kaaliwan at pag-asa na ipinagkakaloob Niya sa mga kumikilala, umiibig at sumusunod sa Kanya. Ang mahinang teolohiya ay balatkayo lamang at guguluhin lamang ang ating buhay ng isang maling pagkaunawa sa Diyos sa halip na magkaroon tayo ng kaaliwan at pag-asa. Ang pagkakilala sa Diyos ay napakahalaga. Magiging malupit tayo sa ating mga sarili kung tatangkain nating mamuhay sa mundong ito ng walang pagkakilala sa Diyos. Ang mundo ay isang lugar na puno ng kapighatian at ang buhay dito ay puno ng kabiguan at kahirapan. Tanggihan mo ang teolohiya at hahatulan mo ang iyong sarili sa pagkakaroon ng buhay na walang kabuluhan at walang direksyon. Kung walang teolohiya, sasayangin natin ang ating buhay sa mundo at tiyak na mapapahamak ang ating kaluluwa.

Ang bawat Kristiyano ay dapat na magnasang mainam ng teolohiya at magkaroon ng personal na pagaaral tungkol sa Diyos upang makilala, mahalin at sundin Siya na ating makakasama sa kagalakan sa walang hanggan.


No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...