Friday, 17 November 2017

Aklat ng Panaghoy

Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat ng Aklat ng Panaghoy. Ayon sa tradisyon, si Propeta Jeremias ang sumulat ng aklat na ito. Ang pananaw na ito ay malapit sa katotohanan dahil ang manunulat ay nakasaksi sa pagwasak ng Babilonia sa Jerusalem. Taglay ni Jeremias ang kwalipikasyong ito. (2 Cronica 35:25; 36:21-22).

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ng Panaghoy ay maaaring nasulat sa pagitan ng 586 at 575 B.C., habang sinasakop ang Jerusalem o pagkatapos ng pagbagsak nito sa kamay ng Babilonia. 

Layunin ng Sulat: Dahil sa patuloy na hindi pagsisisi ng Juda sa pagsamba sa mga diyus diyusan, hinayaan ng Diyos na salakayain, pagnakawan, sunugin at wasakin ang siyudad ng Jerusalem. Sinunog ang templo ni Solomon na nakatayo sa loob ng humigit kumulang 400 taon. Bilang saksi sa mga pangyayaring ito, isinulat ni Propeta Jeremias ang kanyang mga nasaksihan. Ang kanyang aklat ay isang panaghoy bilang pagdadalamhati sa mga nangyari sa Juda at Jerusalem. 

Mga Susing Talata: Panaghoy 2:17, "Isinagawa ni Yahweh ang kanyang balak; tinupad niya ang kanyang banta. Walang awa niya tayong winasak; pinagtagumpay niya ang kaaway at dinulutan ng kagalakan sa paglupig sa atin."
Panaghoy 3:22-23, "v22Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ni Yahweh at ang kanyang walang kupas na kahabagan, hindi nagbabago tulad ng bukang-liwayway, dakila ang kanyang katapatan."

Panaghoy 5:19-22, "v19Ang mga humahabol sa amin ay higit na mabilis kaysa mga agila sa himpapawid; tinugis nila kami sa mga kabundukan, inabangan sa ilang. Nabihag nila ang aming tagapagtanggol, ang hinirang ni Yahweh, na inaasahan naming mangangalaga sa amin laban sa mga kaaway. Magalak ka't matuwa, bayan ng Edom at Uz; Pagkat daranasin mo rin ang kapahamakang sinapit namin, Malalagay ka rin sa walang katulad na kahihiyan. Pinagdusahan na ng Sion ang kanyang mga kasalanan Kaya't lalaya ka na mula sa pagkakatapon; ngunit parurusahan ni Yahweh ang Edom dahil sa iyong kalikuan, At ibubunyag ang iyong mga kasalanan."

Brief Summary: Ang Aklat ng Panaghoy ay hinati sa 5 kabanata. Ang bawat kabanata ay naglalarawan ng hiwalay na mga tula. Sa orihinal na wikang Hebrep. Ang mga talata ay nasa ayos ng akrostik, at ang bawat talata ay nagsisimula sa bawat letra ng apabetong Hebreo ayon sa pagkakasunod sunod. Nauunawaan ni Propeta Jeremias na ang Babilonia ay isa lamang kasangkapan ng Diyos upang hatulan ang kasalanan ng Jerusalem (Panaghoy 1:12-15; 2:1-8; 4:11). Makikita ng malinaw sa Aklat ng Panaghoy na ang sanhi ng pagbubuhos ng poot ng Diyos ay ang kasalanan at paglaban sa Kanya. (1:8-9; 4:13; 5:16). Ang panaghoy ay tamang tugon sa panahon ng kaguluhan, ngunit dapat itong magbigay daan agad sa pagkalungkot ng puso at pagsisisi (Panaghoy 3:40-42; 5:21-22).

Mga Pagtukoy kay Kristo: Kilala si Jeremeas bilang ang "nananaghoy na propeta" at sa kanyang masidihing pagnanais para sa kapakanan ng bayan ng Diyos at sa kanyang mga kababayan (Panaghoy 3:48-49). Ang parehong kalungkutan dahil sa kasalanan ng mga tao at sa kanilang pagtanggi sa Diyos ay inilarawan kay Hesus ng sabihin Niya habang papalapit sila sa Jerusalem na nalalaman na pahihirapan Siya ng mga Romano. (Lukas 19:41-44). Dahil sa pagtanggi ng mga Hudyo sa Mesiyas, ginamit ng Diyos ang mga Romano upang parusahan ang Kanyang bansa. Ngunit hindi nasisiyahan ang Diyos sa Kanyang pagpaparusa sa Kanyang mga anak at ang Kanyang alok ng kaligtasan para sa katubusan ng mga tao ang nagpapakita ng Kanyang dakilang kahabagan sa mga to. Isang araw, dahil kay Kristo, papahirin Niya ang mga luha sa ating mga mata (Pahayag 7:17). 

Praktikal na Aplikasyon: Kahit sa gitna ng matinding pagpaparusa, Ang Diyos ay Diyos ng pagasa (Panaghoy 3:24-25). Kahit gaano pa tayo nagpakalayu-layo sa Kanya, may pag-asa tayo na muli tayong makababalik sa Kanya at matatagpuan natin Siya na nahahabag at nagpapatawad (1 John 1:9). Ang ating Diyos ay mapagmahal na Diyos (Panaghoy 3:22), at dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig at kahabagan, ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang hindi tayo mapahamak dahil sa ating mga kasalanan, sa halip, mabuhay tayo na kasama Niya sa walang hanggan (John 3:16). Ang katapatan ng Diyos (Panaghoy 3:23) at ang Kanyajng pagliligtas (Panaghoy 3:26) ay ang Kanyang mga katangian na nagbibigay sa atin ng kasiyahan at pag-asa. Hindi Siya walang pakialam at pabagu bagong Diyos. Ililigtas Niya ang lahat ng lalapit sa Kanya na umaamin na wala silang magagawa uupang makamtan ang Kanyang biyaya (Panaghoy 3:22). 

https://www.gotquestions.org


No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...