Wednesday, 3 May 2017

Kung minsan nang naligtas, ligtas na ba magpakailan pa man?

Kung ang isang tao ay minsan nang naligtas, ligtas na ba siya magpakailan pa man? Nang magsisi ang isang tao sa kanyang kasalanan at tinanggap si Kristo bilang kanyang tagapagligtas at kung Siya ay tinanggap ng Diyos bilang anak, ang kanyang bagong relasyon sa Diyos ang nagbibigay ng katiyakan sa kanyang kaligtasan at ang kaligtasang ito kailanman ay hindi na mawawala pa. Tinitiyak ng mga talata sa Bibliya ang katotohanang ito. Sinasabi sa aklat ng Roma 8:30 "At ang mga itinalaga Niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag Niya ay Kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay Kanya namang binigyan ng karangalan" Sinasabi ng talatang ito na sa sandaling pinili ng Diyos ang isang tao, para na rin siyang nabigyan na ng kaluwalhatian sa presensiya ng Diyos sa kalangitan. Wala nang makahahadlang sa araw na bibigyan ng Diyos ng kaluwalhatian ang isang mananampalataya sapagkat ito ang layunin ng Niya para sa kanya sa umpisa pa lamang. 
Sa sandaling ang isang tao ay pinaging matuwid, ang kanyang kaligtasan ay tiyak o ginarantiyahan na - siya ay ligtas na at parang siya'y binigyan na rin ng karangalan sa langit kahit hindi pa siya nakakarating doon. May mga importanteng katanungan si Pablo patungkol sa kaligtasan sa aklat ng Roma 8:33-34 "Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at ngayo'y namamagitan para sa atin." Sino ang magdadala ng paratang sa mga pinili ng Diyos? Walang sinuman, sapagkat si Kristo ang ating tagapagtanggol. Sino ang hahatol sa atin? Walang sinuman, sapagkat si Kristo ang namatay para sa atin , at ang Siyang humahatol." Mayroon tayong tagapagtanggol at hukom at ang hukom ding yaon ang atin mismong Tagapagligtas. Ang mga mananampalataya ay isinilang na muli noong sila ay nanampalataya (Juan 3:3; Titus 3:5). Kung mawawala pa ang kaligtasan ng isang Kristiyano, babalik na naman siya muli sa dati niyang pagkatao. Walang sinasabi saanman sa Bibliya na ang isang taong isinilang na muli ay mawawala pa sa kanyang pananampalataya. Ang Banal na Espiritu ay nananahan na sa lahat ng mga tunay na mananampalataya (Juan 14:17; Roma 8:9) at binautismuhan na sila sa Espiritu upang makabilang sa katawan ni Kristo (1 Corinto 12: 13). Upang mawala ang kaligtasan ng isang mananampalataya kinakailangang umalis sa kanya ang Banal na Espiritu at tanggalin siya bilang miembro ng katawan ni Kristo. Sinasabi ng Juan 3:16 na ang sinumang mananampalataya kay Hesu Kristo ay magkakaroon ng "buhay na walang hanggan." Kung ikaw ay nanampalataya kay Kristo ngayon at nagkaroon ng buhay na walang hanggan, pero kinabukasan nawala ito, samakatuwid hindi ito maituturing na walang hanggan. Dahil kung mawawala pa sa iyo ang iyong kaligtasan, ang ipinangakong buhay na walang hanggan sa Bibliya ay isang kasinungalingan at malaking pagkakamali. Sa aking paniniwala, ang pinakamatibay na pangangatwiran tungkol sa katiyakan ng kaligtasan at hindi nito pagkawala sa isang tunay na mananampalataya ay nasabi na lahat ng Bibliya, "Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon (Roma 8:38-39)." 

Pakatandaan na ang Diyos na nagligtas sa iyo ay Siya rin ang mangangalaga sa iyong kaligtasan. Sa sandaling tayo'y naligtas na, ligtas na tayo magpakailan pa man. Ang ating kaligtasan ay tiyak at ang katiyakang ito ay pang walang hanggan.

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...