Ang Bawtismo ang isa sa dalawang ordinansa na itinatag ni Kristo upang ganapin ng Iglesya. Bago Siya umakyat sa langit, sinabi ni Hesus, “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” (Mateo 28:19-20). Tinukoy ni Hesus sa tagubiling ito ang responsibilidad ng iglesya - ang paggawa ng mga alagad at pagbawtismo sa mga magiging alagad. Nararapat na gawin ang bagay na ito sa lahat ng bansa “hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Kaya nga ang bawtismo ay mahalaga sapagkat ipinag-utos ito ni Hesu Kristo.
Ginagawa na ang Bawtismo noon pa mang katatatag pa lamang ang iglesya. Noong unang panahon, binabawtismuhan ng mga Hudyo ang mga gustong maging miyembro ng Judaismo bilang tanda ng paglilinis ng kanilang pagkatao. Ginamit ni Juan Bautista ang bawtismo bilang paghahanda sa ministeryo ng Panginoong Hesu Kristo. Hiningi niya sa bawat tao, hindi lamang sa mga Hentil, na magpabawtismo dahil ang lahat ay kinakailangang magsisi. Gayunman, ang bawtismo ni Juan na tanda ng pagsisisi, ay hindi katulad ng Kristiyanong bawtismo gaya ng makikita sa Aklat ng mga Gawa 18: 24-26 at 19:1-7. Mas malalim ang kahulugan at kahalagahan ng bawtismong Kristiyano.
Ang bawtismo ay kailangang isagawa sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu - ito ang dahilan kung bakit ito tinawag na bawtismong Kristiyano. Sa pamamagitan ng ordinansang ito, tinatanggap ang isang tao bilang miyembro ng isang iglesya. Nang maranasan natin ang kaligtasan, “nabawtismuhan tayo sa Espiritu” sa katawan ni Kristo Na siyang iglesya. Sinasabi sa 1 Corinto 12:13, “Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.” Ang bawtismo ay isang paglalarawan ng bawtismo sa Espiritu.
Ang bawtismong Kristiyano ang kasangkapan upang maipakita ng isang tao ang kapahayagan ng kanyang pananampalataya at pagiging alagad ni Kristo sa publiko. Sa tubig ng bawtismo, parang sinasabi ng isang tao sa mundo, “Ipinahahayag ko ang aking pananampalataya kay Kristo; nilinis ni Kristo ang aking kaluluwa mula sa kasalanan, at ako ngayo'y mamumuhay na para sa Kanya sa isang bagong buhay na may kabanalan.”
Inilalarawan ng bawtismong Kristiyano sa isang dramatikong pamamaraan, ang kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na muli ni Kristo. Sa parehong paraan, inilalarawan nito ang ating pagkamatay sa kasalanan ay ang ating bagong buhay kay Kristo. Nang ipahayag ng isang makasalanan na si Hesu Kristo ang kanyang Panginoon, namatay na siya sa kasalanan (Roma 6:11) at ibinangon sa isang bagong buhay (Colosas 2:12). Ang paglubog sa tubig ay naglalarawan ng pagkamatay ng tao sa kasalanan at ang pag-ahon sa tubig ay sumisimbolo sa isang nilinis at banal na buhay na resulta ng kaligtasan. Inilarawan ito sa Roma 6:4: “Samakatwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama'y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.”
“Sa isang simpleng paliwanag, ang bawtismo ay panlabas na patotoo ng panloob na pangyayari sa buhay ng isang mananampalataya. Ang bawtismong Kristiyano ay pagsunod sa utos ng Panginoon pagkatapos na maranasan ng isang tao ang kaligtasan; bagamat ang bawtismo ay karaniwang iniuugnay sa kaligtasan, hindi naman ito kinakailangan para maligtas ang isang tao. Ipinakita ng maraming beses sa Bibliya ang pagkakasunod sunod ng pangyayari. 1). Nanampalataya ang isang tao sa Panginoong Hesu Kristo, 2). Saka lang siya dapat bawtismuhan. Ang pagkakasunod na ito ay makikita sa Gawa 2:41, “At ang mga naniwala sa sinabi na Pablo ay nangagpabawtismo” (tingnan din ang Gawa 16:14-15).
Ang isang bagong mananampalataya ay dapat na magnais na pabawtismo sa lalong madaling panahon. Ibinahagi ni Felipe sa Gawa 8 ang “Mabuting Balita tungkol kay Hesus” sa isang Etiopeng Enuko at, “Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. “May tubig dito!” sabi ng eunuko. “Ako ba'y hindi pa maaaring bautismuhan?” (tatata 35-36). Agad na pinatigil nila ang karwahe at binawtismuhan ni Felipe ang lalaki.
Inilalarawan ng bawtismo ang pakikiisa ng mga mananampalataya sa kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na muli ni Kristo. Kahit saan man ipangaral ang Ebanghelyo, kailangang bawtismuhan ang lahat ng sasampalataya kay Kristo sapagkat ipinag-utos Niya ito.
https://www.gotquestions.org
John 3:16 For God so loved the world that He gave His only-begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life.
Saturday, 22 July 2017
Aklat ng 2 Cronica
Manunulat: Hindi tiyakang tinukoy kung sino ang manunulat ng aklat ng 2 Cronica. Ang tradisyunal na tinatanggap bilang manunulat ay si Ezra.
Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng 2 Cronica ay nasulat sa pagitan ng 450 at 425 B.C.
Layunin ng Sulat: Saklaw ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang parehong impormasyon na gaya ng sa 1 at 2 Samuel at 1 at 2 mga Hari. Pinagtutuunan ng pansin ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang gawain ng mga saserdote. Sa esensya, ang 1 at 2 Cronica ay pagtataya ng kasaysayang panrelihiyon ng bansang Israel.
Mga Susing Talata: 2 Cronica 2:1, - Ipinasiya ni Solomon na magtayo ng Templo para kay Yahweh at ng palasyo para sa hari"
2 Cronica 29:1-3, "Si Ezequias ay dalawampu't limang taon nang maging hari at dalawampu't siyam na taon siyang naghari. Sa Jerusalem siya nanirahan. Ang ina niya ay si Abia na anak ni Zacarias. Katulad ng kanyang nunong si David, gumawa siya ng kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh. Sa unang buwan pa lamang ng kanyang pamamahala, pinabuksan na niya ang mga pintuan ng Templo at ipinaayos ito."
2 Cronica 36:14, - Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, ang mga saserdote at ang mamamayan. Nakigaya sila sa nakaririmarim na gawain ng ibang bansa. Pati bahay ni Yahweh na itinalaga niya sa Jerusalem ay kaniyang itinakwil."
2 Cronica 36:23, "Ito ang pahayag ng Haring Ciro ng Persia: 'Ipinaubaya sa akin ni Yahweh, Diyos ng Kalangitan, ang lahat ng kaharian sa daigdig at inutusan niya akong magtayo para sa kanya ng templo sa Jerusalem ng Juda. Kaya, ang sinuman sa inyo na kabilang sa kanyang bayan ay pinahihintulutan kong pumunta sa Jerusalem. Samahan nawa siya ni Yahweh, ang kanyang Diyos."
Maiksing Pagbubuod: Itinala ng aklat ng 2 Cronica ang kasaysayan ng kaharian ng Judah, mula sa paghahari ni Solomon hanggang sa pagtatapos ng pagkatapon sa Babilonia. Nakalulungkot ang pagbagsak ng Judah, ngunit binigyang pansin ang mga taong nanguna sa pagpanibagong sigla sa espiritwal na buong sikap na hinimok ang mga Israelita na magbalik loob sa Diyos. Kaunti lamang ang banggit tungkol sa masasamang hari at sa mga kabiguan ng mabubuting hari; tanging mabubuting bagay lamang ang pinagtuunan ng pansin. Dahil ang 2 Cronica ay isinulat sa perspektibo ng mga saserdote, bihirang binabanggit ang kaharian ng Israel dahil sa kanilang maling pagsamba at pagtanggi na kilalanin ang templo sa Jerusalem. Nagtapos ang 2 Cronica sa lubusang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo.
Mga pagtukoy kay Kristo: Gaya ng pagbanggit sa mga hari at templo sa Lumang Tipan, nakikita natin ang repleksyon ng tunay na Hari ng mga hari, si Hesu Kristo at ang templo ng Banal na Espiritu, ang Kanyang mga anak. Kahit na ang pinakamabuting hari ng Israel ay may pagkukulang na pareho sa makasalanang tao at namahala sa Israel ng may pagkukulang. Ngunit kung dumating ang Hari ng mga hari, itatatag Niya ang Kanyang trono upang mamahala sa buong mundo bilang karapatdapat na tagapagmana sa trono ni David. Sa panahong iyon lamang tayo magkakaroon ng perpektong hari na mamamahala ng may katwiran at kabanalan.
Gayundin naman, ang dakilang templo na itinayo ni Solomon ay hindi idinisenyo upang magtagal ng panghabang panahaon. Sa loob lamang ng 150 taon pagkatapos na itayo, kailangan na itong kumpunihin ng mga susunod na henerasyon na tumalikod sa pagsamba sa mag diyus diyusan dahil sa pagkabulok ng mga materyales at pagkasira (2 mga Hari 12). Ngunit ang templo ng Banal na Espiritu - yaong mga binili ng dugo ni Kristo ay mabubuhay magpakailanman. Tayo na mga kay Kristo ay mga templo ng Diyos, na hindi ginawa ng tao kundi ng Diyos (Juan 1:12-13). Nananahan ang Espiritu sa atin at hindi na aalis pang muli at ihahatid tayo ng ligtas sa tahanan ng Diyos (Efeso 1:13; 4:30). Walang ibang templo sa lupa ang binigyan ng ganitong pangako.
Praktikal na Aplikasyon: Iniimbitahan ang mambabasa ng aklat ng 2 Cronica na tayahin ang bawat henerasyon mula sa nakalipas at alamin kung bakit ang bawat isa sa mga henerasyon ay pinagpala dahil sa kanilang pagsunod at pinarusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ngunti kailangan din nating ikumpara ang naging kapalaran ng mga henerasyong iyon sa ating sariling henerasyon, sa pangkalahatan at sa indibidwal. Kung ang ating bansa o iglesya ay nakararanas ng kahirapan, para sa ating kapakinabangan na ikumpara ang ating paniniwala sa mga naging karanasan ng mga Israelita sa pamamahala ng iba't ibang hari. Kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan at hindi Niya iyon kinukunsiti. Kung may ititinuturo man sa atin ang aklat ng Cronca, ito ay ang katotohanan na nais ng Diyos na patawarin tayo at pagalingin ang sinumang mananalangin ng may pagsisisi at kapakumbabaan (1 Juan 1:9).
Kung mayroon kang pribilehiyo na hingin ang anumang bagay sa Diyos, ano ang iyong hihingin? Ito ba ay ang kayamanan, perpektong kalusugan para sa iyo at sa iyong pamilya? O kapangyarihan sa buhay at kamatayan? Nakamamanghang isipin hindi ba? Ngunit mas nakamamangha na inialok ng Diyos ang mga bagay na ito kay Haring Solomon ngunit hindi pinili ni Solomon ang alinman sa mga bagay na ito. Ang hiningi niya ay karunungan at kaalaman upang magampanan niya ng maayos ang gawain na ipinagagawa sa Kanya ng Diyos. Itinuturo sa atin ng aklat ng 2 Cronica na binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng gawain na ating gagampanan at ang pinakamalaking pagpapala na ating mahihiling sa Diyos ay ang bigyan tayo ng kakayahan upang magampanan ang Kanyang layunin sa ating mga buhay. Kailangan natin ang "karunungang makalangit" (Santiago 3:17) upang malaman ang Kanyang kalooban gayundin naman upang magkaroon tayo ng pangunawa at malapit na kaugnayan sa Kanya na siyang magbibigay sa atin ng kakayahan upang maging gaya ni Kristo sa isip at sa gawa (Santiago 3:13).

Aklat ng 1 Cronica
Manunulat: Hindi tiyakang tinukoy sa Aklat kung sino ang manunulat. Ang tradisyunal na itinuturing na manunulat ng 1 at 2 Cronica ay si Ezra.
Panahon ng pagkasulat: Ang Aklat ng Cronica ay isinulat sa pagitan ng 450 at 425 B.C.
Layunin ng Sulat: Saklaw ng Aklat ng 1 at 2 Cronica ang karamihan ng impormasyon na tinalakay din sa 1 at 2 Hari. Higit na binigyang pansin lamang sa 1 at 2 Cronica ang aspeto ng pagkasaserdote. Nasulat ang Aklat pagkatapos ng pagkabihag upang tulungan ang mga Israelitang nagbalik sa Israel na maunawaan kung papaano ang tamang pagsamba sa Diyos. Ang kasaysayan ay nakatuon sa kaharian sa hilaga, ang tribu ni Judah, Benjamin at Levi. Ang mga tribung ito ay mas naging tapat sa Diyos kumpara sa ibang tribu.
Mga susing talata: 1 Cronica 11:1-2, "Ang buong Israel ay nagpunta kay David sa Hebron."Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong mga laman," wika nila. "Nang panahong hari si Saul, pinangungunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikibaka, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: 'Ikaw ang magiging Pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamamahala sa kanila."
1 Cronica 21:13, "Ako'y nasa gipit na katayuan," tugon ni David. "Ibig kong sa kamay ni Yahweh mahulog yamang mahabagin siya. Ayokong tao ang magpahirap sa akin."
1 Cronica 29:11, "Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat."
Maiksing pagbubuod: Ang unang siyam na kabanata ng Aklat ng 1 Cronica ay inilaan para sa listahan ng mga angkan. Ang mga karagdagang listahan ng mga angkan ay nakakalat sa buong aklat. Sa kalagitnaan ng Aklat ng 1 Cronica, itinala ang pag-upo ni David sa trono at ang kanyang mga naging aksyon bilang hari pagkatapos. Ang Aklat ay nagtapos sa pagtatalaga kay Solomon Bilang hari ng Israel. Ang Aklat ng 1 Cronica ay naglalaman ng mga sumusunod: Kabanata 1:1-9:23 - Piniling talaan ng mga angkan; Kabanata 9:24-12:40 - pagluklok ni David sa trono; Kabanata 13:1-20:30 - Paghahari ni David.
Mga pagtukoy kay Kristo: Sa awit ng pasasalamat ni David sa Diyos sa 1 Cronica 16:33, binanggit ni David ang panahon kung kailan darating ang Diyos "upang hukuman ang mundo." Tinutukoy nito ang Mateo 25 kung saan inilarawan ni Hesus ang panahon kung kailan Siya darating upang hukuman ang buong mundo. Sa pamamagitan ng talinghaga ng sampung dalaga at ng mga talento, isang babala ang ibinigay sa mga matatagpuan na hindi natubos ng dugo ni Hesus na sila ay itatapon sa pusikit na kadiliman sa labas. Hinihimok Niya ang Kanyang mga anak na maging handa dahil sa Kanyang pagdating, pagbubukurin Niya ang mga tupa at kambing para sa paghuhukom.
Bahagi ng tipan ng Diyos kay David na inulit ng Diyos sa kabanata 17 ay tumutukoy sa darating na Mesiyas na manggagaling buhat sa lipi ni David. Inilalarawan sa mga talata 13 -14 na isang Anak ang mamamahala sa bahay ni David at ang Kanyang trono ay mamamalagi magpakailanman. Ito ay tumumukoy kay Hesu Kristo lamang at wala ng iba.
Praktikal na Aplikasyon: Maaaring mainip tayo sa pagbabasa ng mga talaan ng angkan na gaya ng sa 1 Cronica ngunit ipinapaalala nito sa atin na kilala ng Diyos ang bawat isa sa Kanyang mga anak, na maging ang ating mga buhok sa ulo ay bilang Niyang lahat (Mateo 10:30). Maaari tayong makakuha ng kaaliwan sa katotohanan na maging sino man tayo at anuman ang ating ginagawa, ang mga iyon ay nasa isipan na ng Diyos mula pa sa walang hanggan. Kung tayo ay na kay Kristo, ang ating pangalan ay nakasulat na magpakailanman sa Aklat ng buhay ng Kordero (Pahayag 13:8).
Tapat ang Diyos sa Kanyang mga anak at tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Sa Aklat ng 1 Cronica, makikita natin ang katuparan ng pangako ng Diyos kay David ng gawin siyang hari sa buong Israel (1 Cronica 11:1-3). Nakatitiyak tayo na tutuparin din Niya ang Kanyang mga pangako sa atin. Ipinangako Niya ang pagpapala sa mga magsisisi at susunod sa Kanyang mga salita.
Nagdadala ang pagsunod ng pagpapala; hatol naman ang dala ng pagsuway. Ang Aklat ng 1 Cronica, gayundin ang Aklat ng 1 at 2 Samuel at 1 at 2 mga Hari ay mga salaysay ng paulit ulit na kasalanan, pagsisisi, pagpapatawad at pagpapanumbalik ng Diyos sa bansang Israel. Sa ganito ring paraan, nagtitiyaga ang Diyos sa atin at pinatatawad ang ating mga kasalanan kung lalapit tayo sa Kanya ng may tunay na pagsisisi (1 Juan 1:9). Inaaliw tayo ng katotohanan na pinakikinggan Niya ang ating mga dalangin ng kapighatian, pinatatawad ang ating mga kasalanan, pinapanumbalik ang ating relasyon sa Kanya at ibinabalik tayo sa landas ng kagalakan.

Thursday, 6 July 2017
Maiksing pagbubuod ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Bibliya.
Sa isang banda, ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Bibliya ay hindi natatapos at walang hanggan dahil itinala dito ang paglikha (hindi alam ang eksaktong panahon: Genesis 1:1-31) hanggang sa katapusan ng mga panahon (Mateo 28:20). Sa isang praktikal na pananaw, ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Bibliya na pinagkakasunduan ng mas nakararaming iskolar ay nagumpisa sa pagtawag ng Diyos kay Abram na pinalitan ng Diyos ang pangalan at ginawang Abraham (Genesis 17:4-6) noong taong 2166 B.C. at nagtapos sa pagsulat sa aklat ng Pahayag noong humigit kumulang A.D. 95. Bago ang pagsilang ni Abraham, nagsimula ang kasaysayan ng Bibliya sa aklat ng Genesis na naglalaman ng mayamang kasaysayan ng paglikha, nina Adan at Eba, ng pagbagsak ng tao sa kasalanan, ng mahabang talaan ng mga angkan, mga kuwento tungkol sa pagdurusa ng tao hanggang kay Noe at sa pandaigdigang baha (hindi rin alam kung anong taon eksaktong naganap) at marami pang iba.
Sa pagitan ng panahon ng pagsilang ni Abraham at sa pagsulat ni Apostol Juan sa aklat ng Pahayag, nakatulong ang kasaysayan ng tao upang matukoy kung kailan naganap ang maraming pangyayari sa Bibliya at kung kailan nabuhay ang mga tao na tinukoy sa Luma at Bagong Tipan. Halimbawa, tinatayang nabuhay si Moises noong humigit kumulang 1526 BC at napasok ni Josue ang Lupang Panagko noong humigit kumulang 1406 BC. Ang yugto ng kasaysayan kung kailan lumabas ang 10 Hukom ng Israel ay nagtapos noong 1052 BC, sa pagsisimula ng paghahari ni Haring Saul, ang panahon na posibleng matiyak ang eksaktong taon sa kasaysayan gaya ng sinasang-ayunan ng mas nakararaming iskolar ng Bibliya.
Si Haring Saul, ang kilalang haring si David – ang lahing pinanggalingan ng Panginoong Hesu Kristo - at ang matalinong haring si Solomon ang mga namuno sa nagkakaisang kaharian ng Israel. Noong 931 BC, pagkatapos ng paghahari ni Haring Solomon, nahati sa dalawa ang Israel, ang kaharian sa Hilaga at ang Kaharian sa Timog. Maraming hari ang namuno sa Hilagang Kaharian (tinawag ding Israel) at sa Timog (tinatawag ding Judah) hanggang sa bumagsak ang kaharian sa Hilaga noong 722 BC at bumagsak ang Jerusalem (ang kabisera ng kaharian sa Timog) noong 586 BC.
Nagtapos ang pagkakatapon ng Juda sa ibang bansa noong humigit kumulang 538 B.C. ng utusan si Ezra ni Haring Ciro ng Persia na bumalik sa Israel at itayo ang templo ng Diyos sa Jerusalem (Ezra 1). Naitatag na muli ng mga Hudyo ang bansang Israel mula sa taong ito hanggang noong humigit kumulang 432 BC, ng isulat ang huling aklat sa Lumang Tipan, ang Aklat ng Malakias. Ang mga sumunod ay yugto ng kasaysayan kung kailan ‘nanahimik’ ang Diyos sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan na tumagal ng humigit kumulang sa 430 taon.
Noong humigit kumulang 5 BC, isinilang sa Betlehem ang Tagapagligtas na si Hesu Kristo. Pagkatapos na mamatay si Herodes na Dakila noong 4 B.C., nagbalik si Hesus kasama ang kanyang mga magulang sa Nazaret, Galilea (Mateo 2:19-23). Walang naitala sa mga pangyayari sa buhay ni Hesus sa sumunod na dekada, hanggang sa nakita natin ang 12 taong gulang na si Hesus na pinahanga ang mga guro sa templo (Lukas 2:40-52). Inumpisahan ni Hesus ang Kanyang ministeryo sa publiko noong humigit kumulang AD 27, na nagumpisa sa pagbabawtismo sa Kanya ni Juan Bautista (Mateo 3:13-17). Nagtagal ang ministeryo ni Hesus sa loob ng humigit kumulang na tatlo at kalahating taon.
Noong AD 29-30, ginugol ni Hesus ang marami sa Kanyang panahon sa Judea sa pangangaral, pagtuturo, paggawa ng mga himala – kasama ang pagbuhay kay Lazaro mula sa mga patay – at nagpatuloy ang Kanyang paghahanda sa mga alagad hanggang 40 araw pagkatapos ng Kanyang kamatayan. Noong mga unang yugto ng 30 AD, pumasok Siya sa Jerusalem. Sa huling linggo ng Kanyang buhay, ipinagdiwang ni Hesus ang paskuwa kasama ang Kanyang mga alagad kung kailan Niya itinatag ang Huling Hapunan (Lukas 22:14-20) at ibinigay ang Kanyang mga huling salita ng pamamaalam. Sa huli, pinagtaksilan Siya ni Hudas, hinuli, nilitis, ipinako sa krus at nabuhay na mag-uli (Mateo 26:36–28:8). Kinumpleto ng nabuhay na mag-uling Kristo ang 40 araw ng pagmiministeryo na nagtapos sa Kanyang pag-akyat sa langit (Gawa 1:3-11; 1 Corinto 15:6-7).
Pagkatapos na ipako at muling mabuhay ng Panginoong Hesus, isinulat ng Kanyang mga alagad ang mga aklat ng Bagong Tipan. Ang mga unang aklat ng Bagong Tipan (Galacia at Santiago) ay maaaring naisulat noong AD 49, o dalawang dekada pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Nangangahulugan ito na ang mga orihinal na teksto ay isinulat ng mismong mga saksi na nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga naganap sa buhay ni Hesus. Ang huling aklat ng Bagong Tipan ay ang aklat ng Pahayag na sinulat ni Apostol Juan noong humigit kumulang AD 95.
Nasa ibaba ang pagkakasunod-sunod ng mga tala sa kasaysayan ng mga panguhahing kaganapan sa Bibliya kasama ang mga taon: Tandaan: Ang mga taon ay pagtataya lamang. Gayundin, ang mga taon para sa unang kasaysayan ng tao (bago si Abraham) ay ginawa ayon sa pananaw ng isang batang mundo.
4000 BC (?) — Paglikha sa mundo
2344 BC (?) — Si Noe at ang arko
2166 BC — Ang pagtawag kay Abram
2141 BC — Ang pagsilang ni Isaac
1526 BC —Ang pagsilang ni Moises
1446 BC — Ang paglabas ng mga Israelita mula sa Egipto
1406 BC —Ang pagpasok ng bansang Israel sa Lupang Pangako
1420 BC — Ang kamatayan ni Josue
1052 BC — Ang pagtatalaga kay Saul bilang Hari ng Israel
1011–971 BC — Ang paghahari ni Haring David
959 BC — Natapos ang Templo ni Solomon
931 BC — Ang pagkahati ng Kaharian
875–797 BC — Ang ministeryo nina Elias at Eliseo sa Israel
739–686 — Ang ministeryo ni Isaias sa Juda
722 BC — Ang pagbagsak ng kaharian sa Hilaga sa Asiria
586 BC — Ang pagbagsak ng kaharian sa Timog sa Babilonia
538–445 BC — Ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Israel pagkatapos ng pagkakatapon
515 BC — Natapos ang pagtatayo ng ikalawang templo
5 BC — Ang pagsilang ni Hesu Kristo
AD 26–30 — Ang ministeryo ni Kristo na nagtapos sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli
AD 34 — Ang pagtawag kay Saulo ng Tarso
AD 44–47 — Ang unang pagmimisyon ni Pablo
AD 49 — Ang konseho sa Jerusalem
AD 60 — Ang pagkabilanggo ni Pablo sa Roma
AD 95 — Ang pangitain ni Juan sa isla ng Patmos at pagsulat sa aklat ng Pahayag

Aklat ng 2 Mga Hari
Manunulat: Hindi pinangalanan kung sino ang sumulat ng Aklat ng 2 Mga Hari. Ayon sa nakaugalian, ang Propetang si Jeremiah ang manunulat ng mga aklat ng 1 at 2 Mga Hari.
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ng 2 Mga Hari, kasama ang 1 Mga Hari, ay naisulat sa pagitan ng 560 and 540 B.C.
Layunin ng Sulat: Ang Aklat ng 2 Mga Hari ay kasunod ng Aklat ng 1 Mga Hari. Ipinagpatuloy dito ang mga kwento ng mga hari sa nahating kaharian (Israel at Juda.) Ang Aklat ng 2 Mga Hari ay nagtapos sa huling pagbagsak at pagpapatapon sa mga mamamayan ng Israel at Juda sa Asiria at Babilonia.
Mga Susing Talata: 2 Mga Hari 17:7-8 "At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Diyos, na siyang nag-ahon sa kanila mula sa lupain ng Ehipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Ehipto, at sila'y natakot sa ibang mga diyos; At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa."
2 Mga Hari 22:1a-2 "Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlongpu't isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat; At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa."
2 Mga Hari 24:2 - At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Siria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta."
2 Mga Hari 8:19 "Gayon ma'y hindi giniba ng Panginoon ang Juda, dahil kay David na Kanyang lingkod gaya ng Kanyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man."
Maiksing pagbubuod: Ang Aklat ng Ikalawang Mga Hari ay naglalarawan ng pagbagsak ng nahating kaharian. Patuloy na binalaan ng mga propeta ang mga tao na ang paghuhukom ng Diyos ay nalalapit na, ngunit sila'y di nagsisipagsisi. Ang kaharian ng Israel ay paulit-ulit na pinamunuan ng mga masasamang hari, at kahit na may ilang mabubuting hari na namuno sa Juda, karamihan sa kanila ay inilayo ang mga tao sa pagsamba sa Diyos. Ang ilang mabubuting pinuno kasama sina Eliseo at iba pang propeta at hindi napigilan ang pagtanggi ng bansa. Ang Hilagang Kaharian ng Israel ay kalaunang nawasak ng mga Taga-Assyria , at matapos ang mahigit 136 taon, ang Katimugang Kaharian ng Juda ay nawasak naman ng Babilonia.
May tatlong mahahalagang paksa ang matatagpuan sa Aklat ng 2 Mga Hari. Una, ang hahatulan Panginoon ang Kanyang mga anak kung sila ay susuway at tatalikod sa Kanya. Ang kataksilan ng mga Israelita ay masasalamin sa kasamaan ng mga hari at nagresulta sa paggamit ng Diyos sa Kanyang matuwid na pagkapoot laban sa kanilang rebelyon. Ikalawa, ang mga salita ng mga tunay na mga propeta ng Diyos ay laging nagaganap. Dahil ang Panginoon ay tapat sa Kanyang mga Salita, gayon din ang mga salita ng Kanyang mga propeta. Ikatlo, ang Panginoon ay laging tapat. Kanyang inaalala ang Kanyang pangako kay David (2 Samuel 7:10-13) at, kahit pa hindi naging masunurin ang mga tao at ang mga masasamang hari na namuno sa kanila, hindi pinahintulutan ng Panginoon na magwakas ang angkan ni David.
Mga pagtukoy kay Kristo: Ginamit ni Hesus ang mga kwento ng balo sa Zarepta sa 1 Mga Hari at Naaman sa 2 Mga Hari upang ilarawan ang dakilang katotohanan ng kahabagan ng Diyos sa mga Hudyo na hindi karapat-dapat sa pagpapala ng Diyos - mga mahihirap, mahihina, mga inaapi, maniningil ng buwis, mga Samaritano at mga Hentil. Sa halimbawa ng mahirap na balo at ketongin, ipinakita ni Hesus na Siya ang Dakilang Manggagamot na nagbibigay lunas at tumutulong sa mga higit na nangangailangan ng Kanyang Banal at Dakilang pagpapala. Ito rin ang batayan sa hiwaga sa katawan ni Kristo, ang Kanyang Iglesya, na manggagaling mula sa iba't ibang antas ng lipunan, lalaki at babae, mahirap at mayaman, mga Hudyo at Hentil (Mga Taga-Efeso 3:1-6).
Marami sa himala ni Eliseo ang nagpapahiwatig sa mga magaganap sa panahon ni Hesus. Binuhay ni Eliseo ang anak ng isang babae mula sa Shunem (2 Mga Hari 4:34-35), ginamot si Naaman na may ketong (2 Mga Hari 5:1-19), at nagparami ng tinapay upang mapakain ang ilang daang tao (2 Mga Hari 4:42-44).
Praktikal na Aplikasyon: Galit ang Diyos sa kasalanan at hindi Niya ito pahihintulutang magpatuloy. Kung tayo ay sa Kanya, asahan natin na tayo ay Kanyang didisiplinahin dahil sa ating pagsuway. Itinutuwid ng mapagmahal na ama ang Kanyang mga anak para sa kanilang ikabubuti at upang patunayan na sila nga'y tunay na sa Kanya. Maaaring gumamit minsan ang Diyos ng mga hindi-mananampalataya upang ituwid ang Kanyang mga anak, at nagbibigay babala din sa atin bago ang Kanyang paghuhukom. Bilang mga Kristiyano, nasa atin ang Kanyang mga Salita upang gumabay at magbigay babala sa atin kung tayo ay naliligaw ng landas. Tulad ng mga propeta noon, ang Kanyang mga Salita ay mapagkakatiwalaan at laging nagsasabi ng katotohanan. Ang katapatan ng Diyos sa Kanyang mga anak ay hindi magbabago kailanman.
Ang mga kwento ng balo at ng ketongin ay mga halimbawa para sa atin sa pagdating ni Kristo. Gaya ng pagkaawa ni Eliseo sa mga tao mula sa pinakamababang antas ng lipunan, nararapat lamang na ating malugod na tanggapin ang lahat ng nabibilang kay Kristo sa ating iglesya. Ang Diyos ay hindi "nagtatangi ng tao" (Mga Gawa 10:34) at walang sinuman sa atin ang karapatdapat.

Subscribe to:
Posts (Atom)
The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.
The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...
-
Sagot: Nakakahabag ang mga taong nag-iisip na wakasan na ang kanilang mga sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Kung ikaw ang ...
-
Ang langit ay isang literal na lugar na inilarawan sa Bibliya. Ang salitang "langit" ay binanggit ng 276 beses sa Bagong Tipan...
-
Ang salitang ‘rapture’ o pagdagit sa mga mananampalataya ay hindi makikita sa Bibliya, gayunman ang konsepto ng ‘rapture’ ay malinaw ...