Saturday, 22 July 2017

Aklat ng 2 Cronica

Manunulat: Hindi tiyakang tinukoy kung sino ang manunulat ng aklat ng 2 Cronica. Ang tradisyunal na tinatanggap bilang manunulat ay si Ezra. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng 2 Cronica ay nasulat sa pagitan ng 450 at 425 B.C.

Layunin ng Sulat: Saklaw ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang parehong impormasyon na gaya ng sa 1 at 2 Samuel at 1 at 2 mga Hari. Pinagtutuunan ng pansin ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang gawain ng mga saserdote. Sa esensya, ang 1 at 2 Cronica ay pagtataya ng kasaysayang panrelihiyon ng bansang Israel.

Mga Susing Talata: 2 Cronica 2:1, - Ipinasiya ni Solomon na magtayo ng Templo para kay Yahweh at ng palasyo para sa hari"

2 Cronica 29:1-3, "Si Ezequias ay dalawampu't limang taon nang maging hari at dalawampu't siyam na taon siyang naghari. Sa Jerusalem siya nanirahan. Ang ina niya ay si Abia na anak ni Zacarias. Katulad ng kanyang nunong si David, gumawa siya ng kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh. Sa unang buwan pa lamang ng kanyang pamamahala, pinabuksan na niya ang mga pintuan ng Templo at ipinaayos ito."

2 Cronica 36:14, - Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, ang mga saserdote at ang mamamayan. Nakigaya sila sa nakaririmarim na gawain ng ibang bansa. Pati bahay ni Yahweh na itinalaga niya sa Jerusalem ay kaniyang itinakwil."

2 Cronica 36:23, "Ito ang pahayag ng Haring Ciro ng Persia: 'Ipinaubaya sa akin ni Yahweh, Diyos ng Kalangitan, ang lahat ng kaharian sa daigdig at inutusan niya akong magtayo para sa kanya ng templo sa Jerusalem ng Juda. Kaya, ang sinuman sa inyo na kabilang sa kanyang bayan ay pinahihintulutan kong pumunta sa Jerusalem. Samahan nawa siya ni Yahweh, ang kanyang Diyos."

Maiksing Pagbubuod: Itinala ng aklat ng 2 Cronica ang kasaysayan ng kaharian ng Judah, mula sa paghahari ni Solomon hanggang sa pagtatapos ng pagkatapon sa Babilonia. Nakalulungkot ang pagbagsak ng Judah, ngunit binigyang pansin ang mga taong nanguna sa pagpanibagong sigla sa espiritwal na buong sikap na hinimok ang mga Israelita na magbalik loob sa Diyos. Kaunti lamang ang banggit tungkol sa masasamang hari at sa mga kabiguan ng mabubuting hari; tanging mabubuting bagay lamang ang pinagtuunan ng pansin. Dahil ang 2 Cronica ay isinulat sa perspektibo ng mga saserdote, bihirang binabanggit ang kaharian ng Israel dahil sa kanilang maling pagsamba at pagtanggi na kilalanin ang templo sa Jerusalem. Nagtapos ang 2 Cronica sa lubusang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Gaya ng pagbanggit sa mga hari at templo sa Lumang Tipan, nakikita natin ang repleksyon ng tunay na Hari ng mga hari, si Hesu Kristo at ang templo ng Banal na Espiritu, ang Kanyang mga anak. Kahit na ang pinakamabuting hari ng Israel ay may pagkukulang na pareho sa makasalanang tao at namahala sa Israel ng may pagkukulang. Ngunit kung dumating ang Hari ng mga hari, itatatag Niya ang Kanyang trono upang mamahala sa buong mundo bilang karapatdapat na tagapagmana sa trono ni David. Sa panahong iyon lamang tayo magkakaroon ng perpektong hari na mamamahala ng may katwiran at kabanalan. 

Gayundin naman, ang dakilang templo na itinayo ni Solomon ay hindi idinisenyo upang magtagal ng panghabang panahaon. Sa loob lamang ng 150 taon pagkatapos na itayo, kailangan na itong kumpunihin ng mga susunod na henerasyon na tumalikod sa pagsamba sa mag diyus diyusan dahil sa pagkabulok ng mga materyales at pagkasira (2 mga Hari 12). Ngunit ang templo ng Banal na Espiritu - yaong mga binili ng dugo ni Kristo ay mabubuhay magpakailanman. Tayo na mga kay Kristo ay mga templo ng Diyos, na hindi ginawa ng tao kundi ng Diyos (Juan 1:12-13). Nananahan ang Espiritu sa atin at hindi na aalis pang muli at ihahatid tayo ng ligtas sa tahanan ng Diyos (Efeso 1:13; 4:30). Walang ibang templo sa lupa ang binigyan ng ganitong pangako. 

Praktikal na Aplikasyon: Iniimbitahan ang mambabasa ng aklat ng 2 Cronica na tayahin ang bawat henerasyon mula sa nakalipas at alamin kung bakit ang bawat isa sa mga henerasyon ay pinagpala dahil sa kanilang pagsunod at pinarusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ngunti kailangan din nating ikumpara ang naging kapalaran ng mga henerasyong iyon sa ating sariling henerasyon, sa pangkalahatan at sa indibidwal. Kung ang ating bansa o iglesya ay nakararanas ng kahirapan, para sa ating kapakinabangan na ikumpara ang ating paniniwala sa mga naging karanasan ng mga Israelita sa pamamahala ng iba't ibang hari. Kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan at hindi Niya iyon kinukunsiti. Kung may ititinuturo man sa atin ang aklat ng Cronca, ito ay ang katotohanan na nais ng Diyos na patawarin tayo at pagalingin ang sinumang mananalangin ng may pagsisisi at kapakumbabaan (1 Juan 1:9). 

Kung mayroon kang pribilehiyo na hingin ang anumang bagay sa Diyos, ano ang iyong hihingin? Ito ba ay ang kayamanan, perpektong kalusugan para sa iyo at sa iyong pamilya? O kapangyarihan sa buhay at kamatayan? Nakamamanghang isipin hindi ba? Ngunit mas nakamamangha na inialok ng Diyos ang mga bagay na ito kay Haring Solomon ngunit hindi pinili ni Solomon ang alinman sa mga bagay na ito. Ang hiningi niya ay karunungan at kaalaman upang magampanan niya ng maayos ang gawain na ipinagagawa sa Kanya ng Diyos. Itinuturo sa atin ng aklat ng 2 Cronica na binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng gawain na ating gagampanan at ang pinakamalaking pagpapala na ating mahihiling sa Diyos ay ang bigyan tayo ng kakayahan upang magampanan ang Kanyang layunin sa ating mga buhay. Kailangan natin ang "karunungang makalangit" (Santiago 3:17) upang malaman ang Kanyang kalooban gayundin naman upang magkaroon tayo ng pangunawa at malapit na kaugnayan sa Kanya na siyang magbibigay sa atin ng kakayahan upang maging gaya ni Kristo sa isip at sa gawa (Santiago 3:13). 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...