Ang Bawtismo ang isa sa dalawang ordinansa na itinatag ni Kristo upang ganapin ng Iglesya. Bago Siya umakyat sa langit, sinabi ni Hesus, “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” (Mateo 28:19-20). Tinukoy ni Hesus sa tagubiling ito ang responsibilidad ng iglesya - ang paggawa ng mga alagad at pagbawtismo sa mga magiging alagad. Nararapat na gawin ang bagay na ito sa lahat ng bansa “hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Kaya nga ang bawtismo ay mahalaga sapagkat ipinag-utos ito ni Hesu Kristo.
Ginagawa na ang Bawtismo noon pa mang katatatag pa lamang ang iglesya. Noong unang panahon, binabawtismuhan ng mga Hudyo ang mga gustong maging miyembro ng Judaismo bilang tanda ng paglilinis ng kanilang pagkatao. Ginamit ni Juan Bautista ang bawtismo bilang paghahanda sa ministeryo ng Panginoong Hesu Kristo. Hiningi niya sa bawat tao, hindi lamang sa mga Hentil, na magpabawtismo dahil ang lahat ay kinakailangang magsisi. Gayunman, ang bawtismo ni Juan na tanda ng pagsisisi, ay hindi katulad ng Kristiyanong bawtismo gaya ng makikita sa Aklat ng mga Gawa 18: 24-26 at 19:1-7. Mas malalim ang kahulugan at kahalagahan ng bawtismong Kristiyano.
Ang bawtismo ay kailangang isagawa sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu - ito ang dahilan kung bakit ito tinawag na bawtismong Kristiyano. Sa pamamagitan ng ordinansang ito, tinatanggap ang isang tao bilang miyembro ng isang iglesya. Nang maranasan natin ang kaligtasan, “nabawtismuhan tayo sa Espiritu” sa katawan ni Kristo Na siyang iglesya. Sinasabi sa 1 Corinto 12:13, “Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.” Ang bawtismo ay isang paglalarawan ng bawtismo sa Espiritu.
Ang bawtismong Kristiyano ang kasangkapan upang maipakita ng isang tao ang kapahayagan ng kanyang pananampalataya at pagiging alagad ni Kristo sa publiko. Sa tubig ng bawtismo, parang sinasabi ng isang tao sa mundo, “Ipinahahayag ko ang aking pananampalataya kay Kristo; nilinis ni Kristo ang aking kaluluwa mula sa kasalanan, at ako ngayo'y mamumuhay na para sa Kanya sa isang bagong buhay na may kabanalan.”
Inilalarawan ng bawtismong Kristiyano sa isang dramatikong pamamaraan, ang kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na muli ni Kristo. Sa parehong paraan, inilalarawan nito ang ating pagkamatay sa kasalanan ay ang ating bagong buhay kay Kristo. Nang ipahayag ng isang makasalanan na si Hesu Kristo ang kanyang Panginoon, namatay na siya sa kasalanan (Roma 6:11) at ibinangon sa isang bagong buhay (Colosas 2:12). Ang paglubog sa tubig ay naglalarawan ng pagkamatay ng tao sa kasalanan at ang pag-ahon sa tubig ay sumisimbolo sa isang nilinis at banal na buhay na resulta ng kaligtasan. Inilarawan ito sa Roma 6:4: “Samakatwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama'y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.”
“Sa isang simpleng paliwanag, ang bawtismo ay panlabas na patotoo ng panloob na pangyayari sa buhay ng isang mananampalataya. Ang bawtismong Kristiyano ay pagsunod sa utos ng Panginoon pagkatapos na maranasan ng isang tao ang kaligtasan; bagamat ang bawtismo ay karaniwang iniuugnay sa kaligtasan, hindi naman ito kinakailangan para maligtas ang isang tao. Ipinakita ng maraming beses sa Bibliya ang pagkakasunod sunod ng pangyayari. 1). Nanampalataya ang isang tao sa Panginoong Hesu Kristo, 2). Saka lang siya dapat bawtismuhan. Ang pagkakasunod na ito ay makikita sa Gawa 2:41, “At ang mga naniwala sa sinabi na Pablo ay nangagpabawtismo” (tingnan din ang Gawa 16:14-15).
Ang isang bagong mananampalataya ay dapat na magnais na pabawtismo sa lalong madaling panahon. Ibinahagi ni Felipe sa Gawa 8 ang “Mabuting Balita tungkol kay Hesus” sa isang Etiopeng Enuko at, “Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. “May tubig dito!” sabi ng eunuko. “Ako ba'y hindi pa maaaring bautismuhan?” (tatata 35-36). Agad na pinatigil nila ang karwahe at binawtismuhan ni Felipe ang lalaki.
Inilalarawan ng bawtismo ang pakikiisa ng mga mananampalataya sa kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na muli ni Kristo. Kahit saan man ipangaral ang Ebanghelyo, kailangang bawtismuhan ang lahat ng sasampalataya kay Kristo sapagkat ipinag-utos Niya ito.
https://www.gotquestions.org
John 3:16 For God so loved the world that He gave His only-begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life.
The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.
The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...
-
Sagot: Nakakahabag ang mga taong nag-iisip na wakasan na ang kanilang mga sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Kung ikaw ang ...
-
Ang langit ay isang literal na lugar na inilarawan sa Bibliya. Ang salitang "langit" ay binanggit ng 276 beses sa Bagong Tipan...
-
Ang salitang ‘rapture’ o pagdagit sa mga mananampalataya ay hindi makikita sa Bibliya, gayunman ang konsepto ng ‘rapture’ ay malinaw ...