Tuesday 6 February 2018

Kalayaan sa Pagpili

Kalayaan ng isang tao ang pumili ng mga bagay na naaayon sa kanyang kagustuhan. Tulad ng pagkain na gusto nyang kainin, damit na ibig nyang suotin, kurso na gusto nyang maging isang…. balang araw. Kahit sa pagpili ng pinunong ibig nyang mamuno sa kanyang bansa may kalayaan syang pumili dahil ito ay kanyang karapatan lalo na sa isang bansang demokrasya tulad ng Pilipinas. Hindi pinakikialaman ng Diyos ang malayang pagpili ng tao ayon sa kanyang kapasyahan.

Maging sa panahon ni Adan at Eba binigyan sila ng Diyos na kalayaang magpasya kung susunod sila o hindi sa unang kautusan ng Panginoon na huwag nilang kakainin ang bunga ng punong nagbibigay ng pagkakilala ng mabuti at masama. Subalit maaari nilang kainin ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan.

Punong kahoy ng buhay vs. punong nagbibigay ng pagkakilala ng mabuti at masama.

Genesis 2:8-9  At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang. At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabubuting kanin; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.

Eh anu naman kung piliin ni Adan at  Eba ang punong nagbibigay ng pagkakilala ng mabuti at masama?

Gen 2:16-17  At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:  Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.

Kamatayan pala ang kaparusahan sa oras na kainin ang punong nagbibigay ng pagkakilala ng mabuti at masama. Biglang umeksena ang dyablo o si Satanas na nag-anyong AHAS sa mag-asawa.

Gen 3:1-3  Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.
 Pag-aralan nating mabuti ang conversation ni Ahas at ni Eba.

Ahas (Satanas): (Kausap nya si Eba) Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?

Panginoong Dios: ( utos niya kay Adan at Eba) Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan.

Aha! Tini-trick  ni Ahas (Satanas) si Babae sa nakalilitong nyang tanong. Oo o hindi lamang ang dapat na isagot.

Eba: Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.

Ahas (Satanas): (Gen 3:4-5  At sinabi ng ahas sa babae), Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. 

Wow! Sinabi ni Ahas (Satanas) “Tunay na hindi kayo mamamatay…” samantalang sinabi naman ng Dios “….sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka…” Satan is a liar… liar and liar. 

Kaya pala ito ang bansag ni Jesus kay Ahas (Satanas) sa Juan 8:44  ….Pagka nagsasalita siya (Satanas) ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at sya ang ama ng kasinungalingan.

Upang makumbinsi nya ng  todo-todo itong si Eba. Dinagdagan ni Ahas (Satanas) ang pambobola.

Ahas (Satanas): Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
“….kayo'y magiging parang Dios… ito ang idinagdag ni Ahas (Satanas) na salita upang makumbinsi nya si Eba.

Ganito ang nangyari pagkatapos ng lahat.

Gen 3:6-7  At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi. 

Dumating na ang pagtutuos ng Panginoong Dios.

Gen 3:8-13  At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan. At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon? At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago. At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin? At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain. At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain. 

Ibinababa ng Panginoong Dios ang Kanyang hatol.

Gen 3:14-20  At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo. At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi. At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. 

Sila’y pinalayas sa Paraiso.

Gen 3:21-24  At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan. At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man: Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya. Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay. 

Pumasok ang kasalanan sa sanglibutan at ang kabayaran nito ay kamatayan.

Romans 5:12  Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:

Isang pribileheyo ang ibinigay ng Dios sa atin ang malayang makapamili sa mga bagay na gusto natin. At dalawa lamang ito. Masama at mabuti, pagpapala at sumpa, buhay at kamatayan, langit o impyerno.

Kaya may pagdurusa ang lahat ng tao dahil sa sumpang iginawad ng Dios sa unang mga magulang natin na sumuway sa kanyang mga utos kahit meron na itong babala ng sumpa ng kamatayan. Bakit pinili pa rin ito ni Eba at Adan? Nagpadaya kase sila sa ahas na si Satanas. Kaya mga mahal kong kaibigan sa bawat pagpili natin huwag tayong magpadaya o magpalinlang sa kaaway ng Dios. Nariyan ang Kanyang salita na magsisilbing gabay sa bawat kapasyahan natin.

Ngayon… nag-aalok ng libre ang ating Panginoong Dios… ito ay ang buhay na walang hanggan na minsang nawala sa atin nang dahil sa ating mga kasalanan at pagsuway sa Dios.  

Romans 6:23  Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Juan 15:13  Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Tayo na dating kaaway ng Dios naging kaibigan Niya dahil kay Kristo na nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin. Labis ang pag-ibig ng Dios Ama sa atin. Ito ang dahilan kung bakit ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak. Kailangan lamang  ang ating pananalig kay Jesus upang hindi natin maranasan ang parusa sa impyerno bagkus makamtan natin ang buhay na walang hanggan.
Tatanggapin mo ba sya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay…. Malaya kang makapagpapasaya kung ano ang iyong pipilliin ang buhay ba na walang hanggan o kamatayan na walang hanggan. Amen.

Akda ni Jovit D. Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...