Wednesday, 1 March 2017

Ihanda ang sarili sa pag-aasawa.


Ang paghahanda ng sarili sa pag-aasawa ayon sa itinuturo ng Bibliya ay katulad din ng paghahanda sa ano mang mga adhikain sa buhay. May tuntunin na dapat na gumagabay sa atin sa lahat ng aspeto ng ating buhay bilang mga mananampalataya. "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo" (Mateo 22:37). Hindi ito walang kabuluhang kautusan. Ito ang pamantayan ng ating buhay bilang mananampalataya. Ito ay pagpapasakop sa Diyos at sa kanyang Salita ng buong puso upang ang ating mga kaluluwa at pag-iisip ay mapuno ng mga bagay na nakalulugod sa Kanya.

Ang kaugnayan na mayroon tayo sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo ang siyang dahilan ng pagpapasakop natin sa kanyang mga utos. Ang kaugnayan ng mag-asawa sa isa't isa ay batay sa halimbawa ni Kristo at ng Kanyang iglesia (Efeso 5:22 -33). Ang bawat anggulo ng ating buhay ay pinamamahalaan ng ating pangako bilang manananampalataya na mamuhay ayon sa mga utos at patuntunan ng ating Panginoon. Ang ating pagsunod sa Diyos at sa Kanyang Salita ay nagbibigay sa atin ng lakas upang matupad ang mga tungkuling itinakda ng Diyos sa pag-aasawa. At ang tungkulin ng bawat mananampalataya na ipinanganak na muli ay luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng bagay (1 Corinto 10:31).

Ang mga hadlang sa isang mabisang buhay panalangin.


Walang duda na ang mga kasalanang hindi ipinapahayag sa Diyos ang isa sa mga hadlang sa isang mabisang buhay panalangin. Dahil ang ating Diyos ay banal, may hadlang na nakapagitan sa atin sa Kanya kung lumalapit tayo na may kasalanang itinatago sa ating buhay. "Ngunit ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan sa paglalayo ninyo" (Isaias 59:2). Sumang-ayon si David ayon sa kanyang karanasan na ang Diyos ay malayo sa mga taong nagtatangkang itago ang kanilang mga kasalanan: "Kung sa kasalanan ako'y magtutuloy, di ako diringgin nitong Panginoon" (Awit 66:18).



Tinukoy ng Bibliya ang ilang kasalanan na nagiging hadlang sa mabisang panalangin. Una, kung namumuhay tayo ayon sa laman sa halip na sa Espiritu, ang ating pagnanais na manalangin at ang ating pakikipagugnayan sa Diyos ay nahahadlangan. Kahit na tumanggap na tayo ng bagong kalikasan ng ipanganak tayong muli, ang bagong kalikasang ito ay nananahan pa rin sa ating makasalanang laman at ang "lumang toldang" ito ay marungis at makasalanan. Maaaring makontrol ng laman ang ating mga kilos, paguugali at motibo hanggat hindi tayo nagsisikap na "patayin sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman" (Roma 8:13) at pangunahan ng Espiritu sa isang tamang relasyon sa Diyos. Kung maganap ito, saka lamang tayo makapapanalangin ng may malapit na relasyon sa Kanya.

Ang labingdalawang disipulo ni Hesu Kristo.


Ang salitang "disipulo" ay nangangahulugan na pagiging "mag-aaral" o "taga sunod." Ang salitang "apostol" naman ay nangangahulugan na "isang isinugo." Habang nasa mundo si Hesus, ang Kanyang mga tagasunod ay tinawag na disipulo. Sumunod ang 12 disipulo sa Kanya, nag-aral sa Kanya ay sinanay Niya. Pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli at bago Siya umakyat sa langit isinugo ni Hesus ang Kanyang mga disipulo upang maging Kanyang mga saksi (Mateo 28:18-20; Gawa 1:8) Tinatawag sila noong 12 apostol. Gayunman kahit na noong nasa mundo pa si Hesus, ang salitang "disipulo" at "apostol" ay ginagamit na ng salitan. 

Ang mga pangalan ng orihinal na labingdalawang disipulo/apostol ay nakatala sa Mateo 10:2-4, "Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan; Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo." Itinala din sa Bibliya ang pangalan ng labindalawang apostol sa Markos 3:16-19 at Lukas 6:13-16. Kung ikukumpara ang tatlong teksto sa isa't isa, may kaunting pagkakaiba sa mga pangalan. Masasabing si Tadeo ay siya ring tinatawag na "Judas na anak ni Santiago" (Lukas 6:16) at Lebeos (Mateo 10:3). Si Simong makabayan naman ay tinatawag ding Simong Cananeo (Markos 3:18). Si Judas Iscariote na nagkanulo kay Hesus ay pinalitan ni Matias (tingnan ang Gawa 1:20-26). May mga iskolar ng Bibliya na itinuturing na walang bisa ang pagka-apostol ni Matias at naniniwala na si Pablo ang pinili ng Diyos upang ipalit kay Hudas bilang isa sa labindalawang apostol.

Ang buhay pagkatapos ng kamatayan.


“Ang buhay ng tao ay maikli at puno ng hirap. Natutuyong parang damo, namumukadkad na parang mga bulaklak na hindi nagtatagal, nalalanta at nalalagas. Ang buhay ay katulad din ng aninong lumilipas. Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa ba siya?” (Job 14:1, 2, 14)

Katulad ni Job, lahat tayo ay may ganitong katanungan. Ano nga ba talaga ang mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay? Mawawala ba tayo? Iisa lang ba ang patutunguhan ng tao o magkakaibang lugar? Mayroon ba talagang langit at impiyernoo ito'y kathang isip lamang?

Sinasabi sa Biblia na ang tao ay hindi lang mabubuhay ng pansamantala sa lupa kundi maaari pa silang magkaroon ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit. Ayon sa kasulatan, “Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihahanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya (1 Corinto 2:9).”

Dapat bang ipagtapat ang pangangalunya sa asawa?


Ang pagtatapat o hindi pagtatapat ng kasalanan ng pangangalunya sa isang asawa ay isang mahirap na desisyon para sa maraming Kristiyano na nagkaroon ng malungkot na karanasan ng pagbagsak sa kasalanan ng pangangalunya. 

Kalimitang sinasabi ng mga eksperto sa mundo na dapat na itikom na lamang ng mga nakaranas ng pangangalunya ang kanilang bibig upang maiwasan ang mas malalang problema kung ipagtatapat nila ang kanilang kasalanan sa kanilang asawa. Ang problema sa hakbang na ito ay pinipigilan nito ang konsensya at hinahadlangan ang pagpapanumbalik ng relasyon na bunga ng pagtatapat sa kabiyak. Sinasabi sa Santiago 5:16. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...