Noong dekada 70 pinasikat ni Freddie Aguilar ang kantang
“Anak” sa buong mundo. Naisalin ito sa iba’t ibang lengwahe. Hindi kayang
lumain ang klasikong awiting ito dahil sa lawak at lalim na hatid ng mensahe.
Sa simula ng awitin labis ang nadaramang kaligayan para sa mga magulang ang
pagdating ng kanilang supling. Inilarawan dito kung papaano pumupuno sa puso
nila ang kaligayahang dulot ng pagiging isang magulang sa kanilang anak.
Dumating ang panahon ng kanyang paglaki… nasadlak ang anak sa masamang bisyo. Sa
puso ng mga magulang ito ang pinakamabigat nilang nararamdaman ang makitang
napapariwara ang kanilang anak. Sa huling bahagi ng awitin napagtanto ng anak
ang kanyang mga pagkakamali. Nagsisi siya sa kanyang mga pagkukulang at mga nagawang kasalanan.
Isang mapait nga lang na katotohanan na kung kaylan gusto mo
nang magbago para sa mga taong
nagmamahal sa’yo huli na ang lahat. Nakaka-guilty ng konsensya. Kaya naman marami
talaga ang nakaka-relate sa awiting ito hanggang sa ngayon dahil ito ang
realidad ng buhay ng marami sa ating mga kabataan. Lalo na’t mas marami ang
nasisira ang buhay ng mga kabataan ngayon dahil sa droga.
Kahit hindi pa gaanong talamak ang droga noong panahong sumisikat
ang kantang ito. Sadyang nakakabahala na talaga ang ipinagbabawal na gamot. Noong
nasa elementarya pa lamang ako nagkaroon ng film showing sa mga kumunidad namin
ang pamahalaan tungkol sa masamang epektong dulot nito.
Dapat maisama sa programa ng gobyerno ang dissemination of information
campaign na akmang-akma sana, dahil ang bawa’t tao ngayon ay may hawak ng
gadget dahilan na mas madaling maihatid ang kampanya laban sa droga sa
pamamagitan ng internet.




