Ang paglikha ng pag-aasawa ay nakatala sa Genesis 2: 23-24: "At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking lamang: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa; at sila'y magiging isang laman." Nilikha ng Dios ang lalake at nilikha ang babae upang maging kaganapan niya. Ang pag-aasawa ay ang "sagot" ng Dios sa katotohanan na "Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa" (Genesis 2:18)
Ang salitang "katulong" na ginamit sa paglalarawan kay Eva sa Genesis 2:20 ay nangangahulugan - paligiran, ipagtanggol, tulungan o saklolohan." Si Eva ay nilikha upang maka-agapay ni Adam bilang kanyang "kahati," maging kanyang katulong at katuwang. Kapag ang isang babae at lalake ay nagpakasal, sila ay nagiging "isang laman." Ang kaisahang ito ay naipapahayag ng lubos sa pagkakaisa ng katawan sa sekswal na pagtatalik. Ang Bagong Tipan ay nagdagdag ng paalala patungkol sa kaisahang ito. "Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao." (Mateo 19:6)