Ang paglikha ng pag-aasawa ay nakatala sa Genesis 2: 23-24: "At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking lamang: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa; at sila'y magiging isang laman." Nilikha ng Dios ang lalake at nilikha ang babae upang maging kaganapan niya. Ang pag-aasawa ay ang "sagot" ng Dios sa katotohanan na "Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa" (Genesis 2:18)
Ang salitang "katulong" na ginamit sa paglalarawan kay Eva sa Genesis 2:20 ay nangangahulugan - paligiran, ipagtanggol, tulungan o saklolohan." Si Eva ay nilikha upang maka-agapay ni Adam bilang kanyang "kahati," maging kanyang katulong at katuwang. Kapag ang isang babae at lalake ay nagpakasal, sila ay nagiging "isang laman." Ang kaisahang ito ay naipapahayag ng lubos sa pagkakaisa ng katawan sa sekswal na pagtatalik. Ang Bagong Tipan ay nagdagdag ng paalala patungkol sa kaisahang ito. "Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao." (Mateo 19:6)
May mga ilang sulat si Apostol Pablo na tumutukoy sa pag-aasawa at paano pamamahalaan ng mga mananampalataya ang kaugnayang mag-asawa. Ang mga talata ay 1 Corinto kapitulo 7 at ang isa ay Efeso 5:22-33. Kapag sabay itong pinag-aralan, ang mga talatang ito ay naglalaan ng mga tuntunin mula sa Biblia na magbubuo ng balangkas sa isang kaugnayang mag-asawa na nakalulugod sa Dios.
Ang mga talata sa Efeso ay bukod-tanging malalim sa pagtukoy ng isang matagumpay na pagsasama ayon sa Biblia. "Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang babae ay pangulo ng kanyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan" (Efeso 5: 22-23). "Mga lalake, ibigin nyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kanyang sarili dahil sa kaniya" (Efeso 5: 25) "Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang mga sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibih sa kanyang sarili. Sapagka't walang sinoman na napoot kalian man sa kaniyang sariling katawan, kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia" (Efeso 5: 28-29). "Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman" (Efeso 5:31).
Kapag ang mag-asawang mananampalatayang lalake at babae ay itatatag ang mga tuntunin ng Dios, ang kalalabasan nito ay isang pag-aasawang ayon sa Biblia. Ang isang pag-aasawang nakabatay sa Biblia ay timbang na kung saan si Cristo ang pinuno ng lalake at babae. Ang pananaw sa pag-aasawa ng Biblia ay ang pagkakaisa sa pagitan ng dalawang tao na naglalarawan ng kaisahan ni Cristo at ng kanyang iglesia.
https://www.gotquestions.org/Tagalog/
https://www.gotquestions.org/Tagalog/