Monday, 27 February 2017

Ang Banal na Espiritu



Maraming mali ang pagkakilala sa Banal na Espiritu. Pinaniniwalaan ng ilan na ang Banal na Espiritu ay isa lamang misteryosong kapangyarihan. Ang iba naman ay naniniwalang ang Banal na Espiritu ay personal na kapangyarihan ng Diyos na ibinigay Niya sa mga tagasunod ni Kristo. Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Banal na Espiritu? Sinasabi ng Bibliya na ang Banal na Espiritu ay Diyos. Sinasabi din ng Bibliya na ang Banal na Espiritu ay isang persona na may pag-iisip, damdamin at kalooban.

Ang katotohanang ang Banal na Espiritu ay Diyos ay malinaw na makikita sa maraming mga talata ng Bibliya. Ilan sa mga ito ay ang aklat ng Mga Gawa 5:3-4. Sa talatang ito, sinaway ni Pedro si Ananias at tinanong kung bakit siya nagsinungaling sa Banal na Espiritu at sinabi niya rito “Hindi ka nagsinungaling sa tao kundi sa Diyos.” Ito'y isang malinaw na katuruan na ang pagsisinungaling sa Banal na Espiritu ay pagsisinungaling sa Diyos. Malalaman din natin na ang Banal na Espiritu ay Diyos dahil mayroon din Siyang mga katangian na taglay din ng Diyos, kagaya halimbawa ng katotohanang ang Banal na Espiritu ay nasa lahat ng lugar sa lahat ng panahon at ito ay makikita sa Awit 139:7-8, “Saan man ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa Banal Mong Espiritu’y hindi ako makaiwas. Kung langit ang puntahan ko, pihong Ikaw ay naroroon, sa sheol ay naroon Ka kung do’n ako manganganlong.” Sa 1 Corinto 2:10, makikita rin natin na alam ng Banal na Espiritu ang lahat ng mga bagay. “Subalit ito'y inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos. Walang nakakaalam sa iniisip ng tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayon din naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos kundi ang Espiritu ng Diyos.”
Nalalaman natin na ang Banal na Espiritu ay isa ring persona dahil mayroon Siyang pag-iisip, damdamin at kalooban. Ang Banal na Espiritu ay nag-iisip at nakauunawa (1 Corinto 2:10). Ang Banal na Espiritu ay nagdadalamhati (Efeso 4:30). Ang Espiritu ay nananalangin para sa atin (Roma 8:26-27). Ang Banal na Espiritu ay gumagawa ng desisyon na naaayon sa Kanyang kalooban (1 Corinto 12:7-11). 

Ang Banal na Espiritu ay Diyos, ang ikatlong persona sa Trinidad. Bilang Diyos, kayang gampanan ng Banal na Espiritu ang tungkulin bilang tagapangalaga at tagapayo na ipinangako din ni Hesus na gagawin Niya para sa atin (Juan 14:16, 26; 15:26).

https://www.gotquestions.org/Tagalog/

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...