Monday, 18 September 2017

Aklat ni Nehemias

Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat ng Aklat ni Nehemias ngunit tinatanggap ng mga Hudyo at Kristiyano na si Ezra ang manunulat. Ito ay dahil sa katotohanan na ang Aklat ni Ezra at ang Nehemias ay iisang aklat. 

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng Nehemias ay nasulat sa pagitan ng 445 at 420 B.C.

Layunin ng Sulat: Ipinagpatuloy ng Aklat ni Nehemias, isa sa mga aklat ng kasaysayan ng Bibliya ang kuwento ng pagbabalik ng Israel mula sa pagkabihag sa Babilonia at ang muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem. 

Mga Susing Talata: Nehemias 1:3, - Ito ang sagot nila sa akin: "Kahabag-habag ang mga iyon at nililibak pa ng mga Hentil na nakatira doon." Sinabi nila na giba pa ang muog ng Jerusalem at ang mga pintuan ng lunsod ay hindi pa nagagawa mula nang iyo'y sunugin."

Nehemias 1:11, "O Yahweh, dinggin ninyo ang dalangin namin, kaming inyong lingkod na nagnanais magparangal sa inyo. Papagtagumpayin po ninyo ang aking lakad ngayon at loobin po ninyong kahabagan ako ng hari."

Nehemias 6:15-16, - Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang muog noong ika-25 araw ng buwan ng Elul. Humanga ang aming mga kaaway at ang mga bansa sa palibut-libot nang mabalitaan ang aming ginawa. Naniwala silang ito'y natapos sa tulong ng Diyos."

Maiksing pagbubuod: Si Nehemias ay nasa Persia ng dumating sa kanya ang balita na muling itatayo ang templo sa Jerusalem. Nagalala siya dahil alam niya na walang pader na nagpoprotekta sa siyudad. Nanalangin si Nehemias na gamitin siya ng Diyos upang iligtas ang siyudad laban sa mga kaaway. Pinakinggan ng Diyos ang kanyang dalangin ng palambutin ng Diyos ang puso ni Artaxerxes, ang hari ng Persia at hindi lamang siya pinahintulutan nito sa kanyang plano kundi ibinigay pa ang mga kagamitan na kinakailangan para sa proyeckto. Bingiyan si Nehemias ng pahintulot ng hari na bumalik sa Jerusalem kung saan ginawa siya doong tagapamahala.

Sa kabila ng lahat ng oposisyon at akusasyon, naitayo ang pader at tumahimik ang kanilang mga kaaway. Dahil kay Nehemias, nagbigay ang mga tao ng kanilang mga ikapu, kagamitan at ipinagkaloob ang kanilang lakas upang makumpleto ang pader ng Jerusalem sa kahanga hangang bilis, sa loob lamang ng 52 araw. Ang pagkakaisang ito ng mga Israelita ay hindi nagtagal, at dahil muling tumalikod ang Jerusalem sa Diyos, umalis siya doon pansamantala. Pagkatapos ng 12 taon, nagbalik siya at natagpuan na nakatayong matibay ang pader ngunit mahina ang espiritwalidad ng mga tao. Sinimulan niya ang pagtuturo sa mga tao tungkol sa moralidad at hindi siya nagalinlangan sa kanyang mga sasabihin. "Nakipagtalo ako sa kanila, at sa galit ko'y sinabunutan ko sila. Pinapanumpa ko sila sa ngalan ng Diyos na ang kanilang mga anak na lalaki at babae'y di mag-aasawa sa mga dayuhan - (13:25). Muli niyang itinatag ang tunay na pagsamba sa pamamagitan ng pananalangin at pangunguna sa mga tao sa pagpapanibagong sigla sa panananampalataya sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsunod sa Salita ng Diyos. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Si Nehemias ay isang lalaki ng panalangin at nanalangin siya ng buong sigasig para sa kanyang mga kababayan (Nehemias 1). Ang kanyang maningas na pamamagitan para sa bayan ng Diyos ang naglalarawan sa ating dakilang Tagapamagitan na si Hesu Kristo, na nanalangin ng buong taimitm, para sa kanyang iglesya sa kanyang panalangin tulad sa isang mataas na saserdote sa Juan 17. Si Nehemias at Hesus ay parehong may nagniningas na pag-ibig para sa bayan ng Diyos na kanilang ibinuhos sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila sa harap ng trono ng Diyos.

Praktikal na Aplikasyon: Pinangunahan ni Nehemias ang mga Israelita sa muling paggalang at pagibig sa Kasulatan. Dahil sa kanyang pag-ibig sa Diyos at pagnanais na makita na maluwalhati at maparangalan ang Diyos, pinangunahan ni Nehemias ang mga Israelita sa pagpapanumbalik ng kanilang pananampalataya at pag-big sa Diyos na ninananais sa kanila ng Diyos sa mahabang pananahon. Sa ganito ring paraan, dapat na ibigin at igalang ng mga Kristiyano ang mga katotohan ng Salita ng Diyos, sauluhin ang mga talata sa Bibliya, pagbulay-bulayan ito araw at gabi, at konsultahin ito para sa lahat ng kanilang pangangailangang espiritwal. Sinasabi sa atin ng 2 Timoteo 3:16 "Lahat ng kasulata'y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay." Kung nais nating maranasan ang pagpapanibagong sigla sa pananampalataya gaya ng naranasan ng mga Israelita (Nehemias 8:1-8), dapat tayong magumpisa sa Salita ng Diyos. 

Dapat na magkaroon ang bawat isa sa atin ng tunay na kahabagan para sa mga may dinaramdam sa pisikal at sa espirtiwal. Ang taong nagpapakita ng kahabagan ngunit walang ginagawa upang tumulong ay hindi sinasang-ayunan ng Bibliya. May mga panahon na kailangan nating isuko ang ating sariling kasiyahan upang makapagministeryo tayo ng maayos para sa iba. Dapat tayong maniwala ng buong puso sa isang simulain bago tayo magkaloob ng tulong pananalapi, oras at may tamang puso. Kung hahayaan natin ang Banal na Espiritu na magministeryo sa atin, malalaman maging ng mga hindi mananampalataya na ang ating ginagawa ay para sa Diyos. 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...