Tuesday 26 September 2017

Ang apat na katotohanang espiritwal.

Ang apat na tuntuning espiritwal ay isang paraan ng pagbabahagi ng kaligtasan patungkol kay Hesu Kristo. Simpleng buod ito ng apat na mahahalagang tuntunin sa Biblia kung paano maliligtas ang tao.

Ang unang tuntunin ay mahal ka ng Diyos at kahanga-hanga ang Kanyang plano sa iyong buhay. Sinasabi sa Juan 3:16, “Sapagkat mahal na maGhal ng Diyos ang mundo, kaya ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang dahilan kung bakit naparito si Hesus sa mundo ay mababasa natin sa Juan 10:10, “Naparito ako upang magkaroon sila ng buhay - isang buhay na ganap at kasiya-siya.” Ano kaya ang nagiging hadlang para makamit natin ang pagmamahal ng Diyos? At ano rin ang hadlang para magkaroon tayo ng buhay na ganap at kasiya-siya?

Ang ikalawang tuntunin ay nahiwalay ang tao sa Diyos dahil sa kasalanan. Dahil dito hindi natin alam ang kahanga-hangang plano ng Diyos sa ating buhay. Pinatunayan ito sa Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Diyos.” At ayon sa Roma 6:23, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Nilikha tayo ng Diyos upang magkaroon ng magandang relasyon sa Kanya. Ngunit dahil sa kasalanan natin, nahiwalay tayo sa Diyos at nasira ang ating magandang relasyon sa kanya. Ano kaya ngayon ang dapat nating gawin para manumbalik ang ating magandang relasyon sa Diyos?

Ang pangatlong tuntunin ay si Kristo ang tanging solusyon ng Diyos para sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ni Hesu Kristo ay maaaring mapatawad ang ating mga kasalanan at ibalik na muli ang ating relasyon sa Diyos. Sinasabi sa Roma 5:8, “Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayo'y makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.” Sinabi rin sa 1 Corinto 15:3-4 na kailangan nating sumampalataya at maniwala na “si Kristo'y namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, gaya ng nasasaad sa Kasulatan, inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw.” Mismong si Hesus ang nagsabing siya lamang ang daan para maligtas ang tao (Juan 14:6), “Ako ang daan, ang tuntunin, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Paano ko matatanggap ang kahanga-hangang biyayang ito?

Ang pang-apat na tuntunin ay, kailangang sumampalataya tayo kay Hesu Kristo at kilalanin Siya bilang ating Tagapagligtas upang matanggap natin ang kaligtasang kaloob ng Diyos at malaman ang kahanga-hangang plano ng Diyos sa ating buhay. Ayon sa 1 Juan 1:12, “Ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” Malinaw ding sinabi sa Mga Gawa 16:31, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka!” Biyaya lamang ng Diyos ang makapagliligtas sa atin, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo (Efeso 2:8-9).

Kung nais mong sumampalataya kay Hesus bilang iyong sariling Tagapagligtas, narito ang panalanging maaari mong ipanalangin. Tandaan mo lamang na hindi makapagliligtas sa iyo ang panalanging ito. Tanging ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa iyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ito'y isang gabay lamang upang maipaabot mo ang iyong pasasalamat at pananampalataya kay Kristo. “O Diyos, inaamin kong nagkasala ako laban sa iyo at nararapat lamang na parusahan. Ngunit inako ni Hesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusang dapat sana ay sa akin, upang sa aking pagsampalataya sa kanya ay mapatawad mo ako. Tinatalikuran ko ang aking mga kasalanan at nagtitiwala ako ngayon kay Hesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. At salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen.”

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...