Saturday 30 September 2017

Ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdurusa.

Sa lahat ng hamon na ibinabato sa Kristiyanismo sa makabagong panahon, maaaring ang pinakamahirap na ipaliwanag ay ang problema ng pagdurusa ng mga Kristiyano. Paanong ang Diyos ng pag-ibig ay pinapayagan ang pagdurusa sa mundo ng Kanyang mga nilikha? Para sa mga taong nagdaranas ng malaking kahirapan, hindi lamang ito isang usaping pampilosopiya kundi isang personal at malalim na isyung emosyonal din naman. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa isyung ito? Binibigyan ba tayo ng Bibliya ng halimbawa ng pagdurusa at ng mga katuruan kung paano natin haharapin ang mga ito? 

Napaka-makatotohanan ng Bibliya pagdating sa usapin ng paghihirap at pagdurusa. Inilaan sa Bibliya ang isang buong aklat upang tugunan ang isyung ito. Ang aklat na ito ay tungkol sa isang tao na nagngangalang Job. Nagsimula ang aklat sa isang eksena sa langit na nagbibigay sa mambabasa ng senaryo ng pagdurusa ni Job. Nagdusa si Job dahil nakipagtuos ang Diyos kay Satanas tungkol sa kanyang pananampalataya. Sa abot ng ating kaalaman, lihim ito kay Job at sa kanyang mga kaibigan. Kaya nga hindi nakakapagtaka na lahat sila ay nagaapuhap ng paliwanag sa pagdurusa ni Job dahilan sa kanilang kawalang malay sa papel ng Diyos sa pagdurusa ni Job. Hanggang sa kumuha ng lakas si Job sa katapatan ng Diyos at sa pag-asa para sa kanyang katubusan. Hindi nauunawaan maging ng mga kabigan ni Job ng panahong iyon ang dahilan ng kanyang pagdurusa. Sa katotohanan, ng kumprontahin ng Diyos si Job sa bandang huli, nanahimik si Job. Ang katahimikan ni Job ay hindi nagpagaan sa kanyang nararanasang sakit at kabiguan na matiyaga niyang pinagtiisan. Sa halip, binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pagtitiwala sa plano ng Diyos sa gitna ng pagdurusa, kahit na hindi natin alam kung ano ang Kanyang mga layunin sa likod niyon. Ang pagdurusa, gaya ng iba pang karanasan ng tao, ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng makapangyarihang Diyos. Sa huli, natutunan natin na maaaring hindi natin nauunawaan ang partikular na dahilan ng ating pagdurusa, ngunit dapat tayong magtiwala sa ating makapangyarihang Diyos. Ito ang tunay na sagot sa pagdurusa. 

Ang isa pang halimbawa ng pagdurusa sa Bibliya ay ang kuwento ni Jose sa aklat ng Genesis. Ipinagbili si Jose sa Egipto ng kanya mismong mga kapatid bilang isang alipin. Sa Egipto, nadiin siya sa isang kasalanang hindi niya ginawa at siya’y ibinilanggo. Dahil sa pagdurusa at pagtitis ni Jose, sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos, itinaas si Jose sa tungkulin bilang gobernador ng buong Egipto. Natagpuan niya ang sarili sa isang posisyon na may kakayahang iligtas ang mga bansa sa mundo sa panahon ng tag-gutom, kasama ang kanyang sariling pamilya at mga kapatid na naging dahilan sa kanyang pagiging alipin! Ang mensahe ng kuwento ay makikita sa mga pananalita ni Jose sa kanyang mga kapatid sa Genesis 50:19-21: “"Huwag kayong matakot, hindi ko kayo paghihigantihan! Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami. Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak." Pagkarinig nito, napanatag ang kanilang kalooban.”

Naglalaman din ang Roma 8:28 ng mga pananalitang nagpapalakas ng loob sa mga dumaranas ng kahirapan at pagdurusa, “Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti.” Sa Kanyang probidensya, kontrolado ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa ating buhay – maging ang mga pagdurusa, tukso at kasalanan – upang ganapin ang Kanyang layunin para sa ating kapakinabangan. 

Ang mangaawit na si David ay nakaranas ng maraming pagdurusa sa kanyang buhay at ito ay masasalamin sa kanyang maraming tula na kinolekta sa aklat ng mga Awit. Sa Awit 22, makikita natin ang pagdurusa ni David, “O Diyos ko! O Diyos ko! Bakit ako binayaan? masidhi ang pagtaghoy ko upang ako ay tulungan, ngunit hindi dumarating ang saklolong hinihintay. Araw-gabi'y dumaraing, tumatawag ako, O Diyos, hindi ako mapanatag, di ka pa rin sumasagot. Ikaw yaong pinutungang tanging Banal, walang iba, dinakila ng Israel, pinupuri sa tuwina; Sa iyo ang lahi nami'y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas mo nga sila. Noong sila ay tumawag, ang panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman napahiya. Tila ako'y isang uod at hindi na isang tao, kung makita'y inuuyam, nagtatawa kahit sino; Bawat taong makakita'y umiiling, nanunukso, palibak na nagtatawa't sinasabi ang ganito: "Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?”

Nanatiling isang misteryo para kay David kung bakit hindi tumugon ang Diyos at tinuldukan ang kanyang mga sakit at pagdurusa. Nakita niya ang Diyos bilang ang “banal” sa Kanyang trono, ang kapurihan ng Israel. Tumatahan ang Diyos sa langit kung saan naroon ang lahat na mabuti, kung saan wala ng luha o takot, gutom o pagkagalit. Ano ang hindi alam ng Diyos sa mga dinaranas ng tao? Nagpatuloy si David sa pagrereklamo: “Para akong nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay ko at paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan ko, sa masid ay mabibilang, minamasdan nila ako niyong tinging may pag-uyam. Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran.”

Sinagot ba ng Diyos si David? Oo, pagkaraan ng maraming siglo, tinanggap ni David ang kasagutan. May isang libong taon ang lumipas, isang taong nagmula sa lahi ni David na nagngangalang Hesus ang pinatay sa isang burol na tinatawag na bundok ng Kalbaryo. Doon sa krus, dinanas ni Hesus ang kahihiyan at pagdurusa ng Kanyang ninuno. Ipinako ang mga paa at kamay ni Kristo. Pinaghati-hatian ng Kanyang mga kaaway ang Kanyang damit. Tinitigan at tinuya Siya ng mga tao. Binigkas ni Hesus ang mga pananalitang inusal din ni David sa aklat ng mga Awit: “O Diyos ko! O Diyos ko! Bakit ako binayaan” kaya nga nakigaya Siya sa mga paghihirap ni David. 

Si Kristo ang walang hanggang Anak ng Diyos kung kanino nananahan ang kaDiyosan ng Diyos, ay namuhay sa mundo bilang isang tao at nagtiis ng uhaw, gutom, tukso, kahihiyan, paguusig, kahubaran, pagdadalamhati, pagtatwa, panunuya, kawalang katarungan at kamatayan. Kaya nga dinanas din Niya ang naranasan ni Job, “Ngunit sa aming dalawa'y walang mamagitan, upang kami'y paglapitin, iwaksi ang pag-aaway” (Job 9:33).

Ang paniniwala ng Kristiyanismo sa Diyos, sa katotohanan ang tanging pananaw na makasasagot sa problema ng kasamaan at pagdurusa sa mundo. Naglilingkod ang mga Kristiyano sa isang Diyos na nabuhay dito sa mundo na dumanas din ng masasakit na karanasan, ng tukso, pagpapahirap, uhaw, gutom, paguusig, at maging ng parusang kamatayan. Kung tatanungin kung paano ang Diyos nagmamalasakit sa taong dumaranas ng kasamaan at pagdurusa, ituturo ng Kristiyanismo ang krus at sasabihin “ganyan kalaki.” Naranasan ni Kristo ang pagtatwa ng Diyos at Kanyang sinabi “O Diyos ko! O Diyos ko! Bakit ako binayaan?” Naranasan Niya ang parehong pagdurusa na nararanasan ng lahat tao na nakakaramdam ng pagkahiwalay sa biyaya at pag-ibig ng Diyos.

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...