Monday 25 September 2017

Aklat ni Esther

Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa Aklat ni Esther kung sino ang manunulat. Ang pinakapopular na manunulat ayon sa tradisyon ay si Mardoqueo (isang pangunahing karakter sa aklat), si Ezra at si Nehemias (na pamilyar sa mga kaugalian ng Persia). 

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Esther ay isinulat sa pagitan ng 460 - 350 B. C.

Layunin ng Sulat: Ang layunin ng Aklat ni Esther ay upang ipakita ang probidensya ng Diyos, lalo"t higit sa Kanyang bayang hinirang, ang Israel. Itinala ng Aklat ni Esther ang pagtatatag ng pista ng Purim at ang obligasyon ng mga Israelita na ipagdiwang ito sa habang panahon. Ang akalat ng Esther ay binabasa tuwing pista ng Purim upang gunitain ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Esther. Binabasa pa rin ito ng mga Hudyo hanggang ngayon tuwing pista ng Purim. 

Mga Susing Talata: Esther 2:15 - "Dumating ang araw ng pagharap ni Ester sa hari. Wala siyang hiniling maliban sa sinabi sa kanya ni Hegeo. At nabighani niya ang lahat ng nakakita sa kanya."

Esther 4:14 - "Pag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga Judio ngunit ikaw at ang iyong angkan ay malilipol. Ano'ng malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon?"

Esther 6:12 - "Pagkatapos ng parada, si Mardoqueo'y nagbalik sa pintuan ng palasyo. Nagmamadali namang umuwi si Haman, nanangis at nakatalukbong dahil sa hiya at sama ng loob."

Esther 7:3 - Sumagot si Reyna Ester, "Kung nakalulugod ako sa inyo, Mahal na Hari, at kung inyong mamarapatin ay iligtas ako at ang aking lahi."

Maiksing pagbubuod: Maaaring hatiin ang Aklat ni Esther sa tatlong pangunahing bahagi. Kabanata 1:1-2:18 - Pinalitan ni Esther si Reyna Vasthi; 2:19-7:10 - Natalo ni Mardoqueo si Haman; 8:1-10:3 "Naligtas ang mga Israelita sa plano ni Haman na paglipol sa kanila. Alam ni Esther na nanganganib ang kanyang sariling buhay dahil sa kanyang ginawang paglapit sa hari ng walang pahintulot. Kusang loob niyang itinaya ang kanyang buhay upang pigilin ang masamang balak ni Haman, ang kanang kamay ng kanyang asawang hari. Pinatunayan niya na siya ay isang matalinong kalaban ni Haman habang nananatiling mapagpakumbaba at magalang sa posisyon ng kanyang asawang hari. 

Gaya ng kuwento ni Jose sa Genesis 41:34-37, ang dalawang kuwento ay kinasasangkutan ng dalawang dayuhang hari na komokontrol sa hinaharap ng mga Hudyo. Parehong itinala ng dalawang kuwento ang pagiging bayani ng indibidwal na Israelita na ginamit ng Dios upang iligtas ang Kanyang sariling bayan. Makikita sa dalawang kuwento ang pagkilos ng Diyos, at ang Kanyang kapamahalaan maging sa mga pangit na sitwasyon at ang Kanyang magandang layunin sa Kanyang mga anak. Nasa sentro ng kuwento ang alitan sa pagitan ng mga Hudyo at mga Amalekita na nagsimula sa aklat ng Exodo. Ang plano ni Haman ang huling pagtatangka sa Lumang Tipan na lipulin ang lahing Hudyo. Sa huli, ang kanyang plano ay nagtapos sa kanyang sariling kapahamakan at sa pagtataas kay Mardoqueo sa posisyon at sa kaligtasan ng mga Hudyo.

Pangunahing tema sa aklat ang mga pista. May sampung pista ang naitala sa aklat at marami sa mga pangyayari ang pinlano at nabuko sa mga pistang ito. Kahit na hindi nabanggit ang pangalan ng Diyos sa aklat, malinaw na sumamba ang mga Hudyo sa Susa ng sila'y humingi ng tulong sa Diyos at nanalangin at nagayuno sa loob ng tatlong araw (Esther 4:16). Kahit na naisabatas na sa buong Medes at Persia ang paglipol sa mga Hudyo, at dahil dito, sa pananaw ng tao ay hindi na ito mababago, dininig ng Diyos ang kanilang panalangin. Isinapanganib ni Esther ang kanyang buhay ng humarap siya sa hari ng dalawang beses ng hindi ipinatatawag (Esther 4:1-2; 8:3). Hindi niya nais na mamatay si Haman; ang kanyang talagang nais ay iligtas ang kanyang mga kababayan. Ang pagtatatag ng pista ng Purim ay iniingatan at ginugunita upang ipagdiwang ng lahat ng Hudyo hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ng bayang hinirang, kahit na walang direktang pagbanggit sa Kanyang pangalan sa aklat ang Siyang nagligtas sa mga Israelita sa pamamagitan ng karunungan at kapakumbababaan ni Esther. 

Mga pagtukoy kay Kristo: Sa Esther, binigyan tayo ng larawan ng pagsisikap ni Satanas na hadlangan ang plano ng Diyos lalo"t higit ang kanyang paghadlang laban sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas. Angf paglabas ng Tagapagligtas mula sa lahi ng mga tao ay nakasalalay sa pananatili ng lahi ng mga Hudyo. Gaya ng plano ni Haman na lipulin ang mga Hudyo, Si Satanas din naman ay nagsisikap na labanan si Kristo at ang mga anak ng Diyos. Ngunit gaya ng pagkamatay ni Haman sa kanyang ipinagawang bitayan na para sana kay Mardoqueo, ginamit din ni Hesus ang mismong sandata ng kaaway upang talunin ito. Sa mismong krus, pinlano ni Satanas na patayin ang Mesiyas, ngunit doon din naman ni Hesus "pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, pati mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay." (Colosas 2:14-15). Gaya ni Haman na binitay sa bitayan na siya mismo ang nagpagawa, gayundin naman ang diyablo ay pinuksa ng krus na siya mismo ang nagtayo.

Praktikal na Aplikasyon: Ipinakikita sa Aklat ni Esther ang desisyon na ating pinipili o kung ang mga pangyayari ba sa ating buhay ay dahil sa pagkilos ng Diyos o dahil sa nagkatapon lamang. May ganap na kapamahalaan ang Diyos sa buong sansinukob at matitiyak natin na hindi maaring baguhin ng masasamang tao ang Kanyang plano at layunin. Kahit na hindi nabanggit ang Diyos sa aklat, ang Kanyang pagiingat sa kanyang mga anak, maging sa indibidwal at sa buong bansa ay malinaw na nahayag. Halimbawa, makikita natin ang pagimpluwensya ng Diyos kay Haring Ashuero sa panahon ng pagkakasakit niya ng insomnia. Sa pamamagitan ng halimbawa ni Esther at Mardoqueo, ang tahimik na pag-ibig ng ating Ama ay ipinakikita sa ating mga espiritu sa aklat na ito. 

Si Esther ay isang babaeng makadiyos at handa sa pagtuturo na makikita sa kanyang lakas ng loob at kusang loob na pagsunod. Ang kanyang kapakumbabaan ay kakaiba sa lahat at ito ang dahilan upang itaas siya sa posisiyon ng pagiging reyna. Ipinakita niya na ang pananatiling magalang at mapagpakumbaba kahit sa panahon na mahirap itong gawin ang siyang nagiging susi upang maging daluyan ng hindi masukat na pagpapala hindi lamang para sa sarili kundi para din naman sa iba. Nararapat natin siyang gawing halimbawa sa ating pamumuhay Kristiyano sa lahat ng bahagi ng ating buhay, lalo na sa panahon ng pagsubok. Walang nabanggit aklat tungkol sa kanyang pagrereklamo o anumang masamang paguugali. Maraming beses nating mababasa na "kinagiliwan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya". Ang ganitong pagtrato sa kanya ng mga tao ang nagligtas sa kanyang mga kababayan sa bandang huli. Makakamtan din natin ang ganitong uri pagtrato ng tao sa ating paligid habang tinatanggap natin ng postitibo ang ginagawang masama ng ibang tao sa atin at nananatili tayong mapagpakumbaba at determinado sa ating pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng pagkakataon. Gaya ng sinabi ni Mardoqueo kay Esther, "Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon." 

https://www.gotquestions.org


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...