Wednesday 10 January 2018

Aklat ni Jonas

Manunulat: Ang Jonas 1:1 ay nagpapakilala kay Propeta Jonas bilang manunulat ng Aklat ni Jonas.

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Jonas ay maaaring isinulat sa pagitan ng 793 at 758 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang pagsuway at pagbabalik loob sa Diyos ang mga susing paksa sa aklat na ito. Ang karanasan ni Jonas sa loob ng tiyan ng balyena ay nagbigay sa kanya ng kakaibang pagkakataon na humingi ng isang natatanging pagliligtas, habang siya'y nagsisisi sa isang kakaibang bakasyon. Ang kanyang naunang pagsuway ay humantong hindi lamang sa kanyang sariling kaligtasan, kung hindi pati rin ng mga taga- Ninive. Marami ang nagpapalagay na ang kaligtasang dala ni Jonah sa Ninive ay isa sa paglalarawan ng dakilang pagsusumikap na isulong ang Kristiyanismo sa lahat ng panahon. 

Mga SusingTalata: Jonas 1:3, "vSa halip na sumunod, ipinasiya ni Jonas na magtago sa Tarsis..."

Jonas 1:17, "vSi Yahweh naman ay nagtalaga roon ng isang dambuhalang isda. Nilulon nito si Jonas; siya'y nanatiling tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng isda."

Jonas 2:2, "Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa iyo, at sinagot mo ako; Mula sa kalalimang walang katulad, ako'y tumawag sa iyo, at dininig mo ako."

Jonas 3:10, "Nakita ng Diyos ang kanilang pagtalikod sa kasamaan kaya hindi na itinuloy ang paggunaw sa Ninive."

Maiksing Pagbubuod: Ang takot at pagmamataas ni Jonas ang sanhi ng pagtakas niya mula sa Diyos. Ayaw niyang pumunta sa Ninive para magsermon ng pagsisisi sa mga tao, katulad ng iniutos ng Diyos, dahil pakiramdam niya'y sila ay kanyang mga kaaway, at hindi siya naniniwala na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang banta na pagwasak ang siyudad. Bagkus, sumakay siya sa isang barko patungong Tarsis, na nasa patungo sa taliwas na direksiyon. Kinalaunan, isang mabangis na bagyo ang naging dahilan ng mga tripulante upang magtapon ng marami at nalaman nila na si Jonas ang sanhi ng unos. Itinapon nila si Jonas sa tubig, at nilulon siya ng isang malaking isda. Sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi sa loob ng tiyan nito, nagsisi si Jonas sa kanyang kasalanan sa Diyos, at isinuka siya ng isda sa tuyong lupa (tayo'y nagtataka ano"t inabot ng ganoon katagal bago siya nagsisi). Nang magkagayon ay naglakbay si Jonas ng 500- milya patungong Ninive at pinangunahan ang siyudad sa isang malaking pagpapanibagong loob. Ngunit ang propeta ay masama ang loob (sa katunayan ay nagreklamo siya sa Diyos) sa halip na magpasalamat nang magsisi ang Ninive. Natutunan ni Jonas ang kanyang leksiyon, pagkatapos na gumamit ang Diyos ng hangin, halamang kikayon at isang uod upang ituro sa kanya na Siya ay mahabagin. 

Mga Pagtukoy tungkol kay Kristo: Si Jonas ay isang paglalarawan ni Kristo na malinaw na sinabi ni Hesus. Sa Mateo 12:40-41, ipinahayag ni Hesus na Siya'y mananatili sa libingan sa kaparehong dami ng araw na si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena. Siya ay nagpatuloy sa pagsasabi na samantalang ang mga taga- Ninive ay nagsisi sa harap ng pangangaral ni Jonas, ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Batas na nagtakwil kay Hesus naman ang nagtatakwil sa Kanya na tunay pang higit kaysa kay Jonas. Kung paanong dinala ni Jonas ang katotohanan ng Diyos tungkol sa pagsisisi at kaligtasan sa mga taga- Ninive, gayundin naman ang dalang mensahe ni Hesus (Romans 11:36).

Praktikal na Aplikasyon: Hindi tayo maaaring magtago mula sa Diyos. Ang anumang loobin Niyang maganap sa pamamagitan natin ay mangyayari, sa kabila ng ating mga pagtutol at pag-iwas. Ang Efeso 2:10 ay nagpapaalala sa atin na Siya ay may mga plano para sa atin at sisiguraduhin Niya na susunod tayo sa mga planong iyon. Maaaring ito'y mas maging madali kung tayo, hindi tulad ni Jonas, ay susunod sa Kanya ng walang pagkaantala!

Ang pag-ibig ng Diyos ay ay nahahayag sa Kanyang pagiging bukas sa lahat ng tao, anupaman ang ating reputasyon, pagkamamamayan o lahi. Ang libreng handog ng Ebanghelyo ay ang para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ang ating tungkulin bilang mga Kristiyano ay ang maging daan kung saan masasabi ng Diyos sa mundo ang tungkol sa handog na kaligtasan at ang makisaya sa kaligtasan ng iba. Ito ay isang karanasan na nais ng Diyos na ating maibahagi kasama Niya, hindi ang maging mapanibughuin o mapaghinanakit sa mga taong lumalapit kay Kristo sa "huling sandali ng pagbabalik-loob" o iyong mga lumalapit sa pamamagitan ng mga kalagayang hindi katulad ng sa atin.



No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...