Sunday, 7 January 2018

Tayo na sa libreng sakay.

Nabasa ko sa isang artikulo patungkol sa Extraterrestrial Being (ET) na ang mga nilalang na ito ay labis na nadidismaya sa sestema ng transportasyon dito sa mundo. Pinuna nilang napaka risky daw ng ating mga sasakyang panghimpapawid laging nasa panganib ang buhay ng mga pasahero sa tuwing magtetake-off ito at lalanding. Kinakailangan pang magpaalam  sa control tower staffs upang maiwasan ang desgrasya.

Lalong naghalakhakan ang mga Alien (ET) na ang mga taga Earth ay gumagamit pa rin daw ng mga barkong sobrang babagal sa kanilang tingin, na kahit tumatakbo na ito ng 50knot (92kph). Ang mga sasakyan namang panglupa kinumpara din nila sa mga pagong dahil sa sobrang trapik at bagal na kayang patakbuhin ng makina kahit 8 valve pa ito.

Sinasabing nasa isang milyong taon daw ang agwat ng kanilang teknolohiya sa atin. Wooow! Sobrang layo na pala nila sa atin. Primitive ngang maituturing ang uri ng ating teknolohiya kung ikukumpara ito sa kanila (ET). Hiling nila na sana matuklasan ng mga taga mundo ang Wormhole ito ang tinatawag na shortcut para marating ng tao sa mas mabilis na paraan ang iba’t ibang constellation sa universe.

Kung napanood ninyo ang pilikulang “Finding Nemo” isang simpling pasilip sa mga manonood tungkol sa Wormhole sa gitna ng napakalawak na karagatan na syang ginagamit ng mga isda para marating nila ang lugar na gusto nilang mapuntahan na hindi napapagod kalalangoy. Ito yong tinatawag na undersea current. Sa outer space ay mayroon ding ganito, "Wormhole" kung tawagin.

Kapag ang isang malaking tipak na batong lulutang-lutang sa kalawakan ay nakapasok sa gravitational force na ito makapaglalakbay sya ng buong bilis na walang ginagamit na pwersa. Ang magandang example dito ay ang Halley’s comet. Kaya naman tuwing ika 74-79 na taon lagi nating makikita ang batong ito na sa tuwing nakakalapit sa araw ay natatapon sa kanyang katawan ang nafrozen na tubig sa nakalipas na 70 taong paglalakbay at makikita ng ating mga naked eye ang tila walis na lumalabas sa kanya.

Kaya naman pala suki na tayong pasyalan ng mga Alien kahit napakalayo nang kanilang constellation tulad ng Orion na may distansyang 817 light years, (ang isang light years ay katumbas ng 6 trillion miles) OMG! Dahil ayon sa teorya sumasakay sila sa wormhole o gravitational space highway ng libre. Parang libreng sakay at malilibot mo na ang buong kalawakan.

Kamangha-mangha parang kapitbahay lang natin sila kapag susulyap tayo sa kalangitan sa mga kutitap ng mga bituin ng constellation sa gitna ng kalaliman ng gabi.

Minsan napapaisip ako at nagtatanong… totoo po ba Lord na kami lang ba talaga ang mga taong nilikha mo sa buong sansinukob? Geneses 1:26-27  At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. 

Will…. pinagkumpara ko ang anyo ng mga Alien sa anyo ng mga tao. Wala silang buhok malalaki ang kanilang mga ulo at mga mata habang ang mga katawan nila ay mga patpatin na walang kaapel apel. Malayo ang itsura nila sa anyo ng mga taong nilalalang ng Dios na ayon sa Kanyang wangis.

Tumahimik na lang ako sa mga lihim kong katanungan ng banggitin ito ni Jesus sa aking puso. Mateo 11:25  Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, “Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol.” Ibig sabihin nito kung magpapakapantas tayo tungkol sa mga ganitong bagay lalong wala tayong mapapalang makalangit na kaalaman at karunungan (Divine knowledge & wisdom).

Marami nang naitalang patotoo ng mga pantas nang dahil sa kanilang pagtuklas ng hiwaga ng kalikasan para silang mga sanggol na nagsibalik sa kanilang mga nanay at nangangsabing “Dakila ang Dios na buhay.”

Gayun pa man hindi maikukubli ang katotohanang pagiging likas na spiritual being ng isang tao. Hinahanap nila ang Dios, ibig nilang purihin at sambahin ang Dios kahit sa anupamang kaparaanan. Naiisip din ng halos karamihan ng tao na tayo’y tulad din ng mga manlalakbay sa mundong ito. Sa pagsapit ng terminal ng ating buhay panibago na namang paglalakbay ang ating kakaharapin. Patungo ba tayo sa langit o sa impyerno?

Kung nais nating makatiyak ng ating paglalakbay tungo sa kaharian ng Dios, matagal nang ipinangangaral ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Si Jesus ang ating behikulo tungo sa buhay ng walang hanggan –ang paraiso.  Juan 14:6  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Hindi natin kailangan ang relihiyon o mga sakripisyo para makamtan natin ang buhay na walang hanggan dahil si Jesus na mismo ang ating daan, ang katotohanan at ang buhay.  

Hindi natin kailangan  ang mga sasakyang pang-alien (spacecraft) o wormhole upang marating natin ang langit. Anumang uri ng pwersa o teknolohiya hindi maaaring gamitin para mapasok mo ang kaharian ng Dios sapagkat ang paghahari ng Dios ay nasa puso nang isang taong may pananampalataya sa Dios.

Si Jesus ang ating kailangan patungo sa buhay na walang hanggan. Tulad ng kahilingan ng isang taong makasalanan na nakapako din sa kahoy na krus sa bahaging kanan ni Jesus. Ipinagtanggol niya si Jesus  doon sa isang nakapako din na nasa kaliwang bahagi na inaalipusta si Jesus at nagsasabing kung ikaw ang tagapagligtas, ngayon iligtas mo ang iyong sarili dyan sa krus na kinapapakuan mo. Subalit ang taong humingi ng habag kay Jesus ay nagsabi ng ganito. Lukas 23:42-43  At sinabi niya, Jesus, “alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian”. At sinabi niya sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso”. Amen.


Akda ni: Jovit Tilo

No comments:

The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...