Lukas 15
11 Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa'y natanaw na siya ng
kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap,
at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama
ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan
ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang
pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay
namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila
nga'y nagdiwang.
25 “Nasa bukid noon ang anak na
panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at
sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon
sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po
ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang
buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa
bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya,
‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo
sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na
kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating
ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae,
ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi
kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na
tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit
nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan."
Mga kwento ni Jesus
Mga kwento ni Jesus