Wednesday, 15 March 2017

Ang lalaki at ang kanyang hiniram na palakol.

Sinabi ng lingkod ng Diyos, “Saan iyon bumagsak?” Nang ituro sa kanya ang lugar, pumutol sya ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang bakal. 2 Hari 6:6.

May sinimulang bagong proyekto sina Eliseo at ang mga anak ng mga propeta. Nais nila ng mas malaking lugar para sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral. Kaya’t nagpasya silang maghanap ng mga puno upang putulin ang mga kakahuyan malapit sa ilong Jordan. Inanyayahan ng isa sa mag-aaral ang lingkod ng Diyos na sumama sa kanila at sinabi ng guro “Sasama ako.” Ang pinakamabuting paraan ng paggawa sa gawain ng Diyosay ang makasama ang Panginoon sa tabi natin.

“Ngunit samantalang ang isa’y pumuputol ng troso, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig at sya’y sumigaw, ‘Naku, Panginoon ko! Iyon ay hiram lamang’” (talata 5 ng 2 Hari).

May ilang kapansin-pansing detalye sa kasaysayan na ito na maaari nating maiugnay sa ating espirituwal na pamumuhay. Una, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig habang siya’y gumagawa. Hindi tamad o walang ginagawa ang lalaki. Siya’y gumagawa ng mabuti ngunit naging pabaya sa palakol. Maaaring mawala ang kapangyarihan ng Diyos sa kasiglahan ng paglilingkod sa Kanya. Pangalawa, noong maiwala niya ang talim ng palakol, naiwala rin niya ang kapangyarihan upang maglingkod. Ikatlo, naiwala niya ang isang bagay na hindi kanya. Hiniram lang ang palakol. Ang kapangyarihang nagdadala ng tagumpay sa ministeryo ay nagmumula sa kalangitan.

Mabuti ng lang na si Propeta Eliseo ay naroon. Agad na nalutas ang suliranin at sa mahiwagang pamamaraan! “Sinabi ng lingkod ng Diyos, ‘Saan iyon bumagsak?’ Nang ituro sa kanya ang lugar, pumutol siya ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang bakal.”

Ang Diyos ang tanging solusyon sa ating suliranin,kahit gaano ito kahirap maraming beses tayo’y nawawalan ng lakas dahil sa napakalaking gawain ang ating kinakaharap. Masyado tayong umaasa sa ating talim ng palakol. Ngunit minsan ay ipinapahintulot ng Diyos na mawala ang sarili nating mga talim ng palakol upang mahanap natin ito muli sa pamamagitan Niya, sa pamamaraang mahimala.

Tulad Din Natin (Debosyonal Araw-araw) ni Carlos Elias Mora.


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...