Hindi sinasabi sa Bibliya na ang isang Kristiyano
ay maaari pang sapian ng demonyo. Dahil nananahan na sa isang Kristiyano ang
Banal na Espiritu (Roma 8: 9-11; 1 Corinto 3: 16; 6:19), tila hindi tamang
payagan ng Banal na Espiritu na sapian pa ng demonyo ang taong Kanya ng
pinananahanan. Inaamin namin na ito ay isang kontrobersyal na isyu. Gayon man,
matatag naming pinanghahawakan ang paniniwala na ang isang tunay na Kristiyano
ay hindi na maaaring sapian pa ng demonyo. Naniniwala kami na may malaking
pagkakaiba sa pagitan ng ‘sinasapian ng demonyo’ at ‘pinahihirapan o
iniimpluwensiyahan ng demonyo.’ Kung ang isang tao ay sinapian ng demonyo, ito
ay nangangahulugan na may ganap na kontrol ang demonyo sa iniisip at kilos
taong iyon (Lucas 4:33-35; 8:27-33; Mateo 17:14-18). Ang pinahihirapan naman ng
demonyo ay nakakaranas ng pagatake ng demonyo sa kanyang buhay espiritwal at
hinihikayat siyang gumawa ng kasalanan (1 Pedro 5:8-9; Santiago 4:7).
Mapapansin na sa mga talata sa Bagong Tipan na tumatalakay sa pakikibakang
espiritwal, hindi tayo sinabihan na palayasin ang demonyo sa katawan ng isang
mananampalataya (Efeso 6:10-18). Sa halip, sinabihan tayong labanan ang demonyo
(1 Pedro 5:8-9; Santiago 4:7) sa halip na palayasin.
Hindi ko lubos maisip na papayagan ng Diyos na ang isa sa Kanyang mga anak, na Kanyang binili sa pamamagitan ng dugo ni Kristo (1 Pedro 1:18-19) at ginawa Niyang bagong nilalang (2 Corinto 5:17) ay masasapian at makokontrol pa ng demonyo. Bilang mga mananampalataya, tayo nga ay mayroong pakikidigma kay satanas at sa kanyang mga demonyo, subalit hindi ito sa ating sariling lakas. Sinasabi ng 1 Juan 4: 4, "Mga anak, kayo'y sa Diyos at pinagtagumpayan ninyo ang mga bulaang propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan." Sino ang nasa sa atin? Ang Banal na Espiritu. Sino ang nasa sanlibutan? Si satanas at ang kanyang mga demonyo.