Kwentong patotoo ni Emmanuel Eni
"Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at
nakikilala ko sila, at sila sy sumusunod sa akin: At binibigyan ko sila ng
buhay na walang hanggan; at kailanman sila ay hindi mapapahamak, hindi rin sila
makukuha nino man mula sa aking kamay" Juan 10: 27-28
Matapos ang aking pagbabago kay Kristo, ang unang bagay
na nangyari nawala lahat ng mga kaloob o regalo mula sa dagat, ang teleskopio,
ang T. V. , mga damit, mga larawan na aking kinunan sa mga laboratoryo sa
ilalim ng dagat at ang larawan ng reyna ng pampanga na nakasabit sa aking bahay
ay nawala.
Sa aking pagbabalik sa Port Harcourt, May pagnanasa akong
magpatotoo kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa akin subalit hindi ako
pinahintulutan sa simbahan. Ang asawa ng nasira kong tiyuhin, ay isa ring Kristiyano,
sinamahan ako sa isa sa mga pastor, subalit ang tanong na kanyang tinanong:
“Dinala ba niya ang papel?” Naunawaan ko na lamang sa bandang huli na ang papel
na kanyang tinutukoy ay isang ‘membership letter o form.’ Ano ang kinalaman ng
papel ng membership sa aking pagpapatotoo sa kapangyarihan ni Kristo at kung
ano ang ginawa niya para sa akin- Diyos, ang paglipat sa akin mula sa
kapangyarihan ng kadiliman tungo sa kaharian ng Kanyang minamahal na anak, na
kung saan ako’y nagkaroon ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang dugo, maging
ang kapatawaran ng aking mga kasalanan?
Ako’y nalungkot, napag-alaman kong ayaw ni Satanas na
pahintulutan ang mga batang nabago ay humayo at magpatotoo, lalong-lalo na
silang may dating malalim na kaugnayan sa kanyang mga gawain, at gagawin niya
ang lahat upang hadlangan ang ganung mga patotoo. Muli naalaala ko, malinaw na
binilinan ako ng Panginoon na “humayo ang magpatotoo kung ano ang ginawa Ko sa
iyo” at ngayon naririto naharap sa pagtanggi. Marahil ay hindi pa panahon. Kaya
pinagpasyahan ko na umiwas sa pagbibigay ng aking patotoo sa
kaninuman.Naglakbay ako kasama ang tatlong negosyante mula sa Aba patungong
Togo para sa isang negosyong biyahe. Doon bumili ako ng mga kalakal na
nagkakahalaga N160,000 (Isangdaang libo at animnapung Naira). Mula sa halagang
ito N70,000 ang aking personal na pera at ang natitirang N90,000 ay hiram sa
mga mangangalakal sa Aba. Ilan sa mga bagay na aking binili ay bulto ng mga
tali ng sapatos, iba’t-ibang uri ng mga gamot (Lalo na antibiotics), pangturok,
thermometer, atbp. Sa hangganan ng Nigerian, Kami ay hinarang ng Customs at
maya-maya pa ay sinabihang magbayad ng ilang suhol. Kami ay tumanggi at ang
aming mga kalakal ay kinumpiska kasama pati ung mga pag-aari ng aking mga
kasama. Makalipas ang ilang buwan, yaong pag-aari ng aking mga kasama ay
nailabas, maliban yung sa akin. Muli akong bumalik makalipas ang ilang panahon
at sinabihan akong magbayad ng N40,000, subalit nang aking tignan ang aking mga
kalakal napag-alaman ko na lahat ng aking mahahalagang kalakal, bulto ng mga
sintas ng sapatos, pangturok, mga gamot, atbp., ay ninakaw na. Tinantiya ko ang
mga natitirang kalakal at nalaman ko na ang pagbabayad ng N40,000 sa Customs ay
magdudulot lang lalo ng pagkaluge, kaya pinagpasyahan kong hayaan na lamang ang
mga natitirang mga kalakal.
Ang mga negosyanteng pinagkakautangan ko ng salapi ay
nagpasimulang habulin ako. Ang ilan ay tumawag ng pulis, at iba naman ay
ililagay ang batas sa kanilang mga kamay at nagplanong iligpit ako. Ang tanging
paraan ay isara ang aking mga pondo sa bangko at gamitin lahat ng pera upang
tugunan ang lahat ng aking pagkakautang. Sa biyaya ng Diyos, nabayaran kong
lahat maliban sa N1,000 na para sana sa aking kasera sa Lagos. Ako’y lubos na
naluge at nangungutang kahit 20k pang-taxi.
Nagtungo ako sa ilang mga negosyanteng Kristiyano
nakilala ko noon, upang humingi ng tulong upang makapagsimula akong muli ng
bago. Walang sinuman sa kanila ang nagsabi ng oo at hindi, kundi ako’y
pinabalik-balik kinabukasan hanggang sa mapagod na ako sa paghahanap ng tulong.
Hindi ko alam ang Salita ng Diyos at dahil sa lahat ng aking mga kabalisan sa
aking puso, babasahin ko ang Bibliya subalit hindi ko ito maunawaan. Patuloy
akong nagbubulay-bulay kung ano ang aking gagawin, nakatanggap ako ng isang
mahalagang tawag mula sa aking bayan. Nagmadali akong umuwi at nasumpungan ko
na ang maliit na gusali na aking inaayos ay winasak ng aking tiyuhin na naroon
at nagbanta na ako’y papatayin. Ang dati kong pagkatao ay nahamon. Naalala ko nang
ako ay naroon pa sa lihim na kalipunan, kung paano siyang nahintakutan sa akin
at naglulumuhod sa aking harapan. Subalit ngayon alam niya na ako ay nabago na
(kung papaano niyang nalaman ay hindi ko alam dahil hindi pa ako bumalik mula
nang ako ay nabago) at ngayon binabantaan niya akong patayin. Tumawag ako sa
Panginoon at sabi: “Niligtas mo ako upang iwanang bigo at pahintulutan ang
aking mga kaaway upang magsaya sa akin!” Umiyak ako at nagpasyang bumalik sa
kalipunan.
Kahit papaano maliligtas ako sa lahat ng aking kaguluhan
at matuturuan ko ang aking tiyhuhin ng isang aral na hindi niya malilimutan sa
buo niyang buhay. Bagamat kinuha ko ang desisyon, mayroon akong dalawang tanyag
na mga takot sa loob ko:
1. Habang ako’y binabago, malinaw na sinabi ng Panginoon
sa akin: “Ito na ang iyong
huling pagkakataon.” Ang
aking pagbabalik sa kalipunan ay maaaring mangahulugang kamatayan, hindi lamang
pisikal subalit espiritual na kamatayan.
2. Kung ako’y manatili sa Panginoon, ang aking tiyuhin ay nagpupuyos sa banta
na ako’y papatayin niya.
Ako’y lubhang naguguluhan at nangangailangan ng tulong.
Wala akong alam sa Salita ng Diyos at hindi ko alam ang Salita patungkol sa
ganitong kalagayan. Minamahal kong mambabasa, mauunawaan mo rito na dala ko ang
lahat ng mga kaguluhang ito dahil sa kakulangan ng ‘follow-up’ o pagdalaw sa
isang bagong kasapi. Ang pagdalaw sa mga bagong kasapi ay napaka halaga at ang
mga Kristiyano ay dapat gawin itong may kaseryosohan. Kung alam mo na hindi mo
kayang dalawin o alagaan ang mga naakay mo, pakiusap huwag ka na lang mag-akay
ng kaluluwa. Binigyang diin ito ni HesuKristo kay Pedro nang tanungin niyang
tatlong beses: “Simon, anak ni Jonas, minamahal mo ba ako ng higit sa mga ito? Pakanin mo ang aking mga tupa.” Maraming bagong mananampalataya ay
tumatalikod dahil sa kakulangan ng maayos na pagdalaw o ‘follow-up.’ Kung mahal
mo si Hesus, alagaan mo ang Kanyang mga tupa!
Ang Digmaan laban sa Mga Alagad ni Satanas
Sa mga panahong ito ang mga alagad ng Reyna ng Pampang ay
nagpasimulang tugisin ako. Nagdusa ako ng higit sa kanilang mga kamay.
Nagkaroon ako ng mga nakakatakot na panaginip. Noong unang araw ng Mayo 1985,
isang buwan matapos akong mabago, sa bandang 2:00 ng umaga, ang mga iba pa sa
bahay ay mga tulog. Ako ay ginising ng mga alagad na ito. Inutusan nila akong
lumabas ng bahay. Ako’y sumunod, lumabas ako habang sila ay nakasunod sa
likuran. Ang lahat ng ito ay tila baga isang panaginip subalit ito’y tutoong
nangyayari. Dumako kami sa libingan ng St. Paul's Anglican church, sa gilid ng
Aba Road, Port Harcourt.
Sa pagdating namin duon sinabi nila: “Kinakailangan mong
bumalik. Kung ikaw ay tatanggi papatayin ka namin o gagawin ka naming isang
pulubi.” Matapos ang ganitong banta sila’y umalis. Bumalik ako sa aking ulirat
at namangha kung papaano akong nakarating sa libingan. Ako’y bumalik sa aking
higaan at natulog. Nagpasya silang atakihin ako tuwing hapon. Kung minsan,
habang ako ay naglalakad sa daan ako ay nilalabanan nila. Nakikita ng ibang tao
na nakapaligid sa akin na ako ay nakikipagbuno sa hangin o kaya’y nakikita nila
akong tumatakbo na tila baga na may tumutugis. Ako lamang ang nakakakita sa
kanila. Ginawa nila ito nang may apat na beses bago huminto. Pagkatapos ang
kanilang pinuno, ang Reyna ng Pampang, ang humalili. Nang unang araw dumating
siyang lulan ng isang sasakyan at humimpil sa tabi ng aming bahay. Siya ay
nakabihis nang mainam at napakaganda tulad ng dati. Akala ng mga tao sa paligid
na siya ay aking nobya. Biglaan siya ay pumasok kilala ko kung sino siya. Siya ay
pumasok nang bandang 12:00 tanghali kung saan ang paligid ay hindi masyadong
abala. Siya ay naupo at sa lahat ng kanyang sinabi niya: “Puwede kang pumunta
sa iyong simbahan, sumampalataya kung ano ang gusto mong sampalatayanan,
subalit kung maaari sanang huwag
mo akong ibubulgar, ibibigay
ko sa iyo ang lahat ng iyong pangangailangan sa buhay na ito.” Hindi ko pa alam
ang mga Kasulatan kaya nakinig lamang ako at pinagmasdan siyang lumakad.
Nakiusap siya at nagsikap na kumbinsihin ako na muling bumalik sa kanya. Hindi
ako nagsabi ng oo o hindi sa kanya. Tumindig siya, lumakad patungo sa kanyang
sasakyan at umalis.
May dalawang beses siya ay inasikaso nang asawa ng aking
tiyuhin na hindi man lamang nakikilala kung sino siya at hindi ko sinabi sa
asawa ng aking tiyuhin kung sino ang dalagang iyon. Sa kanyang huling pagdalaw
binago niya ang kanyang paglapit sa akin. Sa pagkakataong ito binigyan niya ako
ng isang matigas na babala sinasabing sinikap niya akong kumbinsihin sa mga
pagdalaw na ito upang bumalik sa kanya at ako’y naging napakatigas, at ito na
ang kanyang huling dalaw. Kung hindi pa rin ako babalik, darating siya sa akin
sa Agosto at papatayin niya ako, o wasakin ang aking kaanyuan o gawin akong
isang pulubi. Sa mga salitang ito siya ay umalis.
Ako’y natakot kaya, isang araw nagtungo ako sa simbahan
at tinawag ko ang isang kapatiran. Sinabi ko sa kanya ang aking mga problema at
ang aking mga obserbasyon sa ilang mga miyembro ng simbahan atbp. Binigyan ako
ng kapatid na ito ng SCRIPTURE UNION'S (S.U.) office address at sinabi sa akin: “Doon makakasumpong ka ng tulong.” Di ko mawari iyon na ang huling araw
na nakita ko ang “kapatid” na iyon. Hindi ko na siya nakita pang muli kahit
saan sa Port Harcourt hanggang sa mga oras na ito. Kinuha ko ang address at nang
sumunod na araw, kumuha ako ng taxi patungo sa No. 108 Bonny Street, kung saan
naroon ang opisina at nakaharap ko ang tagasulat na nagbigay sa akin ng
listahan ng mga programa tuwing ikatlong buwan ng S. U. Rumuomasi Pilgrims
Group, bilang pinakamalapit sa akin. Sinabi niya: “Dumalo ka sa Linggo!” Naroon
ako sa Fellowship Centre - St. Michael's State School, Rumuomasi – sa badang
2.00 p.m., hindi ko alam na ang pagpupulong ay magsisimula sa bandang 3:00 ng
hapon, subalit nakatagpo ko ang mga mananalangin, kaya sumama ako sa kanila.
Matapos ang gawain nang araw na iyon nalaman ko na ito
ang tamang lugar para sa akin. Pinagkalooban ako ng Diyos ng isang Kristiyanong
babae, na inari kong isang ina, na nagkaroon ng tiyaga ng ipaliwanag sa akin
ang Salita ng Diyos at nagpayo rin sa akin. Ang mga kapatiran ay naging
iteresado sa akin at nagmalasakit. Nakita ko ang tunay na pag-ibig. Nagpasimula
ang Banal Na Espiritu na bigyan ako ng kaunawaan sa Salita at ang aking
pananampalataya ay lumago. Subalit ang Reyna ng Pampang ay hindi nagpakita
kagaya ng kanyang banta. Awit 91, Ang pag-iingat ng Diyos, ay naganap sa aking
buhay. Isaias 57:17: “Walang
sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay; at bawat dila na titindig
laban sa iyo sa paghuhukom ay hahatulan mo. Ito ang mana ng mga lingkod ng
Diyos, at ang kanilang katuwiran ay galing sa akin, sabi ng Panginoon.” Ito rin ay naganap.
September 1985, Nakatanggap ako ng isang mensahe na ang
aking pangalan ay lumabas bilang isang tagapamahagi ng Silver Brand Cement, Lagos
at ako ay inaasahang magpakita sa tanggapan noong 27/9/85. Iniwan ko ang Port
Harcourt noong 26/9/85 at dumating sa Lagos nang gabi. Nang sumunod na araw
27/9/85, nagtungo ako sa tanggapan upang sabihan lamang na ng Personnel Manager
na ang aking tatanggaping semento ay naibigay sa iba. Sinabihan niya akong
bumalik nang sumunod na araw 28/9/85 upang makipagkita sa Managing Director. Sa
aking pagbabalik sa aking tirahan, dumaan ako sa isang makipot na daan,
mayroong isang dumating sa aking likuran at hinawakan ako at sinikap na ako ay
sakalin sa pamamagitan ng sabay pagtatakip ng aking ilong at bibig. Nanlaban
ako para sa aking buhay at habang ang mga tao ay nagdaraan, walang sinuman ang
tumulong sa akin, subalit gumitna ang Panginoon. Habang ako’y nakikipagbuno pa
rin sa mga kamay narinig ko siyang sumigaw at tinulak ako palayo na
nagsasabing: “Sino ang tao sa iyong likuran?” Inulit niyang muli at nawala.
Mula sa tinig alam ko na siya ay isang babae subalit hindi ko nakita kung sino
siya. Ako ay tuliro at pasuray-suray nagtungo sa aking tirahan.
Narito minsan pa ang aking kasera ay galit na galit at
nagsabi: “Bakit ka tumakas na dala ang pera para sa aking paupa?” Ako’y
naki-usap sa kanya at sinikap magpaliwanag na sa kasalukuyan wala akong
hanap-buhay at babayaran lahat ng kanyang pera sa oras na ako ay kumita. Sa
paraan na nakita ko sa kanya akala ko ay ayos na ang lahat. Nang sumunod na
araw 28/9/85, muli akong bumalik sa tanggapan at nakaharap ang Managing
Director na humihingi ng paumanhin sa pagbibigay ng semento sa iba. Habang siya
ay nagsasalita isang batang lalaki ang pumasok at nagtanong sa akin: “Hindi ba
ikaw si Emmanuel?” Sabi ko: “Oo, nahuli ka rin namin sa wakas! Natapos na ba
ang iyong pagtatago? Binisita namin ang Port Harcourt nang ilang beses at
napag-alaman namin na lagi mong kasama ang iyong ina sa pananampalataya. Siya
ay isang hadlang para sa amin at ngayong naparito ka sa Lagos nahuli ka na
namin! Hindi ka na makababalik sa Port Harcourt. Ako ang siyang kumuha ng iyong
allocation o semento.” Hinamon ko siya at sinabi ko: “Wala kang magagawang
anuman!” Ang Managing Director ay nagulat sa mga nangyayari sa kanyang
tanggapan. Humingi ako ng paumanhin at nagtungo sa aking flat o tirahan.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ako ng isang
katok sa aking pintuan at pumasok si NINA. Tinanong niya ako kung babalik pa
ako sa Port Harcourt. Ang sabi ko ay oo. Nagsumamo siya sa akin na muli akong
bumalik sa kanila at ang mga gawain na kung saan ako ay sinanay ay nananatiling
hindi tapos:KOTIPARI (Sa salitang Yoruba). Ako ay sinanay:
- maging tagapamahala ng mga alagad ng kapangyarihan ng
mga demonyo.
- maging tagapamahala ng “sea control room,” manmanan ang mga kaganapan sa
daigdig, magpadala at tumanggap ng mga senyales, at magpalaganap ng mga kapangyarihan
o puersa, atbp.
- maging pangalawa sa Reyna ng Pampang. Kasama rito hindi lamang ang mga
seremonya, mga paghahandog, pagsasagawa ng mga espesyal na mga takda mula sa
kanya, subalit mayroon pang ibang mga bagay na mahirap ipaliwanag.
- sa pagtulong sa mga kapangyarihan ng kadiliman, magtatag ng mga bagong lihim
na samahan na magmumukhang hindi mabanganib upang makaganyak ng mga kabataan at
mga dumadalo sa simbahan.
Sabi niya, kung sasamahan ko siya, ang naghihintay sa
akin ay dalawang parangal at maraming pagpapala. Inamin niya na sila ang may
kagagawan kung kayat ang kanyang kalakal ay na kumpiska at ninakaw, at sila rin
ang nagsulsol sa aking tiyuhin upang wasakin ang aking gusali at bantaan ang
aking buhay. Na kung tatanggihan kong sumunod sa kanya, higit pa ang gagawin
nila at sisiguraduhin nilang hindi ako magtatagumpay. Na napagpasyahan nila na
labanan ang aking ina sa pananampalataya: “Kung makukuha natin siya, makukuha
ka namin” sabi niya. Sa puntong iyon, nagpasimula akong mangaral sa kanya. Siya
ay tumindig at nagsabi: “Niloloko ka nila,” at umalis. Ito’y nanagyari noong
gabi ng 28/9/85.
Wala pang labing limang minuto siyang nakakaalis
nakarinig ako ng isa pang katok. Sa oras na ito apat na lalake. Kumaway sila sa
akin na lumabas at nakita ko ang aking sarili na sumama sa kanila. Lumakad kami
nang may dalawang poste at isa sa kanila ay nagtanong sa akin: “Kilala mo ba
kami?” Sabi ko hindi. Nagpatuloy siya: “Kami ay inupahan ng iyong kasera upang
patayin ka.” Habang siya ay nagsasalita pa ang isa sa kanila ay naglabas ng
isang baril at ang isa naman ay naglabas ng isang panaksak. Ako ay walang
kalaban-laban at alam ko na papatayin nila ako, subalit ang Diyos sa Kanyang
mahimalang kaparaanan gumawa ng isang himala na ikinagulat naming lahat, ako
maging sila. Ang taong may baril ay binaril ako subalit walang tunog na
lumabas. Ang lalake na may patalim ay sinaksak ako sa likod subalit hindi ito
tumalab kundi tumunog lamang ito na parang isang pamalo ipinalo sa iba. Sila ay
takut na takot na kagaya ko. Ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa akin at
nagpasimula akong mangaral sa kanila. Tatlo sa kanila ay nagsitakas, subalit
ang ika apat ay nabagbag ang kalooban at nagpasimulang umiyak at nakiusap na
dapat ko siyang ipanalangin. Hindi ko man lamang alam kung ano ang
ipapanalangin ko sa oras na iyon sinabi ko lang: “Panginoon, patawarin,
kalimutan (kasalanan) at palayain mo siya. Amen!” Binigay niya ang kanyang
buhay kay Kristo kaya dinala ko siya sa isang Pentecostal Church at sinabi sa
pastor kung ano ang nangyari. Ipinagkatiwala ko siya sa Pastor at umalis.
Habang ako ay naglakad papasok sa bahay ang aking kasera ay tumakbo palabas at
lumuhod sa aking harapan at nagpasimulang makiusap sabi: “Patawarin mo ako.
Akala ko nagpasya ka nang tumakas patungong Port Harcourt dahil sa aking pera
(N1,000).” Pinatawad ko siya at nagkasundo kami sa bandang huli na bayaran ko
na lamang siya ng hulugan.
Nang gabi ring iyon, bandang 2:00 ng umaga ginising ako
ng Panginoon. Hindi ko alam kung bakit ako nagising kaya lumakad ako sa salas
at ang nakita ko ay isang malaking pawikan nakaharap sa akin. Bigla kong
naalala ang aming Bible Study na ginanap sa Port Harcourt, tungkol sa
kapangyarihan sa salita. Sinabi ko roon ang mga salitang ito: “Pawikan, mula
nang ako ay ipinanganak, ang tahanan ng mga pawikan kundi sa halamanan ay sa
dagat, subalit dahil sa pagpunta mo sa aking bahay habang ang aking mga bintana
at pintuan ay nakasara nagkasala ka, at dahil dito ay dapat kang mamatay.”
Matapos kong sabihin ang mga bagay na ito bigla siyang naglaho. Ako’y muling
bumalik sa silid at natulog. Sa ikalawang pagkakataon muli, nagising ako at
narinig ang ilang ingay sa salas. Nagtungo at doon nakatindig sa harap ko ang
isang nakapangingilabot na buwitre. Inulit kong muli ang parehong mga salita at
sabi ko: “Sa paggawa mo ng kasalanang ito dapat kang mamatay,” naglaho rin ito.
Sa lakbaying ito sa Lagos nakita
ko ang kabutihan ng Diyos, kadakilaan at katapatan.
Nang sumunod na umaga 29/9/85, Sumakay ako sa isang
mamahaling bus patungong Port Harcourt. Pagsapit sa Ore, ang bus ay sumalpok sa
isang puno. Nagkaroon ito ng pinsala subalit walang sinuman ang nasaktan.
Hinila ng driver pabalik ng kalsada at muli siyang nagmaneho, nagpasimulang
pumihit mula sa isang banda ng kalsada pabalik sa kabila. Naalala ko ang banta
ni NINA, kaya tumayo ako sa bus, nangaral sa mga pasahero at nagtapos sa
pagsabi ng: “Ito’y dahil sa akin na ang mga sakunang ito ay nagaganap. Subalit
mula ngayon, wala nang magaganap na sakuna hanggang makarating tayo sa Port Harcourt,
sa pangalan ni Hesus!” At ako ay naupo. Sa totoo lang, nang ako ay maupo,
namangha ako sa aking mga sinabi. At ganun nga ang nangyari. Tumakbo ng maayos
ang sasakyan patungong Port Harcourt. Wala nang sakuna o pagkasira. Matuwid na
sinasabi ng kasulatan: “Pagmasdan, sila’y tiyak na magsasama-sama, subalit
hindi sa Akin: sinuman ang magtitipon laban sa iyo ay mabubuwal alang-alang sa
iyo” (Isaias 54:15). Sila (ang Reyna ng Pampang at ang kanyang mga kampon)
sinikap, subalit dahil ang kanilang pagtitipon ay hindi para sa Panginoon kundi
laban sa Kanyang anak, lahat sila ay nangatisod at nagsitumba. “Kapag ang
kaaway ay dumating na tulad ng isang baha, ang Espiritu ng Diyos ay magtitindig
ng isang pamantayan o watawat laban sa kanya” (Isaias 59:19). Ibinibigay ko sa
Diyos ang lahat ng kaluwalhatian sa pagpapakita Niya na malakas para sa aking
kapakanan.
Ika-20 ng Hunyo, 2009
pastorrey@gmail.com