Wednesday 22 March 2017

PINALAYA MULA SA MGA KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN - Kabanata 3

Ang Masamang Paghahari

Kwentong patotoo ni Emmanuel Eni

"Ang magnanakaw dumarating, upang magnakaw, at pumatay, at mangwasak. Ako ay naparito upang sila ay magkaroon ng buhay, at upang sila ay magkaroon nito ng sagana."
Juan 10:10

Sa aking pagbabalik sa Lagos, Nagpatuloy ako sa aking negosyo at pagkatapos ng dalawang linggo ako ay muling bumalik sa dagat. Ang Reyna ng Dalampasigan o Pampang ay binigyan ako na tinawag niyang kanyang “unang takda”. Dapat akong magtungo sa aking barrio at patayin ang aking tiyuhin, isang tanyag makapangyarihang albularyo na responsable, ayon sa kanya, sa kamatayan ng aking mga magulang.

Ako’y sumunod at humayo subalit hindi pa ako nakapapatay kaylan man, wala akong lakas ng loob na patayin siya, kaya winasak ko na lang ang kanyang mga gamot at ginawa siyang walang kapangyarihan. Ang dulot ng ganitong pangyayari nawala ang lahat ng kanyang mga parokyano hanggang sa mga araw na ito. Ako’y bumalik upang magbigay ulat sa aking takda subalit siya ay galit na galit sa akin. Sinabi niya na ang kabayaran ng aking pagsuway sa kanyang mga utos ay kamatayan, subalit dahil sa kanyang pagmamahal sa akin muli niya akong pababalikin sa aming barrio upang pumatay ng dalawang matatanda na kung saan sinabi niya na tumulong upang patayin ang aking mga magulang. Kung ito man ay parusa sa aking pagsuway sa kanya o hindi, ay hindi ko na alam.
Ganun pa man, Ako’y sumunod at muling bumalik sa aming barrio at ‘nagawang’ patayin ang mga lalaking ito at pinadala ang kanilang dugo sa kanya. At ang resulat ng mga mahiwagang kaganapan ng kanilang kamatayan ang mga matatanda sa barrio ay nagtungo upang magtanong sa isa pang makapangyarihang albularyo na kalimitan ay nagpapadala ng kidlat upang siyasatin ang pumatay. Sa kasawiang palang ng mga taong ito, nakaharap ko ang albularyo sa espiritu na kung saan siya ay kumukunsulta sa mga espiritu at binalaan siyang huwag magsasalita ng anuman kung mahal pa niya ang kanyang buhay. Siya ay lumabas at sinabi sa mga matatanda ng barrio na umuwi at magmakaawa sa isa kanilang mga anak na kanilang nasaktan at hindi sinabi ang aking pangalan.

Ang kidlat na kanyang pinadala ay bumalik at tumama sa kanilang kalagitnaan pumatay ng ilan at iniwang sugatan ang marami. Matapos ang unang gawain ito, ang mga kapangyarihan sa akin ay nagpasimulang lumabas sa akin. Ginagawa kong kupi ang anyo ng isang babae dahil sa pag-iwas niyang makipagkaibigan sa akin atbp.

Ang Aking Pakikipag harap kay Satanas

Di naglaon akoy bumalik sa Lagos. Isang araw, isang babae nagngangalang NINA ay dumating sa akin. Ang mga magulang ni NINA ay mula sa Anambra State siya ay napakagandang batang babae subalit kalimitang namumuhay sa karagatan, sa ilalim ng dagat na espiritual na daigdig. Siya ay isang masugid na alagad ng Reyna ng Pampang at napaka sama. Kinamumuhian niya ng lubos ang mga Kristiyano sa kaibuturan ng kanyang pagkatao at handang gawin lahat upang labanan ang Kristiyanismo. Una ko siyang nakatagpo sa isang dalaw ko sa dagat. Si NINA ay dumating dahil sa isang utos mula sa Reyna ng Pampang.

Umalis kaagad kami at sa pagsapit doon napag-alaman ko ang aming pagpupulong lay Lucifer. Si Satanas, sa pulong na ito, binigyan kami ng mga sumusunod na utos: Labanan ang mga mananampalataya at huwag ang di mananampalataya, sapagkat ang mga di mananampalataya ay sa kanya nang pag-aari. Nang sabihin niya ito, isa sa amin ay nagtanong: “Bakit?” Sinabi niya na ang dahilan na pinalayas siya ng Diyos paalis sa ‘lugar na iyon.’ (Ayaw niyang sabihin ang salitang ‘Langit’ at sa buong panahon ng aming mga pagpupulong sa kanya hindi niya binanggit ang salitang ‘Langit’. Kundi lagi niyang ginagamit ang salitang ‘lugar na iyon’) dahil sa kapalaluan, at kaya nga ayaw niyang sinumang Kristiyano ang makarating doon (Langit).

Sinabi niya rin sa amin na huwag labanan ang mga bulaan o hipokrito. “Sila ay kagaya ko”, sabi niya. Nagpatuloy siya sa kanyang talumpati at sabi: “Dapat lamang nating labanan ang mga tunay na Kristiyano.” Na ang kanyang oras ay malapit na, kaya nga “dapat tayong lumaban di tulad ng dati at siguruhin na walang makapapasok sa ‘lugar na iyon.’” Kaya isa sa amin ang nagsabi sa kanya: “Narinig namin na nagsugo ang Diyos ng isang tao upang iligtas ang sangkatauhan pabalik sa Diyos.” Nagtanong ngayon si Satanas: “Sino iyon?” Isang kasapi ang sumagot “Hesus” at sa aming laking gulat, si Lucifer ay nahulog mula sa kanyang inuupuan. Sinigawan niya ang tao at binalaan siyang huwag na muling babanggitin ang pangalang iyon sa anumang pagpupulong namin kung mahal pa niya ang kanyang buhay. Totoo na sa pangalan ni Hesus ang bawat tuhod ay luluhod (Fil. 2:10), kasama si Satanas.

Matapos ang insidenteng ito pinalakas niya ang aming loob at sinabi sa amin na huwag intindihin “ang mga Kristiyanong ito”, na siya si Lucifer di kalaunan ay maghahari sa buong mundo at ibibigay sa amin, kanyang mga alagad, isang mas mainam na lugar upang hindi na kami magdurusa kasama nang iba pa sa mundo at gagawin niya kaming mga tagapamahala. Nagpatuloy siya na yamang ibig ng tao ang mga magagarbo at magagarang mga bagay, ipagpapatuloy niya ang paggawa ng mga bagay na ito at sisiguruhin na ang tao ay wala nang oras para sa kanyang Diyos at gagamitin niya ang mga sumusunod upang wasakin ang mga mananampalataya:

1. Salapi,

2. Kayamanan,

3. Babae.


At sa dulo ng kanyang talumpati tinapos niya ang pulong. Ito ang una kong pakikipagpulong kay Satanas. Ilang pang tulad nito ang sumunod. Habang kami ay papaalis, ang Reyna ng Pampang, na ngayon ay nagpakita sa ibang mga anyo, ay inimbitahan ako sa kanyang mansyon. Ipinasok niya sa buto ng dalawa kong binti ang mga abo ng tao at iba pang mga bagay, isang bato (hindi pangkaraniwang bato) sa aking daliri at iba pang bagay sa loob ng buto ng aking kanang kamay.

Bawat isa sa mga bagay na ito ay mayroong tungkuling gaganapin. Ang bato sa aking daliri ay upang malaman ang iniisip ng sinuman laban sa akin. Ang isa sa aking kanang kamay ay upang palakasin ako upang mangwasak at ang ilan sa aking mga binti ay upang ako ay lalo pang tumibay at lalo pang maging mapanganib at upang ako rin ay pagpalit anyo bilang isang babae, hayop, ibon, pusa, atbp. Dinala niya ako sa isa sa mga laboratoryo at binigyan ako ng teleskop, isang T. V. at isang video. Ang mga bagay na ito ay hindi pangkaraniwan subalit upang gamitin upang manmanan ang mga born again Christians at ang mga mananampalataya sa loob ng simbahan.
Bilang pang huli binigyan niya ako ng labing anim na babae upang gumawa bilang aking mga alagad. Si NINA ang isa sa kanila. Ako’y muling bumalik sa Lagos armado ng mga ‘regalong’ binanggit sa itaas.

Binago bilang Alagad ni Satanas

Wala na akong damdaming tao walang awa sa aking puso ang nanatili. Nagtungo ako agad sa aking misyon at winasak ang limang bahay sa isang iglap. Lahat sila ay lumubog sa loob ng lupa kasama ang mga nakatira. Ito ay nangyari sa Lagos noong Agosto 1982. Ang kontratista ang pinanagot dahil sa hindi paglalagay ng isang matibay na pundasyon at nagbayad siya ng mahal dito. Maraming pagkawasak ang nangyayari sa mundo ngayon na hindi gawa ng tao. Ang tungkulin ng diablo ay magnakaw, pumatay at mangwasak. Sinasabi kong muli, “si Satanas ay walang libreng regalo”.

Humayo ako upang lumikha ng mga aksidente sa mga lansangan atbp. Isang kaso na nais kong ikuwento ay ang tungkol sa isang batang bagong tanggap na humahayo upang magpatotoo tungkol sa kanyang kaligtasan at kalayaan. Nagdudulot siya ng maraming kasakitan sa daigdig ng espiritu dahil sa bagay na ito, kaya pinlano ko ang isang aksidente para sa kanya. Isang araw naroon siya sa isang mamahaling bus patungong Lagos. Mayroon siyang isang tipanan na kung saan siya ay magbibigay ng kanyang patotoo. Nang ang bus ay nasa matulin, ipinihit ko ito palabas ng kalsada at ito ay sumunod at bumangga sa isang puno. Lahat ng pasahero ay namatay maliban dito sa isang batang bagong tanggap.

Ang kanyang pagtakas ay mahimala dahil lumabas siya sa likurang bahagi ng bus at nagsisigaw: “Ligtas ako! Ligtas ako!” Sinikap naming pigilan siya sa pagpapatotoo subalit nabigo kami.
Sa pamamagitan ng T.V., malalaman namin na ang isang tao ay bagong nagsisi at tutugisin namin siya ng tahasan upang makita namin kung kaya namin siyang patalikurin. Kung sa loob ng anim ba buwan hindi kami nagtagumpay, pupunta kami sa kanyang negosyo at gagawin namin itong luge. Kung siya ay isang lingkod ng pamahalaan sisikilin namin siya sa pamamagitan ng kanyang amo o bossing, at kung maaari ay tanggalin siya sa kanyang kalagayan o puwesto. Kung sa lahat ng mga bagay na ito ay ayaw niyang tumalikod sa pananampalataya doon titigilan na namin siya. Subalit kung siya ay tumalikod siya ay papatayin upang tiyaking hindi na siya magkakaroon ng ikalawang pagkakataon upang magsisi.

Nangwasak ako ng mga buhay sa kasukdulan na lubhang natuwa si Lucifer sa akin at ginawa akong tagapanguna ng mga mangkukulam. Isang buwan matapos akong maging tagapanguna, isang pagpupulong ang ipinatawag. Dumalo kami sa pagpupulong na iyon bilang mga ibon, mga pusa at mga ahas. Ang mga nilalang na ito ay ginagamit sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Ang mag-ayong mga ibon ay nagdudulot ng higit na panganib ang mga mangkukulam.

2. Ang mag-anyong mga pusa ay nakapagdudulot ng kakayanang abutin ng mga mangkukulam pareho ang mga espiritu at mga tao.

3. Ang mag-anyong mga daga ay nagdudulot sa mga mangkukulam na makapasok sa isang bahay na napakadali, pagkatapos sa gabi maging isang anino, at pagkatapos bilang tao at sipsipin ang dugo ng biktima.


Sa pulong na ito isa lamang ang aming agenda: “Ang mga Kristiyano.” Pagkatapos nagtakda nga kami ng isang African wizard (mangkukulam na lalake) conference sa Benin city noong 1983. Nilathala namin ito sa lahat ng mga pahayagan at lahat ng pampublikong anunsio. Lahat ng mga pwersa ng kadiliman ay ipinagala at kami ay talagang panatag na walang anumang hahadlang sa pulong na ito. Sa katunayan ang lahat ay mabuting naisa plano at walang anumang bagay na papalpak.

Biglang-bigla. Ang mga Kristiyano sa Nigeria ay nagdaos ng mga pananalangin at pagpupuri sa kanilang Diyos at lahat ng aming mga plano ay nadurog. Hindi lamang ang aming mga plano ang nadurog subalit mayroon ding malubhang kaguluhan sa kaharian ng Kadiliman. Isa sa mga resulta, ang pulong ng mga mangkukulam na lalake at babae ay hindi maaaring gawin sa Nigeria. Dapat tandaan ng mga Kristiyano na sa oras na sila ay talagang magpasimulang magpuri sa Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, nagkakaroon ng kaguluhan at di pagkakaunawaan kapwa sa dagat at sa himpapawid, at ang mga alagad ni Satanas ay mawawalan ng lugar na mapagpapahingahan. Ang panalangin ay tulad ng paghahagis ng isang bomba sa aming kalagitnaan at ang bawat isa ay magsisitakas para sa kanyang buhay.
Kung mauunawaan lamang ng mga Kristiyano at gamitin ang kapangyarihan at kapamahalaan na ibinigay ng Diyos sa kanila, sila ang magmamaniobra ng mga kaganapan sa kanilang bansa! Tanging ang mga Kristiyano lamang ang makapagliligtas ng ating bansa.

Matapos na mabigo ang pagpupulong na ito, na naidaos na lamang sa South Africa, ako ay ipinatawag muli sa karagatan. Nang ako ay dumating, sinabi sa akin sa pagkakataong iyon na gagawin ko ang karagatan na aking tahanan at dadalaw na lamang sa daigdig sa mga mahihirap na operasyon. Ako ay binigyan ng isang bagong takda o assignment: maimbento ng mga agimat para sa mga local na albularyo, tagapamahala sa control room at tagapagpadala ng mga regalo, hal. Pagbubukas ng puting kasuotan ng mga simbahan (bahay panalanginan), pagbubukas ng mga bahay panganakan, pagbubukas ng mga tindahan at gagawing masagana sila, pagbibigay ng ‘mga anak’ at salapi. Ang mga ito ay isa-isang ipapaliwanag:

1. Pagbubukas ng Puting “Kasuotan ng mga Simbahan o church”:

Kapag ang isang tao ay lumapit sa amin para sa tulong sa pagtatayo ng isang bahay panalangin at tulungan siyang gumanap sa panggagamot atbp., siya ay bibigyan ng ilang mga kondisyon:

a) Siya ay dapat sumang-ayon na mag bigay sa amin ng isa o dalawang kaluluwa kada taon.

b) Sa isang bahagi ng lebel sa opisina sa simbahan ang tao ay ihahandog para sa aming kalipunan.

c) Walang sinumang kasapi ang pahihintulutang pumasok sa bahay panalanginan na nakasapatos.

Kapag tinanggap niya ang mga kondisyon na ito, siya ay bibigyan ng isang tulad ng isang puting bato, mga buto ng tao, dugo at mga agimat, lahat sa katutubong palayok. Siya ay aatasan na ilibing ang palayok na ito kasama ang lahat ng nilalaman nito sa harap ng simbahan at ilibing na may krus sa ibabaw nito. Matapos ang paglilibing, tanging ang krus lamang ang makikita. Siya ay pagbibilinan na gumawa ng isang pool o babaran o itago ang sisidlan na kung saan ang mga espiritu ay patuloy na maglalagay ng espesyal na tubig. Ang tubig na ito ay ang naririnig mong tinatawag nilang “banal na tubig.”

Maraming tao kapag ginugulo ng mga masasamang espiritu ay nagtutungo sa mga “propeta o albularyo” upang palayasin sila. Ang katotohanan ay, dinaragdagan lamang nila ng mas marami pang demonyo sa kanila. Ang isang demonyo ay hindi kayang palayasin ang kapwa demonyo. Ang gagawin ng propeta ay, ipapanalangin ang miyembro at pagkatapos ay bigyan siya ng isang pulang tela upang ilagay sa kanyang bahay, at pagkatapos pagpapayuhan na laging manalangin na may mga kandila at mga insenso. Sa pamamagitan ng ganitong gawa ang tao ay nag-iimbita sa amin sa kanyang bahay. Kung minsan ang miyembro o kasapi ay papayuhan na magdala ng isang kambing atbp. Para sa handog. Ang mga handog na ito ay para sa amin na pumarito at tulungan ang tao. Ang propeta o albularyo ay walang kapangyarihang magpagaling.

2. Pagbubukas ng mga Bahay Paanakan: 

Kung ang isang babae ay magtungo sa amin para sa tulong sa pagbubukas ng isang bahay paanakan at gagawin itong malago, siya bibigyan ng ganitong mga kundisyon:

"Isang buwan ang aming pipiliin na kung saan ang lahat ng mga batang ipapanganak sa bahay paanakan ay mamamatay, subalit sa ibang mga buwan ang mga bata ay mabubuhay.”

Kung siya ay sumang-ayon, siya rin ay bibigyan ng isang agimat na makapang hahatak ng mga tao sa kanyang bahay panganakan. Mayroon ganung mga bahay panganakan sa Onitsha, Lagos atbp. Ang mga sapatos ay hindi pinahihintulutan sa mga bahay panganakan.

3. Pagbubukas ng mga Tindahan ng Mamahaling Gamit:

Kapag ang isang tao ay lumapit sa amin para humingi ng tulong sa ganitong bagay, siya ay bibigyan ng isang sing-sing na may taglay na kundisyon na walang babae ang dapat humipo nito. Siya rin ay papayag na aming maging miyembro. Kung pumayag siyang ganapin ang mga kundisyong ito, ang kanyang tindahan ay laging puno ng magagara at makabagong materyales mula sa amin.


4. Paghahandog ng mga Bata:

Kung ang isang baog na babae ay magtungo sa ilang albularyo, matapos niyang sabihin ang kanyang mga kahilingan, siya ay sasabihin na dalhin ang mga sumusunod: isang puting tandang, isang kambing, katutubong abo at gamit ng bata. Siya ay sasabihan na umalis at sa kanyang pagliban, ang albularyo ay magtutungo sa amin dala-dala ang mga bagay na ito. Paghahaluin namin ang ilang mga bagay na mahirap ipaliwanag sa salita, at kasama rito ang mga abo ng tao. Gagamitin niya ang agimat na ito upang ipangluto para sa babae atbp. Siya ay magiging buntis at manganganak, subalit hindi ito normal na tao. Kung ang bata ay isang babae siya ay mabubuhay at makapag-aasawa pa subalit siya ay mananatiling baog buong buhay niya. Kung ang bata ay lalake siya ay mabubuhay at magsasanay pa subalit bigla siyang mamamatay. Hindi sila mabubuhay upang ilibing ang kanilang mga magulang.


Nais kong sabihin dito na ang pagkabaog ay kalimitang gawa ng mga demonyo. Makakakita ka ng isang babaeng baog dito sa daigdig, subalit maaari siyang magkaroon ng mga anak sa dagat. Kaya nga binabalaan ko ang mga anak ng Diyos na maghantay sa Diyos lamang, siya lamang ang makapagbibigay ng mga tunay na anak.

5. Pagbibigay ng Salapi:

Kung ang isang tao ay lumapit sa amin para sa salapi, siya ay bibigyan ng mga ganitong kundisyon na dapat tupdin: Siya ay aatasan na ibigay ang isang bahagi ng kanyang katawan o kung siya ay may pamilya siya ay sasabihan na dalhin ang kanyang anak na lalake. Kung binata, siya ay aatasang dalhin ang kanyang nakatatanang kapatid na lalake o nakababata.


Sinuman ang kanyang pagpasyahang dalhin kinakailangan na ito nanggaling sa iisang sinapupunan lamang. Isang bagay na dapat banggitin ay: habang pinapatay ang biktima, ang tao na nagdala sa kanya ay bibigyan ng sibat o pana. Ang kanyang relasyon o kamag-anak ay hahayaang dumaan isa-isa sa harap ng salamin. Sa oras na dumaan ang kanyang inihandog, sasabihan siya na sibatin at kapag ito ay nangyari ang biktima ay mamamatay kung saan siya naroon.

Marami pang ibang kaparaanan subalit isa sa mga ginagawa ni Satanas ay ganoon: Sinisiguro niya na sa ibang mga kaparaanan, ang naghandog ang siyang responsable sa kamatayan ng biktima, sa pamamagitan ng pagsibat ng nagbigay sa biktima. Tandaan, si satanas ay walang libreng regalo!

Itutuloy

Isinalin sa wikang tagalog ni Reyn Araullo
Ika-20 ng Hunyo, 2009
pastorrey@gmail.com


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...