Friday, 10 March 2017

Ballpen

Sa Tagalog ang ballpen ay bolang-panulat. Kung susuriin ninyong mabuti ang dulo ng ballpen sadya talagang may maliit na bolang metal sa dulo. Gumugulong ito habang ginagamit sa pagsusulat upang ma-release ang tinta at magamit nating panulat. Noong unang panahon ang ginagamit na panulat ay balahibo ng manok o feather. Isinasawsaw ang dulo sa tinta upang magamit sa pangsusulat.

Napakamura ng halaga ng isang ballpen sa ngayon. Kahit kakabili mo lang pagkalipas ng ilang oras ay nawala balewala lang sa atin. Palibhasa mura ang halaga madali syang palitan. 

Sa trabaho madalas nating ginagamit ang ballpen. Sana bago mawala ito sa akin maubos ang tinta nito sabi ko sa aking sarili sa tuwing may bago akong ballpen. Ang nakakalungkot isang pulgada pa lang ang nababawas sa laman ng tinta nawawala na si ballpen. Maraming pagkakataon na nangyayari ito. Nakakasira talaga ng mode! Kahit sabihin pa nating libre naman ang ballpen sa opisina nakakayamot pa rin na maya't maya ay nagpapalit ka ng ballpen na hindi man lang nagtatagal sa'yo. Palaging ganito ang nangyayari kaya naging determinasyon kong ingatan at bantayan ang aking ballpen 

Isang araw napansin kong paubos na ang tinta nito. "Sa wakas naubusan din ng tinta ang ballpen ko na hindi sya nawala sa akin.". Natuwa ako dun dahil sa aking tagumpay. Hanggang sa huling patak ng kanyang tinta hindi ito nawala. Marahil nararamdaman din ninyo ang nararamdaman ko tungkol sa kwento ng ballpen. 

Ganyan ang ating Panginoong Diyos nalulungkot Sya kapag ang kanyang anak ay nawawala. Sa pasimula na ikaw ay kanyang naging pag-aari nais ng Diyos na magamit ka hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. Tulad ng isang ballpen na magamit sya hanggang sa huling patak ng kanyang tinta. Minsan may pagkakataong napupunta sa ibang kamay ang ballpen na ito kapag naibalik naman sa iyo nagagalak ka di ba? Hangga't maaari ayaw mong mawala ang bolang-panulat dahil ginagamit mo sya araw-araw.

Sinabi ni Hesus sa Juan 10:29 "Ang Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama." Ganito ang ating Panginoon ayaw nyang mawala ka sa kanya. Hindi ka na maaagaw ninuman sa presensya ng Diyos kapag ang Ama ang nagdala sa'yo kay Hesus.

Sinabi naman ni apostol Pablo noong mga panahong malapit na syang mawala dito sa mundo sa aklat ng 2 Tim 4:7 "Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya." Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay nagamit si apostol Pablo ng ating Panginoon dahil tumalina sya sa Diyos.

Kahit ang buhay natin ay mura o cheap tulad ng isang ballpen na tila madaling mawala o mapalitan. Sabi nga nila kasing halaga na lang daw ng isang manok ang buhay ng tao ngayon. Sa panahong naging pag-aari ka na ng Diyos sapagkat binili ka ni Hesus sa mataas na halaga doon sa krus ng kalbaryo. Kasing halaga na ang iyong buhay ng buhay ni Hesus na inalay niya para sa,yo... naging priceless ka,

Sigurado ako dito.... hindi papayag ang Ama sa langit na mawawala ka pa sa piling Niya.... gagamitin ka hanggang sa huling sandali ng iyong buhay... Amen.


Akda ni: Jovit D. Tilo







The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...