Ang aking pagharap kay HesuKristo
Kwentong patotoo ni Emmanuel Eni
Sa buwan ng Pebrero 1985, Ginanap namin ang aming
karaniwang pulong sa dagat, pagkatapos noon ako ay nagpasyang maglakbay
patungong Port Harcourt in Rivers State, upang dalawain ang balo ng aking
tiyuhin. Nakilala ko ang isang lalakeng nagngangalang Anthony. Siya ay mayroong
pagawaan o talyer sa Nwaja Junction, sa hilera ng Trans-Amadi Road, Port
Harcourt, Rivers State. Ipinatawag niya ako at yamang sa aming kalipunan ay
mayroon kaming isang batas na hindi tanggihan ang mga tawag, nagpasya akong
tanggapin ang kanyang tawag. Natungo ako sa kanya sa bandang hapon nang isang
Huwebes ng linggong iyon. Nagpasimula siya sa pamamagitan ng pagsabing binigyan
siya ng Diyos ng isang mensahe para sa akin. Inilabas niya ang kanyang Bibliya
at nagpasimulang mangaral. Mayroon duong tatlong iba pang Kristiyano na nakaupo
(isang lalake at dalawang babae). Nagpatuloy siya sa kanyang pangangaral nang
may kahabaan at hindi ko tiyak kung napakinggan ko ang lahat ng kanyang sinabi.
Sinabihan niya akong lumuhod para sa mga panalangin. Ako’y sumunod at matahimik
na ako ay lumuhod.
Pagdakay siya’y nagpasimula sa kanyang mga panalangin.
Ako ay natumba sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos at natumba ako ng plakda. Nagpumilit
akong tumayo at tumindig na parang bakal. Winasak ko ang mga bakal na upuan sa
loob ng talyer. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang tatlong miyembro ng
aming lihim na kalipunan, isang lalake at dalawang babae. Sila’y dumating sa anyo bilang mga
tao at lumapit patungo sa pintuan subalit dahil sa kapangyarihan ng Diyos hindi
sila makapasok.
Natitiyak ko na ang alarma sa karagatan ay nagbabala sa
kanila sa panganib at dahil sa T. V. alam nila kung saan naroon ang problema at
nagpadala ng ‘walang kapangyarihang’ pangkat na sasaklolo. Ito ay kalimitang
nangyayari kung mayroong isang kasapi na nasasabak sa gulo. Habang ang dalawang
lalakeng Kristiyano ay hinahatak akong pababa upang ako ay lumuhod, ang mga
babae ay patuloy na nananalangin at ginagapos ang mga demonyo, subalit hindi
sila eksakto o ‘specific’. Tinanong nila ako kung ako ay sumasampalataya kay
HesuKristo, wala akong sinabing anuman. Sinabihan nila ako na tumawag sa
pangalan ni Hesus, ako’y tumanggi. Tinanong nila ang sarili kong pangalan at
sinabi ko sa kanila. Nakibaka sila nang ilang oras at pagkatapos pinawalan ako.
Walang espiritu ang napaalis sa akin, kaya ako ay lumabas na tulad din o gaya
ng aking pagpasok.
Ang Mga Gawain sa Iglesia
Ang sumunod na araw bilang Biyernes, ako ay muling
inimbita ni Anthony upang dumalo sa kanilang panggabing pananalangin sa
Assemblies of God church, Silver Valley, Port Harcourt. Tinanggap ko ang
imbitasyong ito dahil sa pagdalo sa mga gawain ng mga mananampalataya ay
nagdudulot sa akin ng pagkaantok at ang kaguluhan ay bahagi ng aming takda o
mga dapat gawin. Ang programa ay nagsimula sa mga awitan. Kami ay umawit
hanggang ang isa sa mga miyembro ay nagtaas ng isang sikat na koro ng isang
kilalang Christian Band, na tumutukoy sa kawalang kapangyarihan ng ibang
kapangyarihan maliban sa kapangyarihan ni Hesus.
Pagkatapos nagpasimula akong tumawa. Tumawa ako dahil
nang tignan ko sa espiritu tinignan ko ang kanilang mga buhay halos 75% ng mga
taong umaawit sa koro na ito ay namumuhay sa kasalanan. Alam ko iyon dahil sa mga kasalanan sa kanilang
mga buhay, sila ay lantad at maaaring saktan lubha ng mga kapangyarihang ito.
Napakahalaga na ang mga Kristiyano ay sumusunod sa salita ng Diyos at hindi
payagan ang mga lihim kasalanan na manatili sa kanilang mga buhay. Sa gawaing iyon kami ay apat na
mula sa karagatan at umaawit at pumapalakpak na kasama nila. Muli nais kong
bigyan diin dito na kapag magsisimula ang isang gawain, ang mga miyembro ay dapat payuhang
ipahayag muna (sa Diyos) ang kanilang mga kasalanan, pagkatapos ay tumungo sa
isang tunay na mga pagpupuri sa Diyos. Ang
bagay na ito ay magdudulot sa alagad ni Satanas na naroon ng napakahirap na
kalagayan at sa katunayan tatakas para iligtas ang kanyang buhay.
Sa partikular na gawaing ito kami ay napaka comportable
at nagawa pang magtungo sa aming operasyon. Marami ang nagpasimulang matulog,
ang mga koro ay inawit ng may kahinaan, at ang mga bagay ay nagpawarde-warde.
Sinabi na ni Brother Anthony sa kanila ang tungkol sa akin kaya sa bandang 2:00
ng umaga tinawag nila ako upang ipanalangin. Habang ako ay papalapit sa harapan
nagpasimula silang nagsumamo sa dugo ni Hesus. Pinatigil ko sila at sinabi ko:
“Hindi ang pagsusumamo sa dugo ni Hesus ang sulusyon. Ako’y isang malalim na
kasapi ng lihim na kalipunan. Kung kayo ay magkakasundo na kaya ninyo akong
palayain, doon, ako ay luluhod.” Ang mga salitang ito na aking sinabi ay hindi
ko muna pinag-isipan. Ang dugo
ni Hesus ay nakapangingilabot sa mga demonyo at nag-iingat sa mga
mananampalataya, subalit hindi nakagagapos ng mga demonyo. Ang paggagapos ng
mga demonyo ay nangyayari lamang kung ang Kristiyano ay ginagamit ang kanyang
kapamahalaan at ibibigay ang kanyang utos.
Nagkasundo sila at ako ay lumuhod. Sa puntong iyon isang
kapatid na babae na pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos sumigaw at nagsabi:
“Kung hindi ka karapat dapat huwag kang lalapit!” Sigurado ako na marami hindi
nakaunawa kung ano ang ibig niyang sabihin. Lubhang
napaka delikado para sa isang Kristiyano na namumuhay sa kasalanan na
magpalayas ng mga demonyo. Marami
ang umatras at iilan ang lumapit upang ako ay ipanalangin. Sa kanilang panimula
sa pamamagitan ng “sa pangalan ni Hesus,” Nakarinig ako ng isang malaking
kalabog sa loob ko at ako ay nabuwal sa sahig. Pagdakay ang mga nagliliparang
demonyo sa akin ay nagpulasan. Nagpasimula akong tumakbo sa pamamagitan ng
aking dibdib. Sinuman ang sinasapian ng ganitong lumilipad na demonyo ay laging
napakasama at mapanganib. Hindi nakikita ng mga kapatiran kung ano ang
nangyayari sa espiritual. Ako ay tumatakbo dahil sa isang mas malakas na
kapangyarihan sa silid.
Dalawang nagtutunggaling kapangyarihan nagpasimulang
gumalaw at nagbago ang kapaligiran. Bigla na lamang akong tumayo at naging
mabagsik atbp. Isang demonyo ang lumabas mula sa akin at sinapian ang isang
bata sa kanilang kalagitnaan at nagpasimula siyang manlaban sa kanila,
nagtatangkang iligtas ako. Hindi nagsayang nang oras ang mga kapatiran sa kanya
kundi dinala siya at ang iba pa na natatakot sa isang silid sa simbahan at
ikinandado sila sa loob. Ito’y nagpatuloy hanggang 7:00 ng umaga. Ako’y
hapong-hapo at naging tahimik, kaya ang mga kapatiran ay muling pumalibot sa
akin at nagpasimulang sumigaw: “Pangalanan mo sila!” “Sinu-sino sila?” atbp.
Nanatili akong tahimik. Matapos mag-antay nang mahabang oras at na wala akong
imik, sila ay napaniwala kong ako ay malaya na. Nanalangin sila at kami ay
nagsiyaon na. Ako talaga ay hapung-hapo at nahihirapan akong lumakad palabas ng
simbahan. Subalit may isang pangyayari naganap, nang ako ay makalabas ng
simbahan at makatawid sa kalsada, bigla na lamang akong naging napakalakas.
Marahil ilan sa mga demonyong nasialis ay muling bumalik. Naging mabalasik ako
at nagpasyang maghiganti sa simbahan o kapatiran. “Ang mga taong ito’y
ininsulto ako” sabi ko sa aking sarili, at dahil sa insultong ito ako’y muling
babalik sa Lagos at kumuha ng karagdagang kapangyarihan sa iba na kasing sama
ko rin, at pagkatapos ay babalik ako sa Port Harcourt upang maghiganti sa LAHAT
ng mga kasapi ng Assembly of God, Silver Valley.
Patungo sa Lagos
Habang patungo ako sa bahay ng asawa ng aking tiyuhin,
sinabi ko sa kanila na kinakailangan kong muling bumalik sa Lagos kaagad. Hindi
ako nagpapigil manatili at kumuha ako ng taxi patungong Mile 3 motorpark na
kung saan doon ako kumuha ng taxi patungo Onitsha. Ang aking layon ay tumigil
muna sa Onitsha, katagpuin ang isang kaibigan at pagkatapos tumungo sa Lagos.
Sa Mile 3 umalis kami at sa aming pagdating sa Omagwe, sa sangang daan ng
International Airport, nakarinig ako ng isang tinig na tumatawag sa akin sa
pamamagitan ng aking katutubong pangalan “NKEM.” Ako’y lumingonn upang makita kung
mayroon akong isang kakilalang mukha sa taxi subalit wala naman. Sino kaya ito?
Tanging ang aking namayapang ina lamang ang tumatawag sa akin sa ganung
pangalan, lahat ng tao maging ang nasa espiritual na daigdig kilala ako bilang
Emmanuel.
Habang ako ay nagmumuni-muni, ang tinig ay muling
dumating: “NKEM, ipagkakanulo
mo ba akong muli?” Hindi ko
makilala ang tinig subalit patuloy itong nagtatanong sa akin: “Ipagkakanulo mo ba akong muli?” Bigla-bigla nagkaroon ako ng
grabeng lagnat. Ang init na lumabas sa aking katawan ay napaka taas na
nararamdaman ng mga pasahero sa paligid. Isa sa kanila ay nagtanong sa akin:
“Mr., ikaw ba ay walang sakit bago maglakbay?” Sinabi ko sa kanila na ako ay
mabuti at wala man lamang akong kahit sakit ng ulo bago umalis ng Port
Harcourt.
Sa Umuakpa sa Owerri, hinimatay ako sa loob ng taxi. Ang
sumunod na nalaman ko may dalawang lalake, matatangkad at malalaki, dumating
upang kunin ako, isa sa aking kaliwa at isa naman ay sa aking kanan, at wala
silang sinabing anuman sa akin. Dinala nila ako sa isang napakamababatong
kalsada na may mga bote at bakal. Habang kami ay naglalakbay, ang mga bote at
bakal na ito ay nagdulot ng mga sugat at nagpasimula akong umiyak subalit ang
mga lalaking ito ay wala pa ring imik. Nagpatuloy kami sa paglalakad at lumabas
kami sa isang malaking kalsada. Dito nagsalita ang isa sa kanila at sabi: “Ikaw ay isang taong pinaghahanap!” at nagpatuloy kami. Nagpatuloy
kami hanggang makarating sa isang napakalaki at napakahabang gusali na mukhang
isang bulwagan sa pagpupulong. Nang kami ay makapasok sa entrada isang tinig sa
loob ang nagsabi: “Papasukin
siya sa loob!” Pinasok nila
ako sa loob at naglaho, iniwan akong mag-isa.
Ang nakita ko sa loob ng bulwagang ito ay napakahirap
ipaliwanag, subalit sisikapin ko pa ring ipaliwanag sa abot ng aking makakaya.
Ang bulwagan ay mainam na nagagayakan at napakalaki at napakahaba na naupat
mahihirapan ang sinuman makita ang dulo. At sa dulo ay mayroong isang altar.
Nakita ko ang isang buwan at mga bituin nakapalibot sa araw. Pagkatapos
nakakita ako ng isang trono at ang nakaupo roon ay isang napakaguwapong lalake
na may isang kasuotan na kumikinang tulad ng araw. Sabi niya: “Halika!” Subalit dahil sa kanyang
kaningningan hindi ako makalapit. Sa tuwing ginagalaw ko ang aking mga binti
ako ay nabubuwal.
Tumindig ako, sinubukan kong muli at nabuwal ako.
Bigla-bigla isang buwan ang nagpakita mula sa trono na kung saan Siya ay
naka-upo at naglakad patungo sa lugar na aking kinatatayuan. Pagkatapos
dalawang kamay ang lumabas sa buwan, hinawakan ang aking ulo, kinalog ako at
ang aking pisikal na katawan ay hinila para maalis, kagaya sa paghila sa isang
damit. At ang tunay na ako ay tumindig. Ang mga kamay ay itinupi ito kagaya ng
pagtutupi ng isang tela at inilapag ito sa isang sulok. Ang buwan ngayon ay
umatras sa trono at pagkatapos Siya na nakaupo rito ay muling nagsabi: “Halika!”
Ang Espiritual na Paglilinis
Ako ay lumakad sa isang punto at Siya ay humakbang
palabas ng trono patungo sa akin, inalis ang aking mga binti isa-isa at
itinaktak ang mga nasa loob nila at muli itong inayos pabalik. Ginawa niya rin
sa aking mga kamay ang gayon at muling ibinalik, sa katunayan lahat ng lugar na
pinagtaguan ng kapangyarihan ng Reyna ng Pampang. Nagmumuni-muni ako sa aking
isipan, sino kaya ito at papaano niya nalaman ang mga lugar ang mga bagay na
ito ay lihim. Pagkatapos nito Siya ay muling bumalik sa Kanyang trono at sinabi
sa aking lumapit. Habang ako ay nagsimulang maglakad, ilang mga bagay ang
nagsimulang maglagpakan mula sa aking katawan, mga talukap ay nalaglag mula sa
aking mga mata, atbp., subalit bago ako makarating sa altar ito ay huminto.
“SAAN KA PAPUNTA?” Tanong Niya.
Ako’y sumagot at nagsabi: “Ako’y patungong Onitsha upang
makipagkita sa isang kaibigan.” Sabi Niya: “Oo,
pero ipapakita ko sa iyo kung ano ang nasa iyong isipan.” Hanggang sa mga oras na ito hindi ko
pa rin alam kung sino Siya, subalit isang bagay ang tiyak na Siya ay higit na
makapangyarihan sa lahat ng mga kapangyarihan na dumaan sa akin. Sumenyas siya
sa isang lalake at sinabi sa kanya na ipakita sa akin kung ano ang kinatha ko
sa aking puso. Dinala ako ng taong ito sa isang silid at binuksan ang isang
tila baga isang pisara. Sa katunayan, kung may pagkakataon akong tumakas ay
tatakas ako, sapagkat sa harapan ko ay nakasulat ang lahat na pinlano ko laban
sa mga Kristiyano at ang plano ko laban sa Assemblies of God Church, Silver
Valley. Dinala akong muli ng lalake sa altar at umalis.
Lumabas Siya sa trono at hinawakan ako sa pamamagitan ng
kanyang mga kamay at sinabi Niya sa akin na mayroon Siyang ipapakitang ilang
mga bagay. Sa aming paglalakad sinabi Niya: “Ayaw
ko na ikaw ay mapahamak kundi iligtas ka at ito ang iyong huling pagkakataon.
Kung hindi ka magsisisi at lumapit at maglingkod sa Akin, ikaw ay mamamatay.
Ipapakita ko sa iyo ang titirhan ng mga ligtas at ang mga masuwayin.” Nang sabihin Niya ito, nalaman ko
na na Siya ay si HesuKristo.
Ang mga Makalangit ng Kapahayagan
Pumasok kami sa isang silid at binuksan Niya ang tila
baga isang kurtina. Nakita ko ang buong mundo, ang mga tao at ang lahat ng mga
gawain na nangyayari. Nakita ko ang kapwa mg Kristiyano at mga di
mananampalataya lahat ay ginagawa ang isang bagay o iba pa. Nagtungo kami sa
isang ikalawang silid. Binuksan Niyang muli ang isang kurtina ang nakita ko ay
isang nakakalungkot na tanawin. Mga tao ay nakatanikala! Tinawag Niya ang mga
tao na ito na “Ang mga mapagpaimbabaw.” Ang
mga taong ito ay mukhang lungkot na lungkot at sinabi Niya: “Mananatili silang ganito hanggang
sa araw ng paghuhukom.”
Nagtungo kami sa isang pangatlong silid. Binuksan Niya
ang isang kurtina at nakita ko ang maraming mga tao nagbubunyi at nakadamit ng
mga mapuputing kasuotan. Sa pagkakataong ito tinanong ko Siya: “Sino ang mga
ito?” Sabi niya: “Sila ang mga
tinubos nag-aantay para sa kanilang mga gantimpala.” Nagtungo kami sa isang ika-apat na
silid at ang nakita ko ay lubhang nakakatakot.
Minamahal kong mambabasa, ito ay napakahirap isalarawan.
Ito ay mukhang isang buong siyudad na nag-aapoy. Ang impiyerno ay tunay at nakapangingilabot. Kung ikaw ay napaniwala na ang
Langit at Impiyerno ay naririto sa lupa at ang tao ay walang pangalawang buhay
kundi lubos na pagkaparam matapos ang kamatayan, kinakailangang makinig ka ng
mabuting payo rito ngayon na mayroong isang
tunay na impiyerno at mayroong isang tunay na langit! Kaya nga nuong si HesuKristo ay
naririto sa lupa binalaan Niya ang mga tao tungkol sa impiyerno. Muli kong
sasabihin, ang impiyerno ay tunay. Nakita ko ito at ito ay isang lugar na
nakapangingilabot. Tinanong ko Siya: “Ano ito?” Ang Kanyang sagot ay: “Ito ay ihinanda para kay satanas
at sa kanyang mga anghel at para sa lahat ng masuwayin.” Pinangalan Niya sila tulad ng
nasusulat sa Pahayag 21:8: “Subalit ang mga duwag ang mga di mananampalataya at
ang mga karimarimarim, at mga mamamatay tao, at mga nagbebenta ng panandalian
aliw at mga mangkukulam, at mga sumasamba sa diyus-diyosan at mga sinungaling,
ay magkakaroon ng bahagi sa lawa na naglalagablab na apoy at ng asupre: na
tinatawag na pangalawang kamatayan.”
Nagtungo kami sa isang ikalimang silid at nang buksan
Niya ang isang kurtina, ang nakita ko ay maisasalarawan lamang bilang
MALUWALHATI. Ito ay tila baga na kami ay nakatingin mula sa ibabaw ng bundok.
Nakita ko ang isa bagong
siyudad o lungsod. Ang lungsod
ay napakalaki at maganda! Ang mga kalsada ay yari sa ginto. Ang mga gusali ay
hindi maihahalintulad sa anuman dito sa daigdig na ito. Sabi Niya: Ito ang pag-asa ng mga binanal.
Ikaw ba ay mapupunta rito?” Walang
pasubali ako ay sumagot “Oo!” Pagkatapos nito kami ay muling bumalik sa trono
at sinabi Niya: “Humayo ka at
magpatotoo tungkol sa ginawa ko para sa iyo.”
Muli, dinala Niya ako sa isa pang silid at nang buksan
Niya ang isang kurtina nakita kong lahat nang aking makakaenkuwentro o
makakatunggali sa aking paglalakbay patungong Onitsha at Lagos at kung papaano
Niya akong mapapalaya sa bandang huli. Pagkatapos nito sinabi Niya sa akin:
“Huwag kang matatakot, humayo ka, ako ay sumasaiyo.” Inakay Niya ako papalabas
ng bulwagan at naglaho, at nagising ako sa isang higaan sa bahay ng isang tao.
Ako’y sumigaw, kaya ang lalake at ang kanyang asawa ay lumabas mula sa kanilang
silid. Sila sa sumilip muna at pagkatapos pumasok sa loob. “Bakit ako
naririto?” Tanong ko. Isinalaysay nga ng lalake kung papaano akong hinimatay sa
isang taxi at kung papaano nila akong dinala sa isang Catholic Cathedral doon
sa Owerri. Kung papaano nagpasundo sila ng isang doktor, pumarito at matapos
akong suriin sinabi na ang aking pulso ay normal at kinakailangn silang
maghintay at tignan kung ano ang mangyayari. Binigyan sila ng doktor ng
kasiguruhan na ako’y muling magigising. Dinala nga ako ng lalake sa kanyang
sasakyan pagkatapos sa kanyang bahay at naghantay. Sinabi niya rin na hindi
niya malaman kung bakit nagtiwala sa Doktor at kung bakit kinuha niya ang
responsibilidad na dalhin ako sa kanyang bahay.
Tinanong nila ako kung ano ang aking pangalan at tirahan
na ibinigay ko naman sa kanila at pagkatapos noon ay nanahimik ako at hindi ko
isinalaysay ang aking karanasan. Nanatili akong payapa kasama ang mabuting
pamilya na ito sa ng dalawang araw at pagkatapos ang lalake at ang kanyang
asawa hinatid ako sa Owerri motorpark, na kung saan kumuha ako ng isang taxi
patungong Onitsha. Lahat ng ipinakita sa akin ng Panginoon tungkol sa aking
paglalakbay nangyari isa-isa.
Kumuha ako ng isa pang taxi patungong Lagos unang
una sa lahat nang sumunod na araw. Sumunod ako at iniwan ang Lagos para sa Port
Harcourt nang sumunod na umaga. Lagi kong tinatanong ang aking sarili, bakit
kinakailangang iligtas ng Panginoon ang isang taong tulad ko. Isang taong
napakasama at mabalasik, isang ahente ni Satanas! Nasumpungan ko ang sagot sa
tatlong salitang ito: Ang
Diyos ay Pag-ibig. Tunay nga,
Ang Diyos ay Pag-ibig!
Itutuloy
Isinalin sa wikang tagalog ni Reyn Araullo
Ika-20 ng Hunyo, 2009
pastorrey@gmail.com