Lukas15:1-7
Isang araw, ang mga
maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang
makinig. 2 Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at
mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo
sa mga makasalanan.” 3 Dahil dito, sinabi sa kanila
ni Jesus ang talinghagang ito.
4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa,
ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan
at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan?5 Kapag
nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin.6 Pagdating
sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at
sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong
nawawala!’ 7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng
higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa
kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang
magsisi.”
Mga kwento ni Jesus
Mga kwento ni Jesus