May dalawang mag-ama ang naglalakbay. Nakasakay ang
matandang ama sa kamelyo habang ang batang anak ay naglalakad. Nang mapadaan
sila sa unang pangkat ng mga tao pinuna sila. “Tingnan nyo ang ama sya itong
matanda hinayaan niyang maglakad ang anak habang nakasakay lamang sya sa
kamelyo.” Narinig ito ng ama kaya sinabi nya sa anak. “Anak! ikaw ang sumakay
dito sa kamelyo at ako na lamang ang maglalalakad.” Ganoon nga ang ginawa nila.
Pagdating nila sa ikalawang pangkat ng mga tao pinuna sila. “Tingnan nyo ang
anak! hinayaan niyang ang kanyang amang matanda ang naglalakad samantala sya na
bata pa ang nakasakay sa kamelyo.” Narinig muli ito ng ama kaya ganito ang
kanilang ginawa. “Anak! dalawa tayong sasakay sa kamelyo para walang masabi ang
mga tao sa atin.” Sumakay nga ang mag-ama sa maliit na kamelyo hanggang sa
sumapit sila sa ikatlong pangkat ng mga tao at sila’y muling pinuna. “Tingnan
nyo ang mag-ama ang liit ng kamelyo sinakyan ng dalawang mag-ama hindi na sila
naawa sa kamelyo. Hanggang sa nabwesit ang matanda kaya sinabi nya sa kanyang
anak ay ganito. “Pangtulangan nating pasanin ang kamelyo ikaw sa bandang ulo at
ako naman sa bandang huli. At sila’y naglakbay na pasan-pasan nila ang kamelyo.
Nang sila’y tumatawid na isang makitid na tulay nakita ng kamelyo ang kanyang
sarili sa tubig nagpumiglas ito hanggang sa kapwa silang tatlo nalaglag sa
tulay. Sila’y napahamak dahil sa madalas nilang pakikinig sa sinasabi ng mga
tao.
Ganito inilalarawan ang mga taong madalas makinig at
sumunod sa sinasabi ng ibang tao. Sa huli napapahamak lamang ang kanilang
buhay. Totoo na ang dila ay nakakasira ng buhay magagawa ng isang maliit na
dila na tupukin tulad ng naglalagablab na apoy ang buong kagubatan. James 3:5 "Gayon din naman ang dila ay isang
maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano
kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!"
Ang mainam para sa atin dinggin ang tinig ng Diyos na tamang
gabay ng ating buhay. Sapagkat ang Panginoon walang ibang hangarin kundi ang
tayo’y mananagumpay sa ating mga layunin. Jeremiah 29:11 "Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng
Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan,
upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas"
Huwag nating pansinin ang mga taong nakapaligid sa atin na
walang ibang layunin kundi ang tayo’y ibulid sa kapahamakan tulad ng nasa
kwento. Napahamak ang mag-ama kasama ang kanilang kamelyo nang dahil sa
pakikinig sa sinasabi ng mga tao. Amen.
Akda ni: Jovit D. Tilo