Mga Gawain ng mga Kampon ni Satanas
Kwentong patotoo ni Emmanuel Eni
"Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang makayanan
ninyong tindigang labanan ang mga pakana ng Diablo. Sapagkat hindi tayo
nakikibaka laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga
kapangyarihan, laban sa mga tagapamahala ng kadiliman sa daigdig na ito, laban
sa espiritual na kasamaan sa mga matataas na lugar"
Efeso 6: 11-12
Ang aklat na ito ay hindi pagiging kumpleto kung hindi
naihayag ang iba’t-ibang kaparaanan ng operasyon ng mga kapangyarihang ito.
Ganun din napakahalaga na ang iba’t-ibang anyo na kung saan sila ay nagpapakita
o nagpapahayag ay mabulgar.
Isang bagay ang malinaw at ito ay, ang diablo ay gaganyakin kang
maniwala na siya ay isang kathang isip lamang o simpleng masasamang isipan, o
pakikitaan ka ng higit niyang kapangyarihan at kaunti sa mga kapangyarihan ng
Diyos. Habang sinasabi ng
Bibliya: “Hindi tayo
nakikibaka laban sa laman at dugo kundi laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga
kapangyarihan, laban sa mga pamunuan ng kadiliman sa daigdig na ito, laban sa
espiritual na kasamaan sa matataas na lugar,” Sinasabi
rin ng Bibliya na ang mga sandata ng mga Kristiyano laban sa diablo at sa
kanyang mga kampon ay “hindi
makalaman subalit makapangyarihan
sa pamamagitan ng Diyos sa paghihila pababa ng mga kuta,
binabatak ang mga imahinasyon at bawat matatas na bagay at bawat matayog na
bagay na itinataas ang
kanyang sarili laban sa karunungan ng Diyos, at dinadalang bihag ang bawat kaisipan
sa pagsunod kay Kristo” (2Corinto
10: 4-5). Muli ang mga
kasulatan ay malinaw na nagpapahayag: “Para
sa layuning ito ang Anak ng Diyos ay nahayag upang wasakin Niya ang mga gawa ng
diablo” (1Juan 3: 8b). At
matapos gapiin ang mga kapamahalaan at mga kapangyarihan, gumawa siya ng isang
hayagang palabas nila, nagtatagumpay
laban sa kanila.
“Ikaw ay nasilo sa mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli sa mga salita ng iyong bibig”
(Kawikaan 6:2) sabi ng mga Kasulatan.Kaya nga ang anak ng Diyos ay dapat maging
maingat sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, na ipinangako ng Diyos na kanyang
matulin na gaganapin. Mayroong talong kumpisal o kapahayagan na sinabi sa
Salita ng Diyos:
1. Kapahayagan ng pagiging Panginoon ni Kristo.
2. Kapahayagan ng pananampalataya sa Salita, kay Kristo at sa Diyos Ama.
3. Kapahayagan ng kasalanan.
Kapag narinig natin ang salitang “kumpisal,” madali
nating naiisip ang kasalanan. Sinasabi ng diksyonaryo na ang kumpisal ay:
1. Pagpapatibay sa ilang mga bagay na ating
pinaniniwalaan.
2. Nagpapatotoo sa ilang mga bagay na ating nalalaman.
3. Nagsasaksi sa isang katotohanan na ating niyayakap.
Dapat ngang panghinayangan na sa tuwing ginagamit natin
ang salitang kumpisal ilang kaisipan ang napupunta sa kasalanan. Ang may akda
rito ay nagpapalakas ng loob ng anak ng Diyos na simula ngayon ang magkumpisal
o magpahayag kung ano ang sinabi ng Diyos. Ikaw na dating patay dahil sa
pagsalangsang ay binuhay ng Diyos kasama si Kristo at ikaw ay muli niyang
binuhay at kasamang pinaupo sa makalangit na mga lugar (Higit na mataas kaysa
mga pamunuan at mga kapangyarihan) kay Kristo Hesus. Dapat ngang unawain ng mga
Kristiyano kung saan sila nakaupo. Dapat nilang malaman na sila ay gumagalaw mula
sa itaas, sa ibabaw ni Satanas at kanyang mga alipores. Binigyan ka ng
Panginoong HesuKristo ng lahat
ng kapangyarihan at kapamahalaan kagaya
nang binigyan ka ng lahat ng mga
bagay na nauukol sa buhay at kabanalan (2Pedro 1:3).
Hindi intensyon ng Diyos na ang
Kanyang mga anak ay makontrol o maapektuhan ng mga sirkumstansya, kundi nang
Salita ng Diyos mula sa labi ng mga Kristiyano ay dapat makontrol ang kanyang
mga sirkustansya. Sabi ng Diyos sa Jer
23:29 sinasabi: “Hindi ba’t ang aking salita ay tulad ng isang apoy? Sabi ng
Panginoon; at tulad ng isang martilyo na bumabasag na maging pira-piraso ang
malaking bato?” Mga
Kristyano, ang ibig kong sabihin born again Christians, sa tuwing sinasambit
ang pangalan ang pangalang Hesus, ang lumalabas sa kanyang bibig ay apoy. Kapag
ang isang Kristiyano ay tumindig sa kapamahalang binigay sa kanya ni Kristo at
nagbigay ng isang utos sa pangalan ni Hesus, apoy ay lumalabas sa kanyang bibig
at ang bawat demonyo na nagkokontrol ng mga sikumstansya ay dapat sumunod. Si Hesus
ay buhay ngayon minamasdan na maganap na tunay ang bawat salita Niya. Muli,
nais kong bigyang diin ang isang mahalagang katotohanan maraming mga Kristiyano
ay hindi napapansin, at kung saan ay ginagamit ni Satanas. Si Hesus matapos
ituro sa Kanya ni Pedro ang natuyong puno ng igos na sinumpa ng Panginoon,
nagsabi:
(Akda ni Mateo) “Tunay
na sinasabi ko sa iyo, kung mayroon kang pananampalataya at walang alinlangan,
hindi lamang itong nangyari sa puno ng igos ang magagawa mo, subalit gayun din
naman kung sasabihin mo sa bundok na ito, ikaw
ay maalis at ikaw ay matapon sa dagat, mangyayari ito. At lahat ng mga
bagay, anuman ang iyong hilingin sa pananalangin, manampalataya, matatanggap mo nga (Mateo 21: 21-22).
(Akda ni Marcos) “Magkaroon
ka ng pananalig ng Diyos. Sapagkat tunay na sinasabi ko sa iyo, na sinuman ang
MAGSABI sa bundok na ito, malipat
ka at matapon sa dagat, at
hindi magalinlangan sa kanyang
puso, kundi manalig na ang mga bagay na kanyang sinabi ay matutupad, makakamtan niya anuman ang kanyang
sabihin.” (Marcos 11: 22-25).
Dito itinuturo ng Panginoon sa atin ang kapangyarihan ng
sinabing salita at pinalalakas din ang loob ng mga Kristiyano na maging
partikular sa kanyang mga panalangin at sa kanyang paggamit ng kanyang
kapamahalaan. Ilang mga Kristiyano ay inutusan ang bundok na umalis subalit
hindi sinabi kung SAAN pupunta ang bundok. Sinabi ni Hesus kung sasabihin mo sa
bundok: “Ikaw ay umalis at matapon
sa dagat…” Tignan natin
halimbawa ang isang kaso ng pagpapalayas ng mga demonyo. Ilang mga Kristiyano
tinatalian at tinatapon ang mga demonyo na wala namang o partikular na lugar na
pagtatapunan. Ito ay mapanganib. Kapag tinalian mo ang isang demonyo ito ay talagang tali na. Kung palalayasin mo ito nang
walang isang partikular na lugar, mananatili ito doon sa kapaligiran. Kung ang
demonyo ay sinaway lamang palabas sa isang tao, maaari siyang bumalik muli o
pumasok sa sinumang nasa paligid na hindi isang Kristiyano. Kaya nga ang mga
Kristiyano ay dapat maging maingat sa pakikitungo sa mga demonyo. Siguraduhing
ang demonyo ay gapos na,
napalayas pa at naipadala sa isang partikular na lugar.
Ilang mga Kristiyano kapag nananalangin ay nagsasabi:
“Inaaresto ko ang mga demonyo sa pangalan ni Hesus.” Sa daigdig na espiritual,
makikita mo talaga ang mga demonyo nakatindig ng tuwid naghahantay ng susunod
na utos. Subalit kung ang Kristiyano ay huminto sa puntong iyon, hindi niya
natulungan ang biktima. Huwag kang makikipaglaro sa diablo. Hindi ka dapat
makipaglaro sa iyong kaaway. Ikaw ay isinugo ng Diyos para sa
isang gawain ng pagpapalaya at pagpapanumbalik (pagpapanumbalik ng mga tao sa
Diyos). Kaya nga dapat kang maging maingat sa paggawa ng isang masusing gawain.
Inuulit ko, kapag tinalian mo ang isang demonyo, ito ay talagang gapos na.
Kapag tinapon mo ito sa anumang lugar gayun nga iyon. Hanggang hindi ka
nakikisalamuha sa kasalanan kundi nabubuhay sa kalooban ng Diyos, anumang utos
na ibigay mo sa diablo o sa kanyang mga ahente sa pangalan ni Hesus ay dapat sumunod. Ipinangako ng Diyos na
gagawin Niya ang bawat salita Niya. Sa ating pagtungo sa susunod na bahagi,
manipestasyon ni Satanas at ng kanyang mga ahente, gusto kong ilagay ninyo sa
inyong isipan ang mga sumusunod na talata:
1. “Ikaw
ay ganap sa Kanya na siyang ulo ng LAHAT kapamahalaan at
kapangyarihan.” (Col. 2: 10).
2. “Tignan, binibigyan ko kayo
ng kapamahalaan na yurakanang mga ahas at mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anuman ang makapananakit sa inyo.”
3. “Tignan, tiyak na sila ay
magsasama-sama subalit hindi dahil sa akin. Sinuman ang magtipon laban sa iyo
ay matutumba alang-alang sa iyo. Walang sandata na nilikha laban sa iyo ang
magtatagumpay: at ang bawat dila na magtitindig laban sa iyo sa paghuhukom ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at
ang kanilang katuwiran ay mula sa akin.”
Nais kong ipakita sa inyo sa aklat na ito na ang mga
masasamang puersa na gumagawa kalimitan sa mga simbahan o churches, palengke,
libingan, mga kagubatan, mga hotel, dagat at himpapawid.
Sa Loob ng mga Simbahan
Kami ay mga saksi ngayon na mayroong maraming mga taong
may sapi sa loob ng mga simbahan. Ang iba ay nagsasalita sa ibang wika at
nagpapahayag din. Tanging yaon lamang may taglay ng Espiritu ng Diyos ang
nakakasiyasat sa ganitong mga tao. Ngunit ang pinauusapan natin dito ay ang mga
ahente ni Satanas sa mga sambahan. Muli, hindi natin pinaguusapan ang mga lihim
na kasapi ng kulto na nasa loob ng simbahan (ang iba ay mga lider pa), alam
namin na naroon sila. Ang
aking sinasabi ay tungkol sa kanila na naparito bilang mga ahente ni satanas:
1. Lumikha ng mga pag-aaway-away at kaguluhan sa simbahan
o pagtitipon ng mga mananampalataya.
2. Pangalatin ang mga mananampalataya o wasakin ang simbahan.
3. Patulugin ang mga lalake at babae habang nagaganap ang pangangaral.
4. Lumikha ng iba’t-ibang uri ng kaguluhan habang ginaganap ang gawain sa
Panginoon.
5. Mag-akay ng mga kaluluwa para kay Satanas.
Yamang nasabi ko na ang ilang mga bagay sa gawing itaas
ng kabanatang tatlo, magbibigay na lamang ako ng isang patotoo kung ano ang
nangyari sa malapit na nakalipas. Ang mga Kristiyano ay dapat manatiling tapat
sa bawat salita ng Panginoong HesuKristo, sapagkat kung sila ay sumuway o
makipamatok sa mali malamang sila ay mahulog sa bahagyang pagtatangka ni satanas
o ng kanyang mga ahente. Ang mga Kristiyano ay tinawag mula sa kadiliman tungo
sa kagilagilalas na liwanag ng Diyos. Ang mga Kristiyano ay
tinawag sa lubos na
paghihiwalay mula sa
sanglibutan at sa mga iniaalok nito. “Lumabas
kayo mula sa kanila at maging hiwalay,” sabi
ng Kasulatan.
Mayroong isang kapatiran, sister J (itinago ang
pangalan). Siya ay born again at isang ganap na miyembro sa isa sa mga ‘buhay’
na mga iglesia o simbahan. Hindi nagluwat inilipat niya ang kanyang pagiging
kasapi (membership) sa aking dinadalohang denominasyon. Nakibahagi siya sa
lahat ng mga gawain sa loob ng simbahan at naging napaka-init sa mga ito.
Subalit ang kanyang ugali sa isang banda ay naging kahina-hinala. Kaya ilan sa
amin ay nagpasya na dalawin siya sa kanyang tahanan at upang malaman kung ano
talaga ang nangyayari sa kanya. Habang kinapapanayam namin siya, ang mga
espiritung nasa kanya ay nagalit at nagpasimulang magpahayag, at pagkatapos
sinabi sa amin na siya ay ahente ni satanas para sa aming sambahan. Ang mga demonyong
ito ay pinalayas mula sa kanya at ang pagpapalaya ay ginawad sa kanya.
“Kapatid, papaanong nangyari na ikaw ay naging isang ahente ni Satanas, subalit
isang ganap na miyembro ng simbahan?” tanong namin. Ang kanyang sinabi sa amin
ay ang mga sumusunod: Nagsimula ang lahat isang araw, pagkatapos ng isang
panliguhang gawain, isang ‘sister’ (isang babaeng mananampalataya kay Kristo,
ang akala niya) nagpunta sa kanya at nagpahayag na maging malapit na kaibigan
niya dahil ayon sa ‘sister’ na ito, hinahangaan niya ang kanyang Kristiyanong
pamumuhay ni sister J. Tinanggap niya ang kanyang alok na pagiging magkaibigan
na walang anumang pasubali. Ang dalawa ay nagtungo sa bahay ni sister J kasama
ang tinatawag nating ‘sister’ ay naglabas ng mga saging at mani, na kapwa
nilang kinain. Nanatili pa siya kay sister J nang ilang oras at di kalaunan
umalis.
Ang kanyang mga pagdalaw ay naging regular, at sa bawat
pagdalaw nagdadala siya ng mga regalo kay sister J. Ang mga regalo ay mula sa
mga damit, mga sapatos, salapi atbp. Sa ilang mga pagkakataon ang kaibigan ni
sister J ay dumarating na may mga kasamang maraming iba pang babae. Ito’y
nagpatuloy nang ilang panahon at nang makita ni ‘sister’ na siya ay nagtagumpay
sa pagpatay ng ilaw ni Kristo kay Sister J, nagbagong anyo siya at
nagpasimulang dalawain si Sister J sa espiritu. Sa panahong iyon ay binigyan si
Sister J ng isang pulang tela, isang tubig bato, isang sing-sing para sa
kanyang kanang hinlalaki ng paa, at isang kuwintas para sa kanyang sakong.
Dahil sa dami ng kanyang nakain at natanggap na regalo mula sa kanila, wala
nang paraan pa para tumalikod. Pumasok siya sa isang tipanan sa kanila at
nagpasimulang dumalo sa kanilang mga pagpupulong. Kaya na niyang magpalit anyo
bilang ahas, paniki, atbp. Pagkatapos siya ay naging ahente nila sa pag-aakay
ng mga kaluluwa para sa kanila sa loob ng simbahan.
Purihin ang Diyos at siya ngayon ay malaya na! Ang lahat
ng mga regalo na ibinigay sa kanya ay nawasak at siya ngayon ay maligayang muli
sa Panginoon. Minamahal na mambabasa, ang lahat ng ito ay nagsimula lamang sa
isang kakaibang pakikipagkaibigan, at dahil si Sister J ay kulang ng espiritu
ng pagsisiyasat ng espiritu at hindi mapagmatyag na gaya ng inutos ng Panginoon
“mangag puyat at manalangin upang hindi kayo mahulog sa tukso,” siya ay naligaw
at nahulog nang malalim sa mga kamay ng kaaway at ang kanyang takbuhin ay
maaring humantong sa impiyerno dahil sa kanyang kapabayaan. Madali mong
makikilala ang mga ahente ni satanas sa mga sumusunod:
- Nagsusuot sila ng mga sing-sing sa isa sa kanilang malaking daliri sa
paa, kuwintas sa palibot ng kanilang sakong, mga sing-sing sa ilong, mga kakaibang pabitin, atbp.
- Kaya nilang pumasok sa isang simbahan o kalipunan at talagang napaka-init sa mga gawain ng grupo o simbahan, para lamang sa
isang Kristiyano na kanilang minimithi. Ang ilan ay nag-uugaling kakaiba, ang
iba ay napakasama, atbp.
Kaya kinakailangan na ang anak ng Diyos ay dapat humiling
sa Diyos ng espiritu ng pagkakilanlan, upang mapagalaman niya sila sa isang tingin.
Sa oras na malaman nila na nakilala mo na sila, sisiguraduhin nilang hindi
lumapit sa iyo. Ang ganap na dahilan na ang kanilang amo ay sasaktan sila dahil
sa iyo!
Sa mga Palengke
Sila ay gumagalaw sa iba’t-ibang anyo sa palengke. Ang palengke ay isa sa pinakamalaki
nilang lugar ng operasyon, kagaya
ng isang hotel na kung saan ay naghahantay sila sa lalake. Sa palengke,
dinadampot nila ang kanilang mga biktima, ilang
mga buntis ang kanilang inilalaglag ang bata sa sinapupunan upang kumuha sila
ng dugo mula sa kanilang blood banks. Sinasamahan
nila ang ilang mga biktima sa kanilang tirahan upang madalaw nila tuwing gabi.
Ito’y nangyayari sa mga di mananampalataya! Ilang mamahaling mga produkto na
itinitinda sa palengke hal. Mga kuwintas, mga lipstick, mga pabango, at pagkain
tulad ng sardinas “Reyna ng Pampang” atbp., na may kakaibang pinagmulan.
Mayroon ilang mga gawain na ang mga Kristiyano ay dapat
magmatyag, sapagkat maaari kang makakita ng dalaga o kaya naman ay isang binata
na bigla na lamang hahawakan ang iyong tiyan o anumang bahagi ng iyong katawan.
Nagdudulot ito ng karamdaman. Ang Kristiyano ngayon ay dapat, sa karanasang
ito, ay magbigay ng utos sa ngalan ni Hesus na pakalatin o wasakin ang mga
plano ng diablo, atbp. At tunay nga anumang iyong ipakalat o gapusin dito sa
lupa ay gagapusin nga talaga.
Mga gawaing pang Kultura
Napakahalaga ring tandaan na maraming mga tao napapapasok
sa mga gawain ni satanas o nasasapian sa kadalasan sa pamamagitan ng mga gawain
kultural o kinagisnang kaugalian seremonya at mga sayaw. Halos lahat ng ating mga
kinaugaliang kultura ay may kargang demonyo. Ilang
sa pamamagitan ng mga kaibigan, ang iba naman ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng
ilang mga nobela o maikling babasahin. Ang mga demonyo ay naglipana sa palibot-libot
ng bawat rebulto. Sila ay gumagawa sa pamamagitan ng mga rebulto o imahen sa
pagsasagawa ng pagsamba sa diyus-diyosan. (Zacarias 10:2). Bilang isang payak
na bahagi ng relihiyon, ang pagsamba sa diyus-diyosan ay nakatuon sa espiritual
na kapangyarihan sa pamamagitan ng natural na mga kaparaanan at nagbibigay
pugay sa isang bagay na nilikha (Rom. 1: 18-22). Ang paliwanag ng Kasulatan sa
pagsamba sa diyus-diyosan ay espiritual na pakikiapid (Jeremias 3:8-10). Kung
kaya ang isang anak ng Diyos ay hindi dapat makitungo sa anumang mga bagay,
tahasan o di man tahasan sa pagsamba sa diyus-diyosan. Ang sinasabing mataas na
pamumuhay, juju at disco music ay mga kinasihan ni Satanas at ng kanyang mga
demonyo.
Hindi ko makakalimutan, noong bago ako iligtas ng Panginoon,
sa isa sa mga pagpupulong na kasama namin si Satanas, sabi niya: “Ang
sanglibutang ito ay sa akin at ako ay maghahari sa buong mundo sa aking
kapangyarihan, at aking wawasakin ang lahat ng sumasampalataya sa pangalan ng
Tanging Matuwid.” Hindi binanggit ni Satanas ang pangalang Hesus. Kung sinuman
ang gumawa noon sa kanyang harapan siya ay namimiligrong mawalan ng kanyang
buhay. Pinangako niya sa amin na kanyang mga ahente na gagawing tagapamahala,
atbp. Si Satanas ay isang sinungaling at tunay na ama ng mga kasinungalingan.
Mayroon ding mga plano na patahimikin ang mga Kristiyano sa Nigeria sa
pamamagitan ng pagbabawal sa pagpasok ng mga Bibliya at mga babasahing
Kristiyano mula sa ibang bansa.
Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng mga di mananampalataya
na naka puesto sa pamunuan at pamahalaan, upang magtaguyod ng mga batas at
programa laban sa mga Kristiyano. Nagtatatag siya ng mga sentrong pagamutan na
nagmumukhang napakarelihiyoso at sa pamamagitan nito ay nakakakuha ng mga
kaluluwa Ang nga sentrong ito ay kalimitang tinatawag na espiritual na tahanan ng
panggagamot ay nasa palibot
natin. Dito maraming mapanlinlang na mga kababalaghan ang ginagawa upang
lokohin ang kanilang mga kliyente o mga tagasunod. Alam na alam ni Satanas ang ikalawang pagparito ni HesuKristo at parati sa tuwi-tuwina ay
sinasabihan ang kanyang mga alagad o ahente na magmadali at maging maagap sa kanilang mga operasyon, laging
sinasabi: “Wala na tayong oras pang natitira.” Mahal na anak ng Diyos, Si
Satanas ay hindi natutulog, bakit ka matutulog?
Kabanata 8:Ang Mga Sandata ng Mananampalataya
- ANG PANGALAN NI HESUS
- ANG DUGO NI HESUS
- ANG SALITA NG DIYOS
- MGA PAPURI NG MGA KRISTIYANO
"Sa wakas mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at
sa kapangyarihan ng kanyang lakas. Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang
makatindig kayo laban sa mga pakana ng diablo" Efeso 6: 10-11
"At napagtagumpayan nila siya (diablo) sa pamamagitan ng
dugo ng kurdero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo at di nila
inibig ang kanilang mga buhay hanggang sa kamatayan... "
Pahayag 12: 11
Marami na akong nasabi tungkol dito sa simula, subalit
upang makapagbigay ng ilang pang pangyayari naganap. Dapat unawain na mayroong KAPANGYARIHAN sa pangalan ni Jesus! Mayroong kapangyarihan sa dugo ni
Hesus! Sinasabi ng Kasulatan: “At
yamang nasumpungan sa kalagayang bilang isang tao, ibinaba niya ang kanyang
sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
Kaya nga itinaas din Siya ng Diyos, at binigyan ng isang pangalan na mataas sa iba
pang pangalan: na sa pangalan ni Hesus lahat ng tuhod ay dapat lumuhod, ng
mga bagay sa langit, at ng mga bagay sa lupa, at mga bagay sa ilalim ng lupa:
At ang bawat dila ay dapat magpahayag na si HesuKristo ay Panginoon, sa
kaluwalhatian Diyos Ama” (Fil. 2: 8-11). Muli
sa Kasulatan sinasabi: “Napagtagumpayan
nila siya (diablo) sa pamamagitan ng Dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng Salita ng kanilang patotoo”(Pahayag 12:11). Hayaan ang ngalang “Hesus” ay laging na sa inyong mga labi! Ang
dalawang ito, ang pangalan at ang dugo, sumisira sa mga plano ni Satanas, at sa
katunayan nagwawasak ng mga stratehiya ni Satanas at ng kanyang mga ahente.
Ikalawa, kinakailangan mong matutunang umawit ng mga
papuri sa Diyos sa tuwi-tuwi
na. Mayroong kapangyarihang
sa mga papuri. Mayroong isang Pastor – Pastor I. K. (tinago ang pangalan).
Siya ay nagpapastor sa isang samabahan sa Ebute Metta. Siya ay naging target o
pakay ko at ang kanyang mga pagkakasala ay:
1. Ginulo niya ang aming kapayapaan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng maagang panawagan hal. Pangangaral ng napakaaga.
2. Siya ay nagpapagala-gala dala ang kanyang megaphone at nakatayo sa No. 2 bus
stop sa gilid ng Akintola Road, Ebute Metta. Mula roon ay mangangaral. Hindi
siya hihinto sa bus na iyon kundi patuloy na ginagapos ang mga demonyo, atbp.
3. Sa kanyang iglesia mangangaral siya, ihinahayag ang mga gawa ng kadiliman,
pagkatapos magpapasimula siyang maggapos ng mga demonyo.
4. Madalas siyang manalangin.
5. Lagi siyang kumakanta at nagpupuri sa Diyos.
Pinadala ko ang aking mga mensahero sa kanya subalit
hindi nila siya kayang patayin kaya nagpasya ako na ako na mismo ang magsagawa
ng pagpatay. Sa nasabing araw, nakita ko siyang naglalakad sa gilid ng new
G.R.A. Isang bagay na karapat-dapat banggitin dito ang Pastor na ito, sa tuwing
pumupunta kami para sa kanya, nakakakita kami ng mga haliging ulap sa kanyang
gawing kanan at kaliwang kamay, na naglalakad kasabay niya, kaya ang mga ito
ang pumipigil sa amin. Subalit sa natatanging araw na ito wala akong nakitang
anuman, kaya ako ay dobleng tiyak na ang aking misyon ay magiging napaka
matagumpay. Inutusan kong bumagsak ang ulan upang magawa kong patamaan siya ng
kidlat. Nagpasimulang umulan at kumidlat. Lahat ng mga puno sa lugar doon ay
nagpasimulang malagasan ng mga sanga, subalit ang Pastor na ito ay may
kagalakang umaawit. Naaalala ko pa ang koro: “Sa
pangalan ni Hesus ang lahat ng tuhod ay luluhod.”
Sa kanyang pagpapatuloy sa korong ito ang ulan ay
huminto, ang pagkidlat ay tumigil. Pagdakay may dalawang anghel na nagpakita,
isa sa bawat gilid, na may nagliliyab na tabak. Ang kanilang mga mata at mga
tabak ay tulad ng mga naglalagablab na mga apoy. Pagkatapos isang malakas na
hangin ang nagtangay sa akin papalayo at nasumpungan ko ang aking sarili sa
ibang bayan! Sa totoo lang ako ay nataranta, subalit dahil kami ay lubhang
pinatigas, ang aking sinabi ay: “Ang taong ito ay nakatakas na muli!” Hindi
alam ng Pastor ang digmaang espiritual na naganap alang-alang sa kanya. Kaya,
makikita mo, ang anak ng Diyos ay tunay na ligtas. Kapag sinabi ng Bibliya: “Walang sinuman ang sa anumang
bagay ang makapananakit sa inyo,”
Ang ikalawang patotoo ay tungkol sa isang Kristiyano na
sumakay sa taxi na sinasakyan ko. Siya ay napakainit at nagpasimulang mamahagi ng
babasahin ng mabuting balita sa loob ng taxi. Nang ibigay niya sa akin ang
babasahin tinanggihan ko ito. Nagpasimula siyang mangaral. Kaya ako ay naging
balisa at sinuntok ko siya ng singsing na nasa aking daliri. Iyon ay upang
patayin siya. Ang batang ito ay sumigaw: “Ang
dugo ni Hesus!” bigla-bigla
kidlat at apoy at isang anghel ang nagpakita. Isang malakas na hangin muli ang
nag-alis sa akin na may taglay ng malakas na kapangyarihan palabas ng taxi at
patungo sa makapal na gubat. Kung ako ay isang tao na hindi tinutulungan ng mga
masamang kapangyarihan maliligaw ako sa kagubatan. Hindi alam ng mga Kristiyano
ang digmaang nagaganap alang-alang sa kanya. Ang tanging alam niya, kasama ang
ibang mga pasahero, na ako ay naglaho palabas ng taxi!
Ang pangalan ni Hesus at ang Dugo ni Hesus sa bibig ng
mananampalataya ay nagpapalabas ng apoy atbp. Ang
Kasulatan ay nagsasabi: “Ang Pangalan
ng Panginoon ay isang matibay na tore: ang matuwid ay tatakbo rito, at
sila’y ligtas” (Kawikaan
18:10).
Mahal kong mambabasa, kung ikaw ay isang anak ng Diyos,
tandaan mo na pinadakila ng Diyos ang Kanyang salita higit sa lahat Niyang
pangalan (Awit 138: 2), Kaya, ipahayag ang Salita (Ang Salita ng Diyos)
sumampalataya na kung ano ang iyong sinabi ay mangyayari, at ito nga ay magkakaganoon. Iyon
ang pangako ng Diyos!
Muli nais kong banggitin dito na magagawa mo lamang
ipahayag ang alam mo. Ang Kasulatan ay ginaganyak tayo na magbigay lugod sa
Salita ng Diyos, pagbulay-bulayin ito araw at gabi. Upang magamit mo ng wasto
ang Salita ng Katotohanan, kinakailangang alam mo ito. Col. 3: 16 sinasabi: “Hayaan ang
salita ni Kristo ay manahan sa inyo nang sagana sa lahat ng
karunungan.” Muli Awit 1:1-3 sinasabi: “Mapalad ang
tao na hindi lumalakad sa payo ng mga makasalanan, at hindi tumatayo sa landas
ng mga taong makasalanan, at hindi nauupo sa upon ng mga taong manlilibak.
Kundi ang kanyang kaluguran ay nasa batas ng Panginoon; at sa
Kanyang mga batas binubulay
niya araw at gabi. At siya rin ay magagaya sa isang puno na natanim sa tabi
ng mga ilog ng tubig, na namumunga ng kanyang bunga sa kanyang panahon; ang kanyang dahon ay di matutuyo;
at anuman ang kanyang gawin ay
magtatagumpay.” Maging
malapit ka sa iyng Bibliya; manalangin ng walang humpay; magkaroon ng isang
pusong pala-awit at tumindig gamitin ang kapamahalaan na ibinigay sa iyo ng
Panginoong HesuKristo!
Kabanatag 9: Ngayon Ano ang Susunod?
"Ang Espiritu at ang babaeng ikakasal ay nagsabi,
“Halika!” At hayaan siya na nakakapakinig ay magsabi, “Halika!” Sinuman ang
nauuhaw, hayaan siyang lumapit; at sinuman ang nagnanais, hayaan siyang kumuha
ng walang bayad na kaloob ng tubig ng buhay."
Pahayag 22: 17
Matapos mong mabasa ang patotoong ito, hindi mo na
kinakailangan pa ng karagdagang pangangaral upang ibigay ang iyong buhay kay HesuKristo.
Sinasabi ng Kasulatan: “Ang
magnanakaw (Satanas) naparito kundi magnakaw, pumatay at mangwasak. Ako
(HesuKristo) ay naparito upang kayo ay magkaroon ng buhay, at magkaroon nito ng
sagana.” (Juan 10:10)
Namumuhi sa iyo si Satanas at gumawa siya ng iba’t-ibang
kaparaanan upang dalhin ka sa impiyernong kasama siya. Iyon, makapagpapatotoo
ka mula sa patotoong ito. Kung si Satanas ay gumawa ng isang pangako sa iyo o
kaya’y bigyan ka ng isang regalo, lagi mong isiping ito’y masamang intensyon o
pakay. Si Satanas ay isang sinungaling at ama ng mga kasinungalingan. Tinawag
siya ng Diyos na iyong kaaway, bakit hindi mo paniwalaan ang Diyos at ang
Kanyang Salita?
Ito’y hindi isang aksidente na nabasa mo ang patotoong
ito. Suriin mo ang iyong sarili at siguruhing ikaw ay na kay Kristo. Niloloko
mo lamang ang iyong sarili kung mananatili kang isang ‘maninimba’ at ang masama
sa lahat, kung pipiliin mo ang ugaling walang pakialam dito sa pinaka mahalagang desisyon sa iyong
buhay.
Iminumungkahi namin sa iyo alang-alang kay Kristo: Manumbalik ka sa Diyos. Kung hindi ka pa ligtas, ang ibig
sabihin nito kung ayon sa Salita ng Diyos hindi mo pa tinatanggap ang
Panginoong HesuKristo bilang iyong Panginoon at Sariling Tagapagligtas, na
sinusundan ng bautismo sa tubig sa pamamagitan ng paglubog, pinalalakas namin
ang iyong loob na gawin kaagad ito at huwag mong ipagwalang bahala.
Ang bukas ay maaaring huli na.
Isinalin sa wikang tagalog ni Reyn Araullo
Ika-20 ng Hunyo, 2009
pastorrey@gmail.com