Thursday, 9 March 2017

Ang pamumusong sa Banal na Espiritu.



Ang “pamumusong laban sa Espiritu” sa Bagong Tipan ay nabanggit sa aklat ng Marcos 3:22-30 at sa Mateo 12:22-32. Ang salitang pamumusong ay maaaring ilarawan bilang “pagpapakita ng kawalan ng paggalang.” Mailalapat ang naturang kasalanan sa mga kasalanang gaya ng pagmura sa Diyos, at pagbibintang sa Diyos sa paggawa ng isang bagay na hindi naman Niya ginawa. Ito rin ay pagbibintang sa sa Diyos sa paggawa ng isang makasalanang gawain, o hindi pagkilala na Siya ang pinagmumulan ng mga magagandang bagay na dapat sana'y ipinagpapasalamat natin sa Kanya. Gayunman, ang tinatawag na “pamumusong sa Banal na Espiritu” ay partikular na tinalakay sa aklat ng Mateo. Sa Mateo 12:31-32, matapos masaksihan ng mga Pariseo ang mga himalang ginagawa ni Hesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, sinabi nila na sinasapian ni “Beelzebub” ang Panginoong Hesu Kristo” (Mateo 12: 24). Sa aklat ng Marcos 3:30 partikular na tinukoy ni Hesus kung ano ang tawag sa kanilang ginawa at sinabi Niya na ang kasalanang iyon ay “pamumusong sa Banal na Espiritu.”
Ang pamumusong ay tumutukoy sa pag-akusa ng isang tao na si Hesu Kristo ay sinasapian ng demonyo sa halip na puspos ng Banal na Espiritu, at ito ay isang kasalanang hindi mapapatawad. Ang pamumusong sa Banal na Espiritu ay hindi na magagawa sa ngayon. Si Hesu Kristo ay wala na sa Mundo. Sa halip Siya ay nakaupo ngayon sa kanan ng Diyos. Wala ng sinuman ang makakasaksi pa kay Hesu Kristo na gumagawa ng mga himala at pagkatapos ay sasabihing ang kapangyarihang iyon ay mula kay Satanas sa halip na sabihing mula sa Espiritu. Kahit na wala nang pamumusong sa Banal na Espiritu sa ngayon, dapat nating isaisip na mayroong hindi mapapatawad na uri ng pamumuhay at ito ay ang katayuan ng patuloy na hindi pananampalataya sa Diyos. Walang kapatawaran para sa taong namatay na hindi na nanampalataya. Ang patuloy na pagbabalewala sa kumbiksyon ng Banal na Espiritu ay isang kasalanang hindi mapapatawad. Alalahanin ang sinasabi sa aklat ng Juan 3:16, “Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang tanging kasalanan sa ngayon na hindi mapapatawad ay ang “hindi pagsampalataya kay Hesus.”


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...