Wednesday, 22 March 2017

PINALAYA MULA SA MGA KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN - Kabanata 4

Papaanong nilalabanan ni Satanas ang mga Kristiyano

Kwentong patotoo ni Emmanuel Eni.

"Sabagkat hindi tayo nakikibaka laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga espiritu ng kasamaan sa matataas na lugar." Eph. 6: 10-12

Pakikipaglaban sa mga Kristiyano

Matapos ang utos ni Lucifer na labanan ang mga Kristiyano, kami nga ay nanga-upo at pinlano ang aming mga gagawin sa pakikipaglaban sa kanila sa mga sumusunod:

1. Pagdulot ng mga karamdaman.
2. Pagdulot ng pagkabaog.

3. Pagdulot ng pagkaantok sa loob ng kalipunan ng mga mananampalataya o church.
4. Pagdulot ng kaguluhan sa loob ng kalipunan ng mga mananampalataya o church.
5. Pagdulot ng panlalamig sa kalipunan ng mga mananampalataya o church.
6. Ginagawang ignorante o mangmang ang mga mananampalataya sa Salita ng Diyos.
7. Sa pamamagitan ng kausuhan at paggaya sa mga layaw ng laman.
8. Paglaban sa kanila ng harapan.

Sa lahat ng nasaitaas nais kong ipaliwanag ang dalawa:

1. Labanang Pisikal:

Sa pamamagitan ng T. V. na ibinigay sa akin, nakikita ko ang mga born again Christians. Hindi namin nilalabanan ang mga hipokrito o mapagpaimbabaw dahil sila ay mga kasama na namin. Ipinapadala na namin una ang aming mga babae sa malalaking mga simbahan. Sa loob ng simbahan sila ay kumakain ng chewing gum o pinapaiyak ang mga bata o gumagawa ng anumang makapagdudulot ng kaguluhan sa mga tao sa pakikinig ng salita ng Diyos. 
Maaari silang magpasyang pumunta bilang espiritu at dulutan ang mga tao ng pagkatulog habang ang pangangaral ay ginaganap. Kapag nakita nilang ikaw ay may isang malinaw pagsisiyasat sa sarili dahil sa pangangaral, aantayin ka nila sa labasan ng simbahan at sa paglabas na paglabas mo, isa sa kanila ang babati sa iyo at bibigyan ka pa nga ng regalo (At lagi ito yung gusto mo) at magpapakitang mapagkaibigan. Gagawin niya ang lahat at bago mo malaman ang mga nangyayari nakalimutan mo na ang mga lahat ng iyong natutunan sa simbahan. Subalit para sa isang tunay na Kristiyano, isa sa mga babaing ito, matapos ang gawain,ay luluksong batiin ka at magnanasang alamin kung saan ka nakatira na nagkukunwaring bago lamang siya sa lugar na iyon at walang masyadong kakilalang mga Kristiyano sa paligid. Sa pagdadala mo sa kanya sa bahay, siya ay dalidaling bibili ng saging at ang Kristiyano ay tatanggapin ito bilang tanda ng pagmamahal. Magpapatuloy siya sa kanyang pagdalaw hanggang sa bandang huli ay alisin niya ang liwanag ni Kristo sa iyo at pagkatapos ay hihinto sa pagdalo. Ang malalaking operasyon sa mga buhay na Iglesia (church) at mga pagtitipon ay ang mga sumusunod: pinapahina ang loob ng mga Kristiyano sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at dahil dito ay nagiging mga mangmang sila sa kanilang kapamahalaan at sa mga pangako ng Diyos. Sa mga crusada ang mga babaing ito ay ipadadala upang magdulot ng di pagkakaunawaan at mga pag-aawayan.

Kung papaanong napagkakakilanlan ang mga Kristiyano?

Ang mga born again Christians ay kilala sa pamamagitan ng malimit na pagdadala ng Bibliya sa mga gawain na kanilang dinadaluhan. Sila ay kilala sa daigdig ng espiritu sa pamamagitan ng liwanag na patuloy na dumadaloy sa kanila tulad ng isang napaka liwanag na kandila sa puso o isang bilog na liwanag sa palibot ng kanilang ulo o isang dingding na apoy sa palibot nila. Kapag ang isang Kristiyano ay naglalakad mag-isa, nakikita namin kasama nilang naglalakad ang mga anghel, isa sa kanan, isa sa kaliwa, at isa sa likuran. Dahil dito napaka imposible kaming makalapit sa kanya.

Ang tanging paraan upang magtagumpay ay sa pamamagitan ng pagtukso sa isang Kristiyanong magkasala, dahil dito nagkakaroon kami ng isang butas upang makapasok. Kapag ang isang Kristiyano ay nagmamaneho ng isang sasakyan at gusto namin siyang saktan, sinisiguro namin na hindi siya nag-iisa sa sasakyan. Laging mayroon isang Anghel sa tabi niya. Oh kung nauunawaan lamang ng Kristiyano ang lahat ng ihinanda ng Diyos para sa kanya, hindi na siya nakikisalamuha sa kasalanan o mamuhay ng walang pakialam!

2. Ang Paggawa ng isang Bagsak na Kristiyano

Bilang isang tagapanguna na inilagay ni Lucifer, ipinapadala ko ang mga babaing ito sa mga buhay na iglesia at mga pagtitipon. Ang mga babaing ito ay mainam na nakadamit at pagkatapos ng pangangaral ay lalabas o lalapit para sa altar call, nagpapanggap na tinaggap si Kristo at ipapanalangin. At pagkatapos ng gawain sila ay mananatili upang antayin ang mangangaral na natural naman na masayang masaya sa mga bagong tanggap na ito.

Ang mga bagong tanggap ay maaring sundan pa ang mangangaral sa kanyang bahay. Kung ang mangangaral ay walang espiritu ng pagkakilanlan sa mga espiritu, aakitin siya sa pagkakasala nang pakikiapid o pangangalunya. Ito ay nangyayari sa oras na hangaan niya ito ng may pagnanasa. Sisiguraduhin niya na magpapatuloy siya sa ganitong kasalanan hanggang sa pinapighati na niya ang Espiritu ng Diyos na nasa kanya at pagkatapos ay iwanan na siya, tapos ang misyon.

Sa puntong ito, Nais kong magbigay ng isang patotoo sa isang Ministro. Sa daigdig ng masamang espiritu siya ay kilala bilang isang tao ng Diyos. Kapag siya ay lumuluhod para manalangin nagkakaroon sa aming kalagitnaan ng kaguluhan. Ipadadala namin ngayon ang mga babaing ito sa kanya. Pakakanin pa ng taong ito sila subalit tatangging matukso. Ginawa nila lahat ng dapat nilang gawin pero hindi sila nagtagumpay. Dahil dito ang mga babaing ito ay ipinapatay dahil sa kanilang pagkabigo.

Pagkatapos ako naman ay nagpalit anyo bilang babae ang nagtungo sa kanya, at sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa inakit ko siya, subalit siya ay matigas. Ito ay lubhang napakahirap para sa akin, kaya pinagpasyahan kong patayin ko na lang siya sa pisikal. Isang araw ang Ministrong ito ay nagtungo sa Oduekpe Road pamilihang bayan. Minamatyagan ko siya at siya ay yumuko upang magtanong ng presyo ng ilang mga paninda ipinihit ko sa kanya ang isang paparating na malaking trak na may mga kargang drum ng langis tungo sa palengke na kung saan ay naroon siya. Ang malaking trak ay tumama sa poste na may mataas na boltahe ng kuryente at bumagsak sa gitna ng palengke, na nag-iwan ng maraming taong patay, subalit ang Ministro ay nakatakas. Kung papaano siyang nakatakas ay isang milagro. Iba pang araw, nakita ko siyang naglalakbay patungong bayan ng Nkpor naglalakad. Muli pinihit ko ang isang isang trak ng sundalo na may dalang mga tugi upang patayin siya. Ang trak ay tumungong derecho sa bagong kalsa sa sementeryo, pumatay ng maraming tao, subalit ang Ministrong ito ay muling nakatakas. Matapos ang ikalawang pagtatangkang ito huminto na kami. Siya ay buhay pa rin!

Dahil sa isang Kristiyano, ang diablo ay maaaring magpasya na mangwasak ng maraming kaluluwa, iniisip niya na kaya niyang patayin siya, subalit lagi siyang bigo. Ang mga inisdenteng ito ay nangyari na sa maraming mga Kristiyano lingid sa kanilang kaalaman, subalit ang kanilang Diyos ay lagi silang inililigtas. Ang problema ay, di sumusuko ang diablo. Ang kanyang kaisipan ay laging: “maaari akong magtagumpay.” Subalit kaylan man ay di siya nagtagumpay. Habang ang Kristiyano ay naglalakad taglay na nananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos at hindi nahuhumaling sa mga bagay ng sanglibutan sa buhay na ito, ang diablo ay di magtatagumpay, gaano man siya magpumilit sumubok. Ang mga di mananampalataya lamang ang nasa kanyang pamamahala.

Ang Pagpapahirap sa mga Kristiyano

Ito ay kalimitang nangyayari sa mga panaginip. Maaring makita ng isang Kristiayano sa kanyang panaginip ang mga sumusunod:

1. Dinadalaw siya ng isang patay na kamag-anak.

2. Nagkukunwaring hinahabol siya.

3. Mag-asawang naliligo sa ilog.

4. Mag-asawang nagdadala ng pagkain at nakikiusap na kumain ka.
5. Isang dalaga na nakikipagtalik o isang may-asawang babae nakikipagtalik sa isang lalake. Kung hindi ito lulunasan, kung minsan ay humanhantong sa pagkabaog.O isang buntis na babae nakikita niya ang kanyang sarili na nakikipagtalik sa isang lalake. Kung hindi ito lulunasan, ay maaaring humantong sa isang pagkalaglag ng bata.


Kung ang isang Kristiayano ay naranasan ang mga nasa itaas na panaginip, hindi niya ito dapat ipasawalang bahala sa pagkampay lamang ng kamay, subalit sa kanyang paggising dapat niyang siyasatin ang kanyang sarili at ikumpisal ang anumang kasalanan sa Diyos, gapusin ang lahat ng demonyo at hilingin sa Diyos na ipanauli ang lahat ng anumang pinakialaman. Ito ay napaka importante. Ang tao ay dapat ding humiling ng tulong at payo ng isang malagong Kristiyano na puspus ng Banal na Espiritu, mas matanda sa pananampalataya.

Ang Pag-aakay ng Kaluluwa ng Diablo

Nang nililisan ni HesuKristo ang daigdig na ito; Binigyan niya ang kanyang mga alagad ng isang utos: “Humayo kayo sa buong sanglibutan at gumawa ng mga alagad sa lahat ng lahi.” Habang ang ilang mga Kristiyano ay naghahantay ng mas mainam na panahon at maluwag na pagkakataon upang sundin ang utos na ito, ang diablo rin ay nagbigay ng utos sa kanyang mga kampon. Ang pagkakaiba ay, ang mga alagad ng diablo ay higit na seryoso sa pag-aakay ng mga kaluluwa kaysa mga Kristiyano!

Isa sa mga lugar na ginagawa ng diablo ang kanyang pag-aakay ng kaluluwa ay sa secondaria o high school, lalo na sa mga babaeng paaralan. Ilan sa ating mga babae ay ipinadala sa mga paaralan bilang mga mag-aaral. Binibigyan natin sila ng mga makabagong at mamahaling saplot o underware. Ito ay pinaka-una, dahil sa tirahan ng mga babae, ibig nilang sila ay mga naka panti lang. Ang aming mga kampon ay hindi magkukulang ng anuman, cosmetics, mga damit, panti, mga libro, mga gamit at salapi. Isang natatanging sabong pampaligo ay ibibigay sa kanya upang ipagamit sa sinumang mag-aaral na nganga-ilangan ng sabon mula sa kanya. Ang isang babae na nagnanasa na nais na maging kagaya niya ay lalapit sa kanya at makikipagkaibigan sa kanya. Dahan-dahan ang aming mga kampon ay ipapakilala kami sa kanya. Sa puntong ito dadalawin namin siya ng personalan at magpapasimula kaming magbigay ng mga regalo at pagtugon sa kanyang mga pangangailangan. Dahil dito, sasama siya sa amin ng kusang-loob. Siya naman ay mag-aakay ng iba pa at laging ganun. Ito ay binibilang na isang misyon at ito ay ginagawa ng mayroong determinasyon upang magtagumpay.

Isang bagay ang dapat maging malinaw: walang sinumang pinipilit si satanas. Ang kanyang ginagawa ay tuksuhin at gawin kang lumapit sa kanya ng kusang-loob. Kaya nga ang sinasabi ng Bibliya: “Labanan ang diablo at siya ay lalayo sa inyo” (Santiago 4:7). Isa pang lugar ng pagwawagi ng kaluluwa para sa diablo ay ang sa mga nagbibigay ng libreng sakay. Ipapadala namin ang aming mga babae na tumayo sa lansangan, at kalimitan sila ay ubod ng ganda at nakaka-akit ang kanilang mga kasuotan. Makikita mo rin sila sa mga hotel at sa pamamagitan ng mga lugar na ito nakakakuha kami ng lalake at babae. Marami tayong nakikitang mga tao nakalagay sa pahayagan na nawawala, naligaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga babae, na hindi nila alam o kilala. Dapat ka ngayong maging maingat kung sino ang isinasakay mo sa iyong kotse.

Itutuloy

Isinalin sa wikang tagalog ni Reyn Araullo
Ika-20 ng Hunyo, 2009
pastorrey@gmail.com


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...