Wednesday, 22 March 2017

Ang hukuman ni Kristo.


Ipinapahayag sa Roma 14:10-12 na "tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos"kaya't lahat tayo ay magbibigay sulit sa Diyos." Ang 2 Corinto 5:10 naman ay nagsasabing, "Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Kristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o masama." Maliwanag na ang mga taong tinutukoy sa parehong talata ay mga mananampalataya at hindi ang mga hindi mananampalataya. Samakatuwid, ang hukuman ni Kristo ay para lamang sa mga mananampalataya na magbibigay sulit ng kanilang mga ginawa sa lupa para kay Kristo. 

Ang hukuman ni Kristo ay hindi para sa ikapapahamak, sapagkat ang kasalanan ng mananampalataya ay tinubos na sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo (1 Juan 2:2) at ang katubusang ito ay ating naranasan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya (Juan 3:16). Ang lahat ng ating mga kasalanan ay pinatawad na, at hindi na tayo kailanman hahatulan upang maparusahan (Roma 8:1). Hindi natin dapat ituring ang hukuman ni Kristo bilang paghuhukom ng Dios laban sa ating kasalanan, manapa’y pagbibigay ng gantimpala ng Dios sa ating mga ginawa sa buhay na ito. Oo, tulad ng sinasabi ng mga talatang ating natunghayan, tayong lahat ay magbibigay sulit ng ating buhay sa Kanyang harapan. Ito ay bahagi ng kanyang pag-ako sa mga kasalanang ating nagawa. Datapuwa't ang hukumang ito ay hindi upang tayo ay hatulang maparusahan kundi upang gantimpalaan. Ito ang pangunahing layunin ng hukuman ni Kristo.

Sa hukuman ni Kristo, ang mga mananampalataya ay gagantimpalaan ayon sa kanilang katapatan sa paglilingkod kay Kristo (1 Corinto 9:4-27; 2 Timoteo 2:5). Ang ilan sa mga bagay na maaari tayong hatulan ay kung paano tayo gumanap sa Kanyang Dakilang Pagkatawag sa atin (Mateo 28: 18-20), kung paano tayo nagsikap na magtagumpay laban sa mga kasalanan (Roma 6:1-4), at paano natin pinigilan ang ating mga dila (Santiago 3:1-9). Binabanggit sa Bibliya na ang mga mananampalataya ay tatanggap ng iba't-ibang korona ayon sa kanilang katapatan sa paglilingkod (1 Corinto 9:4-27; 2 Timoteo 2:5). Ang iba't ibang mga koronang ito ay inilarawan sa 2 Timoteo 2:5, 2 Timoteo 4:8, Santiago 1:12, 1 Pedro 5:4 at Pahayag 2:10. Ang Santiago 1:12 ay isang talata na nagtataglay ng katotohanang ito ng hukuman ni Kristo: "Mapalad ang taong nananatiling tapat, sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng putong. Ito'y ang buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa Kanya."





The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...