Ang sagot sa tanong na ito ay nakadepende sa kung ano ang ibig sabihin ng "Magkaparehong Diyos." Hindi maipagkakaila na ang pananaw ng mga Muslim sa Diyos at ang pananaw ng mga Kristiyano sa Diyos ay may mga pagkakahawig. Itinuturo ng dalawang pananampalataya na ang Diyos ang pinakamataas sa lahat, pinakamakapangyarihan, nakaka-alam ng lahat, nasa lahat ng dako sa lahat ng panahon at banal at matuwid. Naniniwala ang Islam at Kristiyanismo sa iisang Diyos na lumalang sa lahat ng bagay sa mundo. Sa ganitong aspeto, iisa lang ang sinasambang Diyos ng mga Kristiyano at Muslim.
Subalit, Mayroon ding mga kritikal na pagkakaiba sa pagtingin ng mga Kristiyano at Muslim sa Diyos. Habang kinikilala ng mga Muslim na si Allah ay may mga katangian gaya ng pagmamahal, kahabagan, at biyaya, hindi naman ipinapakita ni Allah ang mga katangiang ito na gaya ng Diyos ng mga Kristiyano.
Ang isa sa pinakamalaking kaibahan sa pananaw ng mga Muslim at Kristiyano sa Diyos ay, ang konsepto ng pagkakatawang tao ng Diyos o inkarnasyon. Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Diyos ay nagkatawang tao sa persona ni Hesu Kristo. Habang ang mga Muslim naman na ay naniniwala na ang ganitong konsepto ay isang napakalaking pagkutya sa Diyos. Hindi kailanman matanggap ng mga Muslim ang ideyang nagkatawang tao si Allah upang mamatay para sa kasalanan ng sanlibutan. Ang paniniwala sa inkarnasyon ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo ay lubos na kailangan sa pang-unawa ng Kristiyano sa Diyos. Nagkatawang tao ang Diyos upang maipagkaloob Niya sa tao ang kaligtasan at kapatawaran ng mga kasalanan.
Dahil dito, ang mga Muslim ba at Kristiyano ay sumasamba sa iisang Diyos? Ang sagot ay Oo at Hindi. Marahil ang ang mas magandang katanungan ay ganito: "Ang mga Muslim ba at Kristiyano ay may magkahalintulad na pang-unawa kung ano at sino ang Diyos? Kung ganito ang katanungan, ang sagot ay Hindi. May mga kritikal na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang konsepto ng Kristiyano at Muslim patungkol sa Diyos. Naniniwala tayo na ang Kristiyanismo ang may tamang konsepto patungkol sa Diyos dahil walang kaligtasan kung hindi pagbabayaran ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ng Diyos. Tanging ang Diyos lang ang makapagbabayad sa kaparusahan ng kasalanan. Tanging ang pagkakatawang tao lamang ang tanging paraan upang mamatay Siya bilang ating kahalili at sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ng Diyos na si Hesus ay binayaran Niya ang ating mga kasalanan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21).
https://www.gotquestions.org/Tagalog/
https://www.gotquestions.org/Tagalog/