Saturday, 11 March 2017

Entablado


Taong 1981 nanood ako ng concert sa Araneta Coliseum ng isang sikat na American saxophonist na si Kenneth Bruce Gorelick aka Kenny G.  22 yrs old ako noon… historical tayo ngayon hahaha! Namangha ako sa galing at ganda ng kanilang performance. Simulan natin sa arrangement design ng entablado, lighting and sound effect hahanga ka talaga.

Subalit ang pinaka da best dito ay ang mga na-feature nilang mga kanta na sikat na sikat noong panahon namin na hanggang ngayon kinababaliwan pa ring kinakanta sa mga karaoke at videoke basta musika 70’s at 80’s iyon na yon! Ang pinaka-aabangan syempre ng marami ang solo performance ni Kenny G.

Halos hindi magkamayaw ang sigawan at palakpakan ng mga tao sa tuwing tinutugtog niya ang mga paboritong kanta noon. Habang tumutugtog ang saxophonist naka-focus ang spotlight sa kanya. Saan man sya pumunta nakatutok sa kanya ang ilaw. Lahat ng kanyang galaw at pagganap sa ibabaw ng entablado nakikita ng lahat ng tao.

Ganito ang buhay ng isang Kristyano para kang nasa ibabaw ng entablado nakatutok ang spotlight habang nakamasid ang lahat ng tao, tinitingnan at inaabangan ang mga galaw mo. Sa oras na magkamali ka hindi palakpak na papuri ang matatanggap mo kundi isang nakakabinging boooo!

Bilang mga performer ng  coliseum ng mundong ito gampanan natin ng mahusay ang anumang papel na pinapagawa sa atin ng ating  direktor na si Hesus. Ipahayag natin kong sino ang ating Panginoon sundin at pakinggan sya. Deu 26:17 “Ipinahayag ninyo ngayon na si Yahweh ang inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang kanyang mga tuntunin at papakinggan ang kanyang tinig.”  

Tandaan natin na sa bawat pagkakamali na ating magagawa ang direktor natin ang syang masisira.
Sa sandaling matupad naman natin ang kalooban ng Diyos may pagpapala namang nakalaan para sa atin. Deu 26:19 “Pagpapalain niya kayo higit sa lahat ng bansang kanyang itinatag. Kayo ang bansang nakalaan sa kanya. At tulad ng kanyang pangako, kayo ay tatanggap ng papuri, katanyagan at karangalan.”

Tulad ni Kenny G na itinuturing na great saxophonist dahil sa kanyang pinakamahusay na pagganap sa kanyang talento hindi sya basta-basta makakalimutan sa kanyang larangan. Higit kang kinalulugdan ng Diyos dahil sa pagbibigay mo ng karangalan sa Kanyang dakila at banal na pangalan. Luke 2:14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” Amen.

Akda ni: Jovit D. Tilo



The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...