Friday, 10 March 2017

Kilalanin ang mga bulaang guro / bulaang propeta.


Binalaan tayo ni Hesus na "maraming  bulaang
Kristo at bulaang propeta" ang lalabas at magtatangkang dayain kahit na ang mga hinirang (Mateo 24:23-27; tingnan din ang 2 Pedro 3:3 at Judas 17-18). Ang pinakamagandang paraan upang bantayan ang sarili laban sa kasinungaligan ng mga bulaang mangangaral ay alamin ang katotohanan. Upang makilatis ang mali, kailangang pagaralan kung alin ang totoo. Ang sinumang mananampalataya na marunong gumamit ng salita ng katotohanan (2 Timoteo 2:15) at masikap na nag-aaral ng Salita ng Diyos ay kayang makilatis ang maling doktrina. Isang halimbawa, ang isang mananampalataya na alam ang ginagawa ng Ama, Anak at Banal na Espiritu sa Mateo 3:16-17 ay madaling malaman ang doktrina na sumasalungat sa Trinidad. Kaya't ang unang hakbang ay pag-aralang mabuti ang Bibliya upang mahusgahan ang lahat ng katuruan sa pamamagitan ng turo ng Bibliya.

Sinabi ni Hesus na makikilala ang isang puno sa pamamagitan ng kanyang bunga (Mateo 12:33). Kung maghahanap ng bunga, narito ang ilang mga pagsusulit upang malaman kung ayon sa kasulatan ang itinuturo ng isang mangangaral:
1) Ano ang itinuturo ng mangangaral tungkol kay Hesus? Sa Mateo 16:15-16, tinanong ni Hesus ang mga alagad "ano ang sabi ninyo kung sino ako?". Sumagot si Pedro "Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay". Dahil sa sagot na ito ni Pedro tinawag siya ni Hesus na "mapalad." Sa 2 Juan 9 ay mababasa natin, "Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak". Sa madaling salita, si Hesus at ang Kanyang ginawanag pagtubos ay napakahalaga. Magingat sa sinumang itinatanggi ang pagiging kapantay ni Hesus sa Ama, na pinawawalang halaga ang ang Kanyang kamatayan o tinatanggihan ang Kanyang pagiging tunay na tao. Sinasabi sa 1 Juan 2:2 "At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman."

2) Ipnangangaral ba ng mangangaral ang ebanghelyo? Ang ebanghelyo ay nangangahulugan ng Mabuting Balita patungkol sa kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli ni Hesu Kristo ayon sa Kasulatan (1 Corint0 15:1-4). Kahit gaano pa kaganda sa pandinig ang salitang "mahal ka ng Diyos", "nais ng Diyos pakainin ang mga nagugutom" at "nais ng Diyos na yumaman ka", ang mga ito ay hindi kumpletong mensahe ng Ebanghelyo. Gaya ng babala ni Apostol Pablo sa Galatia 1:7 "Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Kristo." Walang kahit sino kahit na si Pablo ang may karapatang baguhin ang Ebanghelyo ng Diyos na ibinigay Niya sa tao. "Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil" (Galatia 1:9).

3) Ang mangangaral ba ay nagtataglay ng mga katangian na nagbibigay luwalhati sa Diyos? Sinabi ni Judas tungkol sa mga bulaang mangangaral sa Judas 11 "Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core". Sa ibang salita ang isang bulaang mangangaral ay makikilala dahil sa kanyang kayabangan (gaya ng pagtanggi ni Cain sa plano ng Diyos), kasakiman (gaya ni Balaam na nagpaupa sa kanyang panghuhula), at rebelyon sa Diyos (gaya ng pagtataas ni Core ng kanyang sarili ng higit kay Moises). Sinabi ni Hesus na dapat tayong mag ingat sa ganitong klase ng mga mangangaral. Malalaman natin kung sino sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga (Mateo 7:15-20).

Para sa karagdagang pagaaral, muling balikan ang mga aklat sa Bibliya na isinulat upang bantayan ang maling katuruan sa iglesia gaya ng aklat ng Galatia, 2 Pedro, 1 Juan 2 at Judas. Laging mahirap na makilatis ang mga bulaang guro/propeta. Si satanas man ay nag-aanyong anghel ng kaliwanagan (2 Corinto 11:14).


The Bible prophesy a one-world government and a one-world currency in the end times.

The Bible does not use the phrase "one-world government" or "one-world currency" in referring to the end times. It does,...